Married Life With A Dela Torre (part 2)

3.6K 31 0
                                    

CHAPTER SIX

"That's all for today. Class dismiss."

Pagkarinig ko sa sinabing 'yon ng prof namin ay agad na niligpit ko na ang mga gamit ko.

"Cheska, kailan pala natin sisimulan 'yong para sa fashion show?"

Napahinto ako sa paglalagay ng sketch pad sa bag ko saka nilingon si Clariza. "Ah, hindi ko rin sure." Tumayo ako ng maayos saka siya tuluyang hinarap. "Kung gusto mo, pag-usapan na lang natin ngayon. Pupunta kasi ako sa school lawn para hintayin 'yong friend ko."

Nagdududang tiningnan ako ni Clariza. "S-sure ka ba?"

Hay! Minsan talaga nakakainis ang mga tao. Hindi mo naman isa-suggest ang isang bagay kung hindi ka sigurado, 'di ba? "Yup." 'Yon na lang ang isinagot ko at itinuloy na ang pagliligpit sa mga gamit ko.

"Sige. Ah, sabay na ba tayong pupunta ro'n?" May pag-aalinlangang tanong niya.

"If you want." Balewalang sagot ko saka isinukbit sa balikat ang tote bag ko.

Tumango lang si Clariza at sumunod na sa paglabas ko sa room.

Mula sa building ng Art Department ay dumiretso kami sa school lawn---isang park-type na parte ng campus namin---na nasa mismong tapat ng Comm Arts Building.

"Dito na lang tayo." Nilingon ko si Clariza nang nasa tapat na kami ng isang bench sa ilalim ng isang puno.

"Sure."

"So, ano nang plano natin para sa fashion show?" Umpisa ko nang makaupo na kami.

Hindi agad siya sumagot. Sa halip, tumingin siya sa paligid namin nang may naguguluhang ekspresyon.

"Don't mind them. Naninibago lang sila." Kaswal na sabi ko habang kinukuha ang planner sa bag ko.

Alam kong pinagtitinginan kami ng mga tao kahit hindi ko pa itanong kay Clariza kung anong problema niya. Wala naman kasing ibang alam ang mga chismosang tao rito sa campus namin kung hindi ang pagpiyestahan ang mga katulad ko.

Eh, ano nga ba 'ko? Actually, hindi ko rin alam kung ano ba talaga ako---maliban sa tao---sa rami ng tawag sa'kin ng mga tao rito sa school. To name one, they called me skank.

"Cheska, hindi ka ba naiilang?" Out of the blue ay tanong ni Clariza sa'kin.

"Saan?" Painosenting sagot ko habang tinitingnan ang mga schedule ko sa planner.

"Sa mga tao rito sa campus." She paused. "Halos lahat sinusundan ka ng tingin."

"Maganda kasi ako kaya nakatingin sila." Biro ko saka dumiretso ng upo at seryong tiningnan siya. "Look, alam ko ngayon mo lang ako nakasama sa labas ng classroom. And I'm sorry if you're not comfortable. Pero, Clariza, sana maintindihan mo na ayokong pinag-uusapan ang mga hindi importanting bagay." I know I'm being too forward but there's no other way. At wala rin naman akong magagawa kung hindi komportable ang kasama ko dahil lang pinagtitinginan ako ng mga tao. Hindi ko naman mauutusan ang mga chismosa sa campus na 'to na tigilan ako dahil may kasama ako na hindi sanay sa ginagawa nila.

Tumango si Clariza. "Naiintindihan ko," saka siya matipid na ngumiti. "Pag-usapan na natin 'yong sa fashion show."

Gumanti rin ako ng ngiti sa kanya at nag-umpisa na kaming gumawa ng schedule at things-to-do list para sa fashion show.

I'm a fashion design student here in Frankinstein University. Three-year course lang ang course ko at nasa unang semester ng pangalawang taon na 'ko. Though, pangatlong taon ko nang nag-aaral dito. Of course, hindi dahil may bagsak ako o dahil umulit ako. May one-year associate degree pa kasi rito sa school namin bago ka makapasok sa mismong fashion design na course.

Married Life With A Dela TorreWhere stories live. Discover now