page.5

13 0 0
                                    

Inilabas niya Mula sa paper bag ang pasalubong sa kanya ng bintana. Isang beaded bracelet iyon na nakabalot sa isang scarf na maaaring gawing headband. Dilaw ang kulay Niyon. Hindi niya alam kung Tsamba Lang iyon o naalala ni Milton na dilaw ang paborito niyang kulay.

"Here, let me help you," aloe nito nang subukan niyang I shot ang bracelet.

Nag-init ang mga pisngi niya nang tumabi ito sa kanya. May naulinigan siyang impit na tili. Alam niyang galing iyon Kay Jeremiah. Makakatikim talaga sa kanya ang kapatid niyang iyon.

Hawak na ni milton ang magkabilang dulo ng bracelet. Mayamaya pa at maingat na ikinabit nito iyon sa braso niya.

"Thanks," sabi niya pagkatapos niyang pagmasdan ang Suot nang bracelet.

Tumingin ito sa kanya. "You're welcome," nakangiting sabi nito.

"Milton?" Pukaw niya rito nang magtagal ito sa pagtitig sa kanya.

Ngumiti ito. " ang laki ng ipinagbago mo. You're all grown up now," komento nito.

Natawa siya. NASA third year college siya nang umalis ito para mangibang-Bansa kasama ang BUONG pamilya nito. "Ang tagal Mo kasing nawala," aniya.

"Oo nga, eh." Tumawa rin ito .lumitaw ang mapuputi at pantay-pantay na ngipin nito at gayundin an

Second BestWhere stories live. Discover now