PROLOGUE
Isa na ata ako sa pinaka swerteng nilalang na nabubuhay sa buong mundo. biruin mo yung crush ko na dati hinahabol habol ko lang, pinagmamasdan sa malayo, pinipicturan ng hindi niya alam eh ngayon jowa ko na! OO, boyfriend ko na si crush. boyfriend ko na ang pantasya ng lahat! at dahil don inggit na inggit ang mga kababaihan sa angkin kong kagandahan. maging girlfriend ka ba naman ng pinaka popular, rich, handsome, hot, yummy papabol sa school eh, ewan ko lang kung hindi mamatay sa inggit ang lahat ng kababaihan sayo.
pero dapat ko ba talagang i-consider ang sarili ko na swerte kung alam ko naman sa sarili kong pagpapanggap lang ang lahat? na hindi totoo at kasinungalingan lang ang relasyong ito.. na madami pang pwedeng magbago, na pwede pa siyang mawala.. pwedeng pwede siyang mawala sakin
pero posible din kayang mauwi lahat ng to sa totohanan? pero pano? kung feeling ko naman na ako lang ang may gustong maging totoo ng lahat ng to?
eh pano naman yung bestfriend mong laging nandiyan sa tabi mo. yung tuwing kailangan mo siya parang may magic, andiyan agad siya para saluhin ka. na parang si super man kung umasta, kung ang atensyon mo laging nandun lang sa taong pinapantasya mo.
parehas ko silang mahal, parehas silang mahalaga sakin pero bakit parang ang hirap pumili sa dalawang to? bakit pa kasi kailangan pang pumili kung may masasaktan lang din naman pala. hindi ba pwedeng sila nalang dalawa? waaaaaaaah! ang sakit nga naman sa ulo pag sobrang haba ng buhok mo no? pinag-aagawan ka ng dalawang lalaking pinapantasya ng halos lahat ng kababaihan malas mo lang kailangan mong pakawalan ang isa sa kanila para sumaya ka..
pero sasaya ka nga ba talaga? eh pano kung maling tao ang napili mong makasama? may puwang kaya ang salitang second chance dun sa taong di mo napili? bigyan ka pa kaya nya ng chance para mahalin mo sya at mahalin ka pa nya?

BINABASA MO ANG
WHEN MY ULTIMATE CRUSH BECOMES MY BOYFRIEND
Подростковая литератураMay dalawang lalaki sa buhay ni cassandra isang mahal na mahal niya at isang mahal na mahal siya. Sino ba ang pipiliin niya sa dalawa , yung taong kayang gawin ang lahat para sa kanya at laging handang saluhin siya sa oras na bumagsak siya o ang lal...