Nilingon ko ang lalaki.
Tapos, napangiti naman siya ng pagkatamis-tamis.
Crap! Am I praising his handsomeness? Damn.
"Miss, okay ka lang ba?" Nilapit niya ang mukha niya saakin at inalalayan akong maupo.
May bench kasi malapit dun sa batong peste na nagpadapa sa mala-anghel kong katawan. Chos!
"Yes. Salamat sa pagtulong. Yung bato kasi eh. Di ko alam mayroon palang nakalagay dun. Haha." Napatawa ako ng may lungkot sa tono. Hay nako.
"Okay lang miss, wala yun. By the way, I'm Jan Josh." Inextend niya ang mala-adonis na kamay niya. Aish! Fine. Maitsura kasi 'tong lalakeng to.
Inabot ko naman ang kamay ko at nag-shake hands kami.
"Jilliane. Jill nalang for short."
Ngumiti naman siya.
"Josh!" Napalingon naman siya sa likod niya.
"O, Karen. Ay oo nga pala. Here's Jilliane. Jilliane, girlfriend ko, Si Karen. Were both 4th year."
Nilapitan naman ako ni Karen at nagbeso saakin.
"Hi Jilliane, Ano nangyari?" Kilala ko na 'to! Siya yung nanalong muse last year nung intrams for 3rd year level. Ah! Nakakastar-struck!
"I've just got pranked by a stone."
Natawa naman si Karen.
"Fine, haha if that's what you say. So josh, pano mo siya nakilala?" Napatingin si Josh saamin.
"Tinulungan ko siya maglakad. Nako, nadapa kasi love."
"Ah I see."
"Uhm, sige Karen, Josh. I better get going. Salamat Josh and nice meeting you both."
"Are you sure?" Nginitian ako ni Karen.
"Yah, oo. Sige ah thank you."
Nagulat ako nang hawakan ako ni Karen.
"Yes?"
"Love, siya yun. Top 1 ng Section A, Jilliane Maryelle Lim right?" Tinignan niya si Josh na may hanga sa boses niya.
"I see love. Sige na baka may pupuntahan pa si Jill. Sige Jill, see you around."
Naglakad nako palayo. Kita ko naman si Ate Yumi sa gate.
Napansin niya ang ika-ika kong paglakad.
"Hi Jilly. What took you so-"
Napatingin siya sa left ankle ko.
"What happened?"
Pumara naman sa harapan namin ang SUV na gold. Ah, it's kuya.
"Hop in ladies." binaba niya ang window ng shot gun seat.
Inalalayan naman ako ni Ate Yumi papasok ng backseat. Siya naupo sa shotgun seat.
"Hay nako sweety, Tignan mo yung left ankle ni Jilly.
"Ha? Ano nangyari?" Napalingon naman si Kuya sa backseat saakin.
"Nadapa lang ako. Wala 'to." Bored na sabi ko.
"Let's drop by at Victoria's. Bili tayo ng ice pack para jan. Then, ibababa ka na namin sa bahay. Get it?"
Bossy talaga si Kuya lalo na nasa America sila mommy at daddy.
"Sure."
"Jilly, tinake-out ko nalang pala yung milk tea mo." Sabay abot saakin nung paperbag at straw.
"Thanks ate Yumi."
"Kuya, let's go home. May ice pack pa sa bahay. Papatulong nalang ako kay Manang Leah."
"You sure?"
"Yes. Sige na straight your driving."
"Okay. Text me if you need something K?"
I smiled. "Sige."
After 5 min. drinop nako ni Kuya sa bahay.
Sinalubong naman ako ng mga maids.
"Goodevening mam."
"Same. Pakitawag si Manang Leah at padalhin mo siya ng dalawang ice pack. Pakyatin mo sa kwarto ko ah." Bilin ko sa isang maid.
"Sige ho mam."
Umakyat na ako sa kwarto nang nagvibrate yung iPhone ko.