-Jilliane-
"Jill!" Tinawag ako ng club president namin na si Janica.
Pumunta naman ako sa president's table para maupo at makausap siya.
"Jilliane Maryelle Lim, Willing ka bang umarte for this upcoming project natin na movie?" Binaba niya ang salamin niya at napakagat sa ballpen niya habang nakatingin saakin ng diretso.
"Yes. Willing ako Jani." Sagot ko.
Nagpakawala naman siya ng hininga at sinuot ulit ang glasses niya. May sinulat siya sa papel na nakapatong sa desk niya at pinirmahan ito.
"You'll be the leading lady of Mr. Medina."
Inabot niya saakin ang papel at tumango para makaalis na ako.
Ang role ko pala ay si Lianna sa movie namin entitled "The Love Project." Magsisimula ang taping nito next week at kailangan daw mamemorize ang script as soon as possible.
Hays. Hirap talaga kapag top 1 ka ng klase at pilot section pa.
3rd year highschool pa lang ako. Si Jani ay taga pilot section rin, at top 1 din yun sa klase.
Lumabas na ako ng club dahil nag ring narin naman yung bell, hudyat ng uwian na.
Jilliane Maryelle Lim is my name, 15 years of age at nagaaral sa University of Augustus, 3rd year highschool.
Napagdesisyunan kong pumunta sa favorite kong tambayan sa school. Ang "hidden garden". Base naman sa name nito, Tago ito at pwedeng pampalipas oras ng mga estudyante.
As usual, walang tao dito dahil ofcourse, uwian na.
*ting* (a/n: sorry sa lame sound effect -.- :") hehe.)
Kinuha ko ang iPhone 5s ko sa jansport ko.
'5 message, Slide to Unlock' - nagappear sa lock screen.
Una kong binasa ay galing kay Ate Yumi. Fiancee ni kuya.
From: Ate Yumi
Jilly, daan ka ng Infinitea sandali. Around 3pm. Avai ka ba? Text me. Keep safe :)
Ano? Chineck ko ang wristwatch ko. 1:45 pm. Buti naman.
Nireplyan ko na.
To: Ate Yumi
Sige. See you later.
Binasa ko rin ang sunod-sunod na text ni Aresse, Bestfriend ko.
From: Aresse
Huy babae!
From: Aresse
Huy! Asan ka ba?
From: Aresse
Ano ba! Jilliane! Asan ka? txt bck. Kakaltukan kita! Kyaah~ >:|
See? Sadist po ang bestfriend ko -.-
Nahagip naman ng mga mata ko ang message ni Jani.
From: Janica
Hi Jill. Please meet me up tomorrow if you are avai. I'll text you further about the details. Kudos! :)
Nireplyan ko kagad.
To: Janica
Jani, pwede ako tomo. San?
nagreply naman siya agad.
From: Janica
At our house, perhaps?
Huh? Sa bahay niya? K. Fine.
To: Janica
Okay. Text mo sakin yung address.
At tinago ko na ang phone ko.
Time check sa wristwatch- 2:25 pm.
Nagmadali na akong umalis at ikinulbit ang jansport ko sa balikat ko.
Ah shit. May bato pala dito at di ko nakita.
"Aray!" Napatili ako sa sobrang sakit ng kaliwang paa ko. Agh. May lakad pa naman kami.
Napaupo ako sa mabuhangin na lupa at hinilot ko ang paa ko.
Aish. Sana pala tinext ko si Aresse.
Nagulat ako nang may umalalay para makatayo ako.
Kinapa ko naman ang kamay niya na nasa mga elbow ko.
"S-salamat."