"Nakatae ka na?" Bungad sa'kin ni Kyline pagkatapos ng tatlong ring ng pagtawag ko sa kaniya.
Kakauwi ko lang sa bahay at sabi niya, tawagan ko daw siya kapag nakauwi na ako. "Oo, okay na ako." Pag sisinungaling ko. Hindi naman kasi talaga ako natatae kanina eh. Natetense lang siguro kaya hindi ko alam ang gagawin ko.
"Good. Pesteng tae 'yan, hindi ka man lang binigyan ng konsiderasyon! Kitang graduation na nga ni Kien eh, pinalampas pa." Oo nga, pesteng tae. Hindi naman kasi yung tae yung problema eh.
"Sige na, bye na. Kakausapin ko na si Kien."
"Ganyanan, eh no? Mas mahalaga atang kausap 'yon kesa sa'kin eh!" May bahid ng pagtatampo ang boses niya pero hinayaan ko na lang. Alam ko namang nagbibiro lang siya.
Binaba ko na ang linya at sunod na chinat si Kien. Online kaya siya?
James Cortez
Annika! Dont forget yung last reporting natin ah?Nadisappoint ako ng slight ng makita kong wala siyang message. Yung kaklase ko lang na kapartner ko sa last reporting namin this week. Hanggang Biyernes na lang ang pasok namin, April 1.
Annika De Guzman
Oo, di ko nakakalimutan. Haha.Pagkatapos non ay binuksan ko ang chatbox namin ni Kien. Active 6 hours ago. Sana naman ay hindi siya magtampo sa ginawa kong hindi pagpapakita sa kaniya sa graduation niya.
Annika De Guzman
Hi, Kien. Just got home from your graduation ceremony. Im proud of you. Sorry nga pala, hindi ako nakapagpakita. Nahihiya kasi ako. Nandoon yung parents mo after nung cerem eh. Sorry and congratulations!Nakukulangan ako sa sinabi ko. Feeling ko hindi pa sapat 'yon. Nakokonsensya tuloy ako bigla. Bakit ba kasi ako umalis doon? Nakakapanghinayang.
Kailangan makabawi ako sa kaniya. Pero paano? Last week na ng school year 'to, at tapos na ang pagtuturo ng mga student teachers kasi magcocompute na sila ng grades. Hindi na rin siguro nila icocompute yung grades ng periodical exam namin this week, dahil ang teachers na ang magcocompute non, so baka hindi ko na talaga siya makita.
Magpapatuloy pa kaya tayo, Kien?
Sana.
Kien Vasquez
Bakit hindi ka nagpakita? -_-Hala. Mula sa pagiging Active 6 hours ago ay naging Active now siya. Ganon ba ako ka-special? Kinabahan ako. Magtatampo na naman 'to.
Annika De Guzman
Hindi mo ba nakita? Nahihiya nga ako.Nagpapatigasan lang talaga kami. Hayaan mo siya! Nilalamon na nga ako ng konsensya ko eh, tapos siya, hindi niya maintindihan na nahihiya ako?
Kien Vasquez
Bakit ka naman mahihiya? Eh nandun naman ako!Aray. Feeling ko tuloy sinisigawan niya ako.
Annika De Guzman
So? Wala ka namang magagawa pag tinanong ka nila, diba? Nakakahiya ka, Kien.Labag sa loob, puno ng galit at pagkadismaya ang nilalaman ng damdamin ko ngayon. Nakakainis! Ako na nga yung umalis para naman kahit papaano ay ma-save yung reputasyon niya sa parents niya, tapos, huwaw? Ako pa yung may kasalanan na hindi ako nagpakita. Great.
Kien Vasquez
Ah, so ayaw mong ipagsigawan kita sa mundo na ikaw yung taong mahal ko? Ganon? Kasi estudyante ka lang at ako ay titser na, ganon ba? Annika?
BINABASA MO ANG
Dear Sir | COMPLETED
Kısa Hikaye"-and I am a living example of the fact that, a student and a teacher aren't meant for and will never end up with each other. They may come into our lives and stay for a while, but never always, nor forever." ...