CHAPTER THREE

261 33 28
                                    

"Kyline!" Tawag ko sa kaniya nang maglakad siya ng mabilis dahil nagmamadali siyang ipasa kay Ma'am Melanie ang term paper namin.

Last day of submission na ngayon kaya naman gahol na gahol na kami sa oras. Hindi kami magkanda-ugaga ng mga kaklase ko dahil maraming ginagawa. Huta. Iba talaga pag pilot eh.

"Hintayin mo 'ko, may ipopolish pa akong grammar dito sa conclusion ko." Ngawngaw ko nang huminto siya. Lumapit siya sa'kin at hinampas ako sa braso! Pucha. Masakit ah!

"Ayan ang napapala sa magdamagang usapan ng ST mo!" Sabi niya. Sumenyas naman ako na huwag maingay dahil ayaw kong malaman nilang nagchachat kami ni Sir Kien.

*FLASHBACK*

Seen 6:21pm

Nagkamali na naman ako ng hinala. Matapos ang ilang minutong paghihintay ay nagtype rin siya ng isasagot niya.

Kien Vasquez
Depende sa itatanong mo. Ano ba 'yon?

Nakahinga ako ng maluwag nung makita ko ang pangalan niya noon sa chathead. Nakangiti akong nagtipa ng sasabihin ko sa keyboard ko.

Annika De Guzman
Wala na po kasi talaga akong mapagtanungan, sir! Offline po lahat ng teachers na friend ko po.
Pwede po bang malaman kung ano po yung difference between biodata and resume?
Sa english po namin yan. Huhu sorry po sir.

Sunod sunod ang naging tanong ko non. Akala ko iseseen niya pero nagkamali ako.

Kien Vasquez
  

Kien Vasquez  

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Ayan.

Natawa ako dahil nagsearch pa talaga siya. Nagkaroon ng kaunting kilig sa sistema ko. Siguro ay ganon na lang kahalaga para sa kaniya ang mga estudyante niya.

Annika De Guzman
Waaah! Thank you po, Sir!

Kien Vasquez
You should be thankful 'cause I searched that for you. Talaga bang wala ka lang mapagtanungan kaya ka nagtanong sa'kin? Maski si Google ay hindi mo naisipang tanungin?.

Natigilan ako. Oo nga naman!

Talagang binanggit ko pa talagang walang online na teachers kaya sa kaniya ako bumagsak ah? Hanep. Hindi naman masyadong halata 'yung damubs ko, no?

Wala nga akong friends na teacher eh!

Nanginginig ang mga daliri ko habang nagtitipa ng pwede pa naming pag-usapan. Ayaw ko nang mahinto 'to!

Annika De Guzman
Sorry naman po, Sir! Nawala sa isip ko si Google eh. Napunta kasi agad sa'yo.

Bahala na kung ano ang iisipin niya diyan. Wala akong ibang gustong iparating diyan kundi nagtanong ako! Hahaha.

Dear Sir | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon