"JASMINE?"
Tinatapos ni Jasmine ang huling chapter ng nire-review niya para sa nalalapit na Bar exam nang marinig niya ang pagtawag sa Kanya ng mommy niya Mula sa labas ng kanyang silid.Late na siyang nakapagsimulang mag-Aral Dahil dumating ang Ate Jessica niya para ipakilala sa kanila so Matthew, ang lalaking mapapangasawa nito. BUONG weekend tuloy hanggang sa Makaalis na uli ang mag ito na Hindi siya nakapag-review.
Nang buksan niya Ang pinto ay hindi ang mommy niya Ang nabungaran niya Kundi si Jeremiah, ang bunsong kapatid niya. Nakapamaywang ito habang nakataas ang isang kilay. "Ate Jas, alam mo iyang kaaaral talaga, nakakabingi, 'no? Kanina ka pa kaya tinatawag ni Mommy."
Tulad ng dati at Tulad ng alam nitong magiging reaksiyon niya, natawa Lang siya sa pagmamaldita nito. BAKLANG-BAKLA ito pero Mahal na Mahal niya ito. " Anong meron, Iyah?" Tanong niya rito. Palayaw nito ang "Iyah."
"Sasabihin ko sa iyo pero kailangan mo Munang Uminom ng pampakalma."
Kumakabog ang dibdib niya sa sinabi nito. " Ano ba 'yon?"
"Magsuklay ka Muna kaya ng buhok. Baka diyan na magpugad ang mga manok ni Lolo."
"Kapag Hindi mo pa sinabi, ikaw na ang ipansasabong ko," Banta niya rito.
"Hindi mo kaya, no," malakas ang loob na sabi nito.
"Wanna bet?"
"Sige na nga.NASA labas si Milton mo."
Natigilan siya.....nang matagal.
"Hoy, ate! Hoy!" Sabi ni Jeremiah. Niyugyog pa nito ang balikat niya.
"Huh? Si Milton?"
"Ay, patay tayo riyan." Itinirik nito ang mga mata."yes, Milton. As in, Milton 'tonton' Esguerra, ang tangi mong pag-ibig."
Sinampal niya ito sa braso. "Hoy,Jeremiah, huwag na huwag mo ngang masabi-sabi 'yan at baka may makarinig Sayo. Hindi ko tanging pag-ibig si Milton, 'no. Anyway, anong ibig mong sabihin nandito siya? ' Di ba, NASA Solomon Island siya?"
YOU ARE READING
Second Best
Romance"Kailangan Kong malaman kung alam mong ikaw Lang ang gusto Kong Hawakan at halikan tuwing hinahawakan at hinahalikan kita."