Chapter 1.

69 2 0
                                    

Patricia's POV

It was late in the afternoon. Dahil sa kakalakad ko hindi ko na namalayan na nasa park na pla ako dito sa village namin. Buti nalang walang masyadong tao. Medyo tahimik. Halos huni lang ng ibon maririnig mo at tawanan ng mga batang naglalaro sa playground. Nakakamiss din pala ang maging bata kung saan tuhod lang ang nasusugatan at hindi ang puso.

Dito rin kami pumupunta ni Jake na boyfriend ko. Ay hindi ex-boyfriend na pala. Ex na ba? Hndi ko rin alam. Space daw eh. Eto nanaman ako. Sabi ko hindi na ako iiyak. Hindi ko na iiyakan ang taong nangiwan sakin. Akala ko manhid na ako. Manhid na sa sakit na nararamdaman ko. Pero sa tuwing binabalikan ko ang masasayang araw namin. Mga araw na ang hirap ibaon sa limot. Mga araw na nag bigay ng sobra saya sayo hindi ko mapigilan lumuha.

Bakit ganun? Bakit ang dali sa mga lalaki ipag palit kaming mga babae? Binigay ko naman lahat. Saan ako nag kulang? Waaahhh!! Pare-pareho lang silang mga lalaki. Paasa. Hahayaan ka lang nila mafall tapos iiwan ka at pag papalit sa iba. Papakiligin ka pero hindi nila paninindigan. Mga manloloko lang sila lahat. Sila lahat!!

"Oo marahil nasaktan ka ng isa lalaki. Pero hindi ibig sabihin nun masama at manloloko na lahat. Pano kung sabihin ko na ikaw paasa rin? Nanloloko at nangiiwan dahil nasaktan ako sa isang babae? Meron at meron parin naiiba sakanila. Yung taong deserve lahat ng sakit, luha at pag sasakripisyo. Tahan na. Eto oh."

Tinignan ko siya. Nakangiti habang inaabot panyo.

"Hoy Læ! Tara na dali." Sigaw ng sumigaw. Haha!

"Oo susunod na. Uy wag kana umiyak. Ireserve mo yan sa taong deserving."

Naiwan akong walang nasabi. Nakatulala habang tinitignan siyang tumatakbo palayo.

At biglang may humawak sa braso ko.

"Kyaaaahhhh!!! Wala kang magagawa masama sakin. Di mo ako mararape!!!"

"Paaat! Aray. Ako to. Hoy. Ako to si.. si Bryaaaan!!!"

"Anak ng tokwa naman oh. Mag pakilala ka kasi bago mo ako hawakan. Alam mo naman ako! Ano ginagawa mo dito?"

"Anak ka ng biik. Mag sasalita palang ako agad hawak mo na kamay ko. OA mo ah. Asa ka irarape kita. Hahahahaha! Napadaan lang. Tara uwi na. Nag sisialisan na mga tao dito."

"Whatever. Kung aasarin mo lang ako at wala kang maganda masasabi. Ibulsa monalang mga sasabihin mo. Tara na nga."

Tumayo na ako para umuwi na kami. Gabi na nga pala. Hindi ko nanaman namalayan ang pag lipas ng oras. Haayy.

"Umiral na naman kamalditahan mo! Teka. Harap ka sakin. Umiyak kaba? Parang mugto mata mo. Panyo oh. Sayo to?"

Tinignan ko.. May nakaburda na LA. LA pangalan nya? Los Angeles? Lakas Angheat? Lam Ang? Lando Andres? Lakay Agnas?

"Hoy gago. Tumatawa ka mag isa dyan. Baliw kana nga ata. Kanina umiiyak tapos ngayon. Hay. Tara sa mandaluyong. Haha"

My Bestfriend's True Love.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon