4

40 3 10
                                    

DAY 4

Makalipas ang isang araw,doon na nagsimula ang pinakamalaking problema sa buhay ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Makalipas ang isang araw,doon na nagsimula ang pinakamalaking problema sa buhay ko...

Doon na nagsimula ang paghahabol sa akin ng mga pinagkakautangan ng mga magulang ko,mamamatay na nga silang,iiwan pa saakin ang sandamakmak nilang utang

Halos hindi na nga ako makatulog sa gabi eh,kung hindi sa pag-iingay nila sa labas ng bahay ko,minsan nag-iisip nalang ako kung anong gagawin sa buhay ko...

"okay ka lang ba?" text ni justin

Nabalitaan niya rin siguro ang tungkol sa mga magulang ko

"Oo nam--|" hindi,mali dapat hindi ako nagsisinungaling sa totoong nararamdaman ko

"hindi eh" reply ko

"pwede ka bang pumunta dito? Naguguluhan na talaga ako sa mga nangyayari" sabi ko

Pero hindi na siya nagreply..siguro wala na talaga akong kakampi sa buhay

Tatlong katok ang sumira sa katahimikan sa loob ng bahay diyempre sinilip ko muna kung sino iyon,baka kasi isa nanaman sa mga naniningil sa akin.

Ngunit mali ako, Si Justin yun...

Agad agad ko namang binuksan ang pintuan dahil sobrang tuwa ko na dumating si---

Bigla niya akong niyakap...

"shh..wag kang mag-alala,nandito ako para protektahan ka" sabi niya habang mahinang tinatapik ang likod ko

"s-salamat" huling sambit ko bago pa man tumulo ang luha ko

Bigla siyang kumalas sa yakap at tinitigan ako sa mata at dahan dahang pinunasan ang mga luha na kumalat sa mukha ko

Ayoko mang umiyak pero likas na yata ito saakin eh,dahil sa present life ko naman,isa na rin ang pag-iyak sa araw-araw kong gawain

Bigla ko lang naisip na napaka tanga ko talaga at si Hyungseob ang pinili ko at hindi si Justin...

"Ano ba talaga ang mga magulang ko at sikat na sikat sila?" tanong ko pagkatapos ng dramahan kanina

"Pati pa ba yan makakalimutan mo rin?"tanong niya

Tumango lang ako

"ganito kasi yon--" magsisimula pa lang siya magpaliwanag nang sumabat ako

"sandali lang,makinig ka ha?alam kong di ka maniniwala pero makinig ka lang..." sabi ko at huminga ng malalim bago magpaliwanag

"sa pagkakaalam ko kasi,tumalon ako sa tulay dahil marami na akong problema at gusto ko na iyon wakasan,nung una gustong gusto ko na talaga gawin ngunit nung nasa tubig na ako,bigla akong nagsisi ayoko pang mamatay"

"pero pagkagising ko,inaasahan kong wala na ako sa mundo ngunit nandito ako; bumalik sa past ko,hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit di ko maalala ang past life ko sa halip ay puro present memories ang natira sa isip ko" sabi ko habang nakayuko siya

"alam ko.." bulong ni Justin

"huh?"

"ah wala"

le�,^�[9

10 days [completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon