Married Life With A Dela Torre

8.4K 48 0
                                    

MARRIED LIFE WITH A DELA TORRE

Introduction:

"Life, like a road, is full of turns. Right to left, north to south. It also has one-way and two-way directions. But the road of life doesn't always have U-turns, and If you're a good driver, you should know when to speed up or when to pull over. And when you're crossing an intersection, alert your eyes and mind if someone or something is coming, for you not to crash them or for you not to be crashed."

--- Francheska Alcaraz

PROLOGUE

"I do." Tila pagsang-ayon sa sariling death sentence ko ang dating ng dalawang salitang 'yon sa tainga ko.

Hindi ko na inintindi pa ang sumunod na mga sinabi ng judge na nagkakasal sa'kin at sa lalaking ni sa panaginip ay hindi ko inaasahang makasama.

For pete's sake! Ni hindi nga dapat ako nasa kasal na 'to!

Wala sa sariling yumuko ako at tiningnan ang suot ko. Goodness! Napakalayo ng kasal na 'to sa imahinasyon ko!

Imbis na isang puti at magandang wedding dress, ang suot ko ay jeans at kulay blue na turtle-neck blouse. Sa halip na kulay ivory na heels ay black strappy clip sandals ang nakasuot sa paa ko. Ang dapat na magandang simbahan o garden o beach ay isang study room na puro bookshelves ang nakapalibot. At higit sa lahat, ang lalaking pinapakasalan ko ay isang tao na hindi ko man lang naisip na maging boyfriend o kahit nga ka-fling.

As my last thought registers on my mind, I feel a sudden kick on my gut. Okay lang naman sa'kin ang lahat ng tungkol sa kasal na 'to. Kahit nga mas simple pa ritong kasal ay ayos lang. Pero may isang bagay lang naman talaga na mali sa kasal na 'to, eh.

MALING LALAKI ANG KASAMA KO!

Mabigat na nagbuntong-hininga ako nang makarinig ako ng pag-ubo mula sa tabi ko.

"Isuot mo." Walang kaemo-emosyon na sabi no'ng 'groom' ko bago isinuot sa kaliwang palasing-singan ko ang isang sterling silver ring.

Hindi ko na pinagkaabalahan pang tingnan ang lalaki sa harap ko. Kinuha ko sa box na nasa mesa ang kapares no'ng sing-sing at walang salita na isinuot ko sa 'groom' ko.

Nang muli akong humarap sa judge na nagkakasal ay halos magbilang na 'ko sa isip ko. Gusto ko nang matapos ang walang kwentang kasal na 'to. Kasal na puro kasinungalingan!

CHAPTER ONE

Carl's POV

Daze's, isang bar kung saan halos karamihan sa mga customer ay estudyante ng Frankinstein University. Bagong bar lang 'yon at laging usapan ng mga estudyante sa school. Hindi 'yon malapit sa school na tipong walking distance lang. Though, hindi rin naman 'yon kalayuan.

As for me? Lagi kong nadadaanan 'yon. Pero, sa araw-araw na nadadaanan ko 'yon, ni hindi pa 'ko nakakapasok do'n. Not until tonight.

Tinulak ko pabukas ang glass door. As I expected, nasa kalagitnaan na nang pagsasaya ang lahat. Bago ako lumabas sa kotse kanina ay 1:28 na ng madaling-araw. So, no surprise at all.

Nang maglakad ako papunta sa bar counter ay hindi na 'ko nagtaka na may mangilan-ngilan na nakatingin sa'kin. Karamihan sa schoolmates ko ay kilala ako. Hindi dahil parte ako ng kahit anong organisasyon sa school, hindi rin dahil dean's lister ako at lalong hindi dahil kabilang ako sa mga kung anu-anong grupo ng estudyante na puro kaartehan at pagpapasikat ang alam gawin.

Kilala ako sa school namin dahil isang gago at babaero ang lagi kong kasama. Ahahaha. Ang hard ko ba? Well, ayos lang 'yon dahil aminado naman silang dalawa.

Married Life With A Dela TorreWhere stories live. Discover now