Nilapag ko ang bagpack ko sa study table ko at bumagsak sa kama ko.
Ang sakit ng ankle ko tae!
Ugh. Oo nga pala may nagtext saakin.
From: 0915******3
Hi there.
Huh? Sino 'to at pano niya nalaman num ko? Ah shit.
Kaya pinangalanan ko siyang "Anony" short for 'Anonymous'.
Nireplyan ko muna si Aresse.
To: Aresse
Babae slr. Nakauwi nako. Napilay rin ako. K. See you tomo.
Sunod na nireplyan ko si Anony.
To: Anony
Who's this?
Nilapag ko na yung iPhone ko sa side table at maya maya may kumatok na sa door ko.
"Pasok."
Lumapit si Manang Leah.
"Nako, ikaw talaga bata ka! Ano bang nangyari?"
Si Manang Leah na ang guardian ko bukod kay Kuya Cleve.
"Eh kasi manang nadapa ho ako."
"Ah ganun ba." Hinila naman niya ng dahan dahan yung left leg ko at tinapat ang ice pack sa ankle ko sabay hilot.
Makirot pero tinitiis kong wag magreklamo kaya naglipbite nalang ako.
Napansin naman ni Manang na namula na ang ankle ko.
"Okay na yan, iha. Magpahinga ka na muna at magbihis. Nakauniporme ka pa. Sige, tawagan mo nalang ako kung may kailangan ka." Sabay alis ni manang.
Nagpalit ako ng damit. Alam ko na, pupunta akong park. Kinuha ko ang milk tea na binili sakin ni ate yumi at inubos saka tinapon.
Nagsuot lang ako ng singlet jersey na may "LIM" at num na '8' sa likod. kulay blue yun at sinuot ko rin ang maong shorts ko.
Kinuha ko sa bagpack ko ang earphones at wallet ko at sinalpak sa shoulder bag ko.
Kinuha ko rin ang iPhone ko sa side table sa may bed ko.
Bumaba na ako at dumiretso sa kitchen.
Binuksan ko ang ref at kinuha ang one pine strawberry yogurt ko at isang disposable na spoon.
Perfect-I thought.
Sinuot ko ang vans slip-in ko na hello kitty at lumabas na.
Okay na yung kaliwang paa ko kaya nakalakad na ako ng maayos.
Inun-chain ko yung bike ko.
"Nice. Nagamit rin kita ulit, bikey." Napangiti ako at sumakay na.
Naramdaman ko ang tahimik na atmosphere dito sa subdivision namin kaya naman napangiti ako.
Malapit na ko sa park. Naisip kong tumigil muna sa bahay ng bestfriend ko dito si, Carly.
Sakto naman, kumakain siya ng ice cream nadatnan ko sa gate.
"Ikaw na ba yan, Jilliane?"
"Oo naman. Kumusta?"
Magkakababata kami ni Carly. Nagaaral kasi siya sa Public School at di ganon kayaman ang family niya. Pinamana lang ng boss ng papa ni Carly ang bahay na tinitirhan nila ngayon.
Lumapit siya at yinakap ako.
"Jilliane! Mas gumanda ka!!! Siguro may boypren ka na no?"
"Wala ha! Ikaw talaga!"
"Sige, mauna na ko Jilliane ah. Pupuntahan ko pa yung kapatid ko sa loob eh. Ingat nalang!" Sabay beso niya saakin at pumasok na sa bahay nila.
Umalis na rin ako at padiretso na sana ako nang
*blag boogsh*
napapikit nalang ako nang may sasakyan na bumangga sa bike ko. sinalubong kasi ako.
Bahala na po kayo saakin, Lord.