Meet the Mother

46 1 0
                                    

ATHENA POV

Papunta kami ngayon sa bahay nagkayayaan kasi na gumala niyaya ko muna sila sa bahay para iuwi itong mga ito at para makilala sila ni Mom si Mich at Rochelle lang kasi ang kilala ni Mom.Hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino tlaga ang secret admirer ko o trip lang tlaga ako ng lalaking iyon.Sigurado ako isa siya sa mga classmate ko dahil sa sinbi kanina ni LLoyd

"Best kamusta pala si Tita tagal ko na siya hindi nadadalaw?"pagtatanong ni Best Mich matagal tagal na nga niya di nadalaw si Mom

"Wala pa rin binagbago best ganun parin mas madalas na nga siya sumpungin ng sakit sa ulo eh"malungkot na sabi ko"nagtatampo na nga sayo si Mom kasi hindi mo daw siya dinadalaw" dagdag ko

"Tiwala lang tayo best alam kong gagaling din si tita, miss ko na nga kakulitan ni tita"Mich

"Pwede ko bang malaman kung ano sakit ng Mom mo" singit ni Jhaps

"Stage four brain cancer"malungkot na sabi ko

"Kaya ka ba nagtratrabaho para matustusan ang pagpapagamot sa Mom mo?" jhaps

"Yah si Mom ang dahilan kaya kahit mahirap kinakaya ko" me

Maya maya nakarating na agad kami sa bahay inintay muna namain si kambal bago pumasok sa bahay ilang sandali lang dumating na sila. Niyaya ko agad sila sa loob dumiretso kami sa kusina alam ko nandun si Mom ugali na niya kasi na sa tuwing uuwi ako may meryenda na ako hindi nga ako nagkamali nag luluto si Mom ng favorite kong turon at bananaque

"Hi Mom" bati ko sabay halik sa pisngi at mano sa kanya

"Hi Tita musta i miss you po" sabi ni Mich humalik din sa pisngi at nag mano

"By the way guys meet my Mother, Mom sila pala new friends ko si Joaquin,Jhaps,Akira at Akihiro" pagpapakilala ko sa kanila isa isa

"Totoo ba yan anak may mga kaibigan ka nang lalaki" Mom

"Hi po tita" sabay sabay nilang bati at isa isang nagmano

"Ang gwagwapo naman ng mga kaibigan mo anak kasama mo ba jan yung lagi mong kinukwento sa akin yung kinaiinisan mo at yung tinatawag mo na Alien ba iyon" sabi ni Mom patay ang daldal talaga ni Mommy napatingin ako kay Jhaps na nkakatingin din sa akin

"Ako po iyon tita kinukwento niya pala ako sa inyo" sabi ni jhaps sabay lapit sa akin at akbay

"Mom ang ingay mo naman kumain na nga lang tayo" pag iiba ko sa usapan

JHASPHER POV

Nandito kami ngayon sa bahay nila Athena. Usapan namin magpapaalam lang siya na gagala kami pero iba ang nangyari nagkatuwaan ang tropa na dito nalang kami sa totoo lang masaya kasama si Tita ang dami niyang kwento about sa kanila at kay Athena. naisip ko yung sinabi kanina ni Athena sa sakit ng mama niya Stage four na ang cancer sa pag kakaalam ko pag stage four na himala na lang ang nagaling sa sakit na ganyan. Kung titignan si tita mahahalata mo agad n may sakit siya kasi maputla ang kulay niya pero sa kinikilos niya parang wala siyang sakit masigla na masigla siya nakikipagbiruan sa amin ng tropa

Naawa ako kay Athena dahil dalawa nga lang sila ng Mom niya siya pa ang bumubuhay sa kanilang dalawa napaisip ako paano niya napagkakasya ang sweldo niya at ang allowance niya kung may sakit si Tita hindi biro ang gastos at mga gamot ng may mga cancer. Hindi naman ganun kalaki ang allowance na binibigay ng school sa kanya sigurado din ako na hindi kalakihan ang sweldo niya sa restaurant nila Rochelle. Bakit hindi niya subukan humingi ng tulong sa father niya para sa gastusin nilang mag ina

"Hoy Alien kanina ka pa tulala jan ah" ayan na naman siya tinawag na naman niya aking alien

"Ha?? may naalala lang ako" sabi ko

My First LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon