CHAPTER EIGHT

181 17 3
                                    

"Bes! Tara na, malalate na tayo niyan eh!" Pagmamadali sa'kin ni Kyline.

Ala una y medya na ng hapon, alas dos ang graduation ceremony ni Kien. Kung hindi ba naman kasi malayo layo ang venue ng cerem niya, siguro pwede kahit saktong alas dos na akong umalis dito sa bahay. Eh kaya lang, Mandaluyong pa. Ang layo, bes.

Nagpasama ako kay Kyline dahil hindi ko naman keri mag-isa 'yon. Saka para may magpalakas ng loob ko, sakali mang makaharap ko na ang parents ng magiging future husband ko.

"Manong bayad ho, dalawang Boni." Abot ni Kyline sa bayad nang makasay kami sa jeep.

Nakahinto ang jeep. Mainit. Traffic! Tinignan ko ang relo ko, pucha. Alas dos na! Mukhang hindi pa ata ako makakaabot sa tamang oras. Ayos lang, maiintindihan niya naman siguro yun.

Boring siguro ang driver kaya nagpatugtog. Tss. Maingay. Pero ok lang, intro pa lang ng kanta ay catchy na. Pwede na rin.

There was a time in my life, When I opened my eyes and there you were, You were more than a dream, I could reach out a touch you, Boy, that was long ago.

Napaindak ako sa tugtugin. Natatawa ako, dahil habang ninanamnam ko ang lyrics ay si Kien ang iniisip ko. Huhu. Sana hindi siya magalit dahil na-late ako. May regalo pa naman ako.

There are some things that I guess I'll never know, When you love someone, You got to learn to let them go.

"Oh, hala. Napapraning ka na. Bakit umiindak ka?" Biglang baling ni Kyline sa'kin. Napangiti akong umiiling.

"Ang catchy nung kanta eh."

When I dream about you, That's when everything's all right. You're in my arms, here next to me, forever.

"Iniisip mo lang si Kien eh, damang dama mo na!" Saad niya. Napasimangot naman ako.

Eh ano namang masama kung isipin ko siya diba?

"Bakit ba? Wala namang masama kung isipin ko siya ah." Kahit ang totoo ay meron. Wala namang kami ah. Wala pa rin pala akong karapatan.

"Meron, bes. Walang kayo!"

When I dream about you, boy you never go away. Just close my eyes, Wait for my dreams, Cause I still love, loving you.

"Well, wala pa sa ngayon, but, eventually!" Pangangatuwiran ko.

How can I get you to see, That I'm falling apart. Since you've been gone, I can never be sure, I could ever let go, Your love is much too strong. There are something's that I guess I'll never know, when you love someone, you got to learn to let them go.

"Lul mo teh! Malay mo di kayo magtagal niyan eh." 'to naman si Kyline, napakanega. Magtatagal kami niyan, ako pa ba? Keeper ata 'to.

When I dream about you, That's when everything's all right. You're in my arms, Here next to me, forever.

"Magtatagal kami." Saad ko kahit walang kasiguraduhan.

When I dream about you, girl you never go away. Just close my eyes, wait for my dreams, Cause I still love, loving you.

Hindi namin namalayan na nandito na kami sa venue. Nakakaloka naman kasi ang usapan namin, dagdag mo pa yung music, talaga naman! Hindi mo mapapansing umaandar na pala ang jeep na sinasakyan niyo

Pagdating namin sa mismong venue, nagsisimula na. Alam kong kanina pa dahil 2:30 na. Anak ng!

"KIEN!" Tawag ni Kyline dito pero hindi siya lumilingon. Tapos na ang graduation ceremony. Eksaktong 4:30 pm nga natapos kagaya ng sinabi ni Kien. May lakad pa kasi ako ng 6:00 kaya iyon ang idinahilan ko. Kaya lang sabi niya, 4:30 daw ay tapos na kaya naman sumama na ako. "Kien! Sir Kien! Si Annika!" Sigaw niya. Nasa kabilang side kasi ng kalsada si Kien. Eh napakadami pang tao, ang crowded pa kaya malabo na marinig siya nito.

"Besh ayaw lumingon! Sapakin ko na ba?" Saad ni Kyline. Napaamang ako.

"Bes naman, paano lilingon? Sa tingin mo naririnig ka niya? Ibang klase ka!" Sabi ko.

Sa kabila ay matatanaw mo si Kien pero hindi sapat ang height namin para kami ang matanaw niya. Kasama niya ngayon ang mga magulang niya at yung mas nakababata niyang kapatid na babae. Nakayakap sa kaniya yung bata, habang kausap niya ang mga magulang niya.

"Bes tara na kaya? Puntahan na natin siya, oh! Dali na, para makita ka niya!" Pupuntahan ko ba siya?

Anong sasabihin ng mga magulang niya kapag nakita nilang nandito ako? Na ano ako sa buhay ni Kien?

Hindi naman pwedeng sabihin kong estudyante niya ako dahil una sa lahat, estudyante niya lang nga kasi ako. Una 0a lang, iisipin nila, bakit may inimbita si Kien na estudyante niya. Actually, hindi niya nga ako estudyante eh! Isa lang naman akong hamak na babaeng gr9 na may gusto sa 20-year old student teacher na ngayon ay graduate na.

Pangalawa, anong sasabihin ko? Na "Hi po, Tita, girlfriend po ako ng anak niyo." Eh hindi naman ako girlfriend! Wala ngang kami, eh. Hindi ko pa alam kung anong tamang decription ang masasabi ko sa'ming dalawa.

Panghuli, natatae na ako. Ayaw ko nang pumunta pa sa harap nila dahil feeling ko anytime, lalabas na yung jerbaks ko kapag tinanong pa nila ako. Lalo pa akong napahiya non, aba.

"Kyline, tara na." Pagyayaya ko sa kaniya.

"Punta ka na sa kanila? Yieee, tara na!" Aktong hihilahin na niya ako papunta sa direksyon kung nasaan sila Kien nang bigla kong hinila ang palapulsuhan ko. "Bes? Oks lang you? Nawiwindang ka na ba?"

"Bes, I want to go home."

"Ano?!" Hinintay niya pa sigurong mag-sibk in lahat ng sinabi ko sa utak niya. "Bes, naka-shabu ka ba?" Hinilamos niya ang palad sa mukha niya. "Bakit tayo uuwi, nakanang! Eto na bes, yung chance mo! Wag mo namang sayangin!"

Sasabihin ko ba sa kaniya yung totoo na ayaw ko talaga silang kaharap o sasabihin kong taeng tae na talaga ako? Totoo rin naman kasing natatae ako eh.

"Natatae ako." Ayaw kong sabihin niyang napakaduwag ko. Mabuti nang sabihin ko talaga yung totoong nangingibabaw sa'kin eh. "Tara na bes, di na talaga kaya nung jerbaks ko."

Natawa naman siya. "Kidding me, Annika? Sa lahat ng kaibigan mo, ako pa talaga pinagmukha mong tanga ah?" Alam ko may truth slap yung sinabi niya pero halata naman sa kaniya nagbibiro siya kaya medyo kampante ako.

"Besh, sige na, taeng tae na talaga ako." Iyon. Pagsisinungaling na yon. Kahit kaya ko pa naman talaga pigilan pero hindi ko na kayang pigilan kapag kaharap ko na talaga ang mashie ni Kien.

"Oo na, sige na. Pero magpaalam muna tayo kay Kien! Para naman alam niyang pumunta ka." Kinindatan niya ako. "Tara." Hinila niya ako pero nagpapigil ulit ako. Eh! Ayaw ko nga eh.

"Wag na, sasabihin ko na lang sa kaniya." Napalitan naman ng pagtataka ang mukha niya.

"Ayaw mo ba talaga magpakita? Nababaliw ka ba? Pumunta ka pa dito kung hindi ka magpapakita?"

"Eh, kasi naman! Nanjan yung parents niya, oh. Nakakahiya, Ky. Ayaw ko." Hinila ko siya sa pulsuhan niya. "Tara na, Kyline. Please! Lalabas na yung tae ko, utang na loob!" Wala siyang nagawa kundi magpatianod.

Im sorry, Kien. Hindi pa ako handa.

Dear Sir | COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon