"Magpapakalma?" Sagot ni Jeremiah.
Ang balak niya ay irapan ito. Pero pagtingin niya rito ay may umagaw sa atensiyon niya. Say tabi nito ay naroon ang drawer kung saan nakapatong ang nakakuwadrong larawan at nakaakbay si Milton sa ate niya na para bang sinasabi nitong sa tabi ng ate niya Ang Lugar nito.
Iyon ang problema niya. Ang gusto niya ay siya ang NASA Lugar ng ate niya. Gusto niyang siya ang babaeng NASA puso ni Milton at Hindi ang Ate niya.
Napabuntong-hininga siya. Hindi niya alam kung magkakatotoo o mananatiling pangarap na lamang ang pangarap niyang iyon.
"Hi,Jasmine!" Nakangiting bati sa Kanya ni Milton nang sa wakas ay bumaba siya para harapin ito.
Tumayo pa ito Mula sa pagkakaupo sa sofa kaya napansin niyang parang t umangkad ito. Iyon Lang ang ipinagbago nito. Naroon pa Rin ang mga cute na dimples nito,ang matangos na ilong, at ang mga mata nitong nakangiti na amino may itinatagong kapilyuhan.
"Ikaw pala, Milton. Upo ka uli. Kailan ka pa dumating?" Tanong niya. Ipinagpasalamat niyang kalmado ang kanyang tinig nang magtanong siya. Pinigilan niya Ang sariling sugurin ito ng yakap. Limang taon din itong nawala kaya na-miss niya ito nang labis.
YOU ARE READING
Second Best
Romance"Kailangan Kong malaman kung alam mong ikaw Lang ang gusto Kong Hawakan at halikan tuwing hinahawakan at hinahalikan kita."