Prologue.

83 1 0
                                    

Takot akong mag mahal nung una. Takot ako sa consequences pero sinubukan ko. Nag mahal ako. Naniwala na meron happy ending. Na nag eexist ang forever. Umasa sa mga promises. At nag paniwala sa I love you.

Akala ko okay na.

Akala ko iba siya.

Akala ko eto na ang happy ending ko.

Akala ko baka this time mag exist na ang forever na sinasabi nila.

Pero mali ako. Iniwan din niya ako. Bakit? Hindi ko alam. Alam ko lang binigay ko lahat ng kaya ko. Pag mamahal. Pag aalaga. Oras. Tiwala. Lahat. Pero sa huli. Ako ang talo. Ako ang naiwan. Ako ang pinag palit. Pinag palit sa akala niya mas better sakin.  

At heto ako ngayon broken hearted. Alam mo feeling nun?

Yung binigay mo naman lahat-lahat, pero nagawa ka parin iwan.

Yung feeling na napaniwala ka niya sa "Hindi kita iiwan, Promise. I love you."  At pag katapos lang ng ilan buwan yung forever naging fOreVER.

Yung halos gabi-gabi hindi kana makatulog kakaiyak. Kakaisip sa nangyari.

Yung nasasaktan ka sa tuwing maalala mo yung mga good memories niyo. Sa tuwing nakikita mo siya.  

Yung kahit alam mong malabo na kahit papano, kahit papano lang umaasa ka na magiging okay din lahat. Na baka kailangan lang niya ng space.

Hirap no? Broken ako pero umaasa parin ako magiging okay kami. I can't control myself from falling in love sakanya. Kasi baka pwede pa ayusin. Pwde pa bigyan ng chance. Second chance. Pero hindi pala lahat nadadaan sa second chance. Hindi lahat nag wwork sa second chance.

Kasi.....

Makakaramdam kana ng pagod..

Pagod na masaktan at umasa sa wala. Pagod na baka siya naman ulit ang mag effort. Namanhid na ata ang puso ko. Namanhid sa kakaiyak. Namanhid kasi puro sakit nalang.

Doon nag bago ang lahat. Ang paniniwala ko sa pag-ibig. Sa mga lalaki na pare-pareho lang sila na hahayaan ka mafall tapos iiwan ka.

Sasaktan..

Paasahin.

Pagpapalit.

Manhater naba ako? Oo. Siguro. Hindi ko alam. Ayoko na kasing mag mahal. Ayoko ng masaktan. Ayoko na ng one sided relationship.

May makapag papabago ba ng pag tingin ko?

May lalaki mag seseryoso paba?

Oh puro sakit nalang ang mararamdaman ko?

"Hindi lahat ng lalaki manloloko. Pano kung sabihin ko ikaw din manloloko? Nangiiwan at paasa dahil sa nasaktan ako ng isang babae?"

Bigla nalang sinabi sakin yan ng hindi ko kilalang lalaki. Hindi ko pinansin. Bakit? Hindi ko kilala. Basta ang alam ko BROKEN HEARTED ako.

-----

Hello guys! Sorry po ito yung una kong story. Actually dipa ako sigurado pero pinublish ko na. Sorry sa mga typos. Mali po grammar/spelling. Its full of shits kumbaga.

Help niyo po ako. Please Vote and comment po. If may opinion or suggestions po kayo or kahit tanong. Please support. Thank you po. Loveyou!♥

My Bestfriend's True Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon