DAY 9
Tumungo ako sa kumpanya ni Mrs Park upang bayaran na siya gamit nung perang winithdraw ko nung isang araw...
Ngunit wala siya doon kaya hiningi ko ang address niya
Pagkarating na pagkarating ko sa bahay niya,nakita ko siyang nagdidilig sa labas ng bahay niya
"uhm,magandang umaga po" bati ko sa kanya
"buti nandito ka? Ano magbabayad ka na ba?" sabi niya,,yun na ba ang bagong pagbati dito?
"opo"
"good! Halika dito sa loob at dun tayo mag-usap" sabi niya,hawak hawak ang likod ko at inalalayan ako sa loob
"maraming salamat,hindi na kita kukulitin simula ngayon" sabi niya pagkatapos kong magbayad, hindi na talaga dahil mawawala na ako bukas...
Pumunta ako kay Mrs. Choi at nagbayad ng utang...
Sunod naman si Mr. Nam
Pagkatapos nun,dumiretso na ako kay Mrs. Kim na medyo nahirapan akong nakiusap dahil kulang ang pambayad ko sakanya
At pagkatapos ng pagtakas ko sa bahay nila,dumiretso na ako sa iba pang pinagkakautangan namin
Pagkauwi ko,napabuntong hininga na lamang ako at humiga sa aking kama
"last day na bukas" sigaw ko
Bigla nalang tumulo ang luha mula sa mga mata ko
"wag ka nang umiyak heeyoung,babalik ka naman na sa dating buhay mo" sabi ko sa sarili
BINABASA MO ANG
10 days [completed]
FantasyShe was given 10 days to change her past life and unfortunately fell in love with a mysterious guy who was never been a part of her life Will she be able to remember him as she continue her journey to her new life? Read this to find out... tagalog. ...