Umupo uli ito bago nito sinagot ang tanong niya.
"Kanina Lang. Dito nga agad ako nag punta. NAgkita nga pala kami ng ate mo sa gas station."
"Ah..." tanging nausal niya. Napagawi ang paningin niya sa Hawak nitong paper bag.
"Kasama niya Ang magiging asawa niya."
Dagling napatingin siya rito nang marinig niya ang sinabi nito. Pinagmasdan niya Ang mukha nito.pilit na binabasa niya roon ang damdamin nito sa nalaman. Nakita niya ang lungkot sa mga mata nito.
"May pasalubong nga pala ako Sayo."
Tinanggap niya Ang iniaabot nitong paper bag. Kinilig siya nang bahagyang dumikit ang kamay nito sa kanyang kamay. "Thank you, ha?" Wika niya.
Habang inilalabas niya Ang pasalubong nito sa kanya ay napansin niyang Sila na Lang palang dalawa ang Tao sa sala. Nang bumaba siya naroon ang mga magulang niya at Lolo niya. Malamang na kagagawan ni jeremiah ang paglaho ng mga kapamilya niya. Noon pa man ay suportado nito ang damdamin niya para Kay Milton.
YOU ARE READING
Second Best
Romance"Kailangan Kong malaman kung alam mong ikaw Lang ang gusto Kong Hawakan at halikan tuwing hinahawakan at hinahalikan kita."