[One-Shot] Ashes of the Past

903 28 18
                                    

*Short Note: Wooh! Nanosebleed ako dito! >_< Sana magustuhan niyo po :) May parts ata na biglang mag-E-English ang nagsasalita, kasi di ko na nakayanang mag-Tagalog xD Haha~ Sorry naman xD Di ko na sure~! :D

Ang haba! O_O Feeling ko ang dami kong na-miss...

♪ = Solo

♫ = Duet/Group

*edited as of 4/22/14*

(Part 1)

ASHES OF THE PAST

Ash's Side of the Story

"I don't regret the things I've done, I regret the things I didn't do when I had the chance." - Unknown

.

His name is Ash...

.

14 Years Ago...

"Huy Ces! Tara dito!" sabay-sabay na tawag ng dalawang batang lalake sa isang batang babae. Ngumiti ng napakalapad ang babae sa saya at sumunod sa kanila. Naghabulan sila sa kabukiran, walang pakialam sa mundo.

"Ash! Lyric! Wait lang!" tawag ng babae ng maramdaman niyang napapagod na siya. Huminto naman sa pagtakbo yung dalawang batang lalake at nilapitan siya.

Hinawakan siya ng isa sa balikat. "Sorry Ces, hindi namin napansin na napapagod ka na," sabi niya.

Ngumiti si Ces habang hingal-na-hingal. "Okay lang, Lyric."

"Tara! Balik na tayo. Baka hinahanap na tayo ng mga magulang natin," sabi naman ng isa. Ngumiti siya ng malapad at nagsenyas sa dalawa na sundan siya.

"Kahit kailan talaga, Ash, ang dami mong enerhiya," komento ni Ces.

"Ganun talaga! Habang bata pa tayo, i-enjoy natin ang buhay!" sabi ni Ash ng nakangisi.

"Oo na, oo na," sabi ni Lyric habang umiiling. "Tara na." Tinulungan niyang tumayo si Ces at hinimos-himos ang likod niya para makahinga na siya ng maluwag.

Inobserbahan ni Ash silang dalawa ng nakakunot ang noo. Tinaasan siya ng kilay ni Lyric, ngunit ngumisi lang si Ash at naglakad sa tabi ng lalake. "May gusto ka kay Ces noh?" bulong niya.

Namula agad si Lyric. "Wala noh! Tinutulungan lang e!" agad niyang pag-depensa.

Magko-koment na ulit sana si Ash ng narinig nilang dalawa ang mahinang pagkanta ni Ces.

I will never let you fall

Napatingin ang dalawang lalake sa kumantang babae.

"Paborito mo talaga 'yang kantang 'yan noh, Ces?" nakangiting tanong ni Lyric sa bata. Nginitian naman siya ni Ces bilang sagot sa tanung na 'yun.

Kumanta na rin si Lyric at sinabayan siya.

I'll stand up for you forever

"O sige, kayo na ang may magagandang boses," pagbi-biro ni Ash na siyang ikinatawa ng dalawang kumanta.

"Kumanta ka na rin kasi, Ash," anyaya ni Ces.

Tumawa ulit si Lyric. "Oo nga! Bilis!"

Bumuntong-hininga si Ash at ngumiti ng matipid.

I'll be there for you through it all

Even if saving you sends me to heaven.

Their Twisted StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon