Naglalakad ako sa hallway ng marinig ko ang mga babaeng nagtitilian. Kulang nalang lumawit ang dila at lumabas ang tonsil nila sa kakasigaw ng pangalan ni JACOB VILLANUEVA ang pinaka sikat, gwapo, mayaman, at higit sa lahat yummy na estudyante ng Greenfield Academy.
"Andyan na siya girls!"
"Waaaaaaa! Ang gwapo niya talaga"
"Hi jacob!"
Napatingin tuloy ako sa direksyon na pinangangalingan ng mga boses ng babaeng yun.
Pagtingin ko omg!! Si Jacob Villanueva!! ang pantasya ko.. Ang pantasya ng bawat kababaihan dito sa school na to bukod kay dom. Si DOMINIC CHUA ay ang bestfriend ko, siya lang naman ang isa sa pinaka gwapo sa school na 'to. Ang swerte ko nga eh, kasi bestfriend ako ng isa sa tinitilian ng mga girls sa school na 'to. Ewan ko din ba kung bakit naging close kami ni dom. Mahabang kwento pero kababata ko kasi siya magkasosyo ang parents namin sa business. Chinese kasi sila dom kaya naman madami silang business, kaya nung mga bata pa kami madalas kaming isama sa meeting ng parents namin para daw masanay kami sa environment ng business bilang kami naman daw ang magpapatuloy ng negosyo namin. Gwapo si dom chinito, maputi, hindi katabaan hindi din naman kapayatan sakto lang ang katawan, tapos matangkad sobrang bait lalo na sakin, gentleman at sobrang ganda mag smile kaya naman lahat ng babae nalalaglag panty pag nakikita na yung killer smile nya eh haha!
Pero para sa akin mas gwapo talaga si jake. Nick name ni jacob. si jake siya naman sobrang gwapo para saakin ha.. Kasi siya yung tipo ng lalaki na gusto ko eh maangas, yung tipong bad boy look ba, tapos maputi, medyo seryoso yung tipong hindi mo mabasa kung anong iniisip niya at higit sa lahat mukang mabango, hindi lang basta mukang mabango, yung totoong mabango! yung tipong kahit pawis na pawis na muka paring mabango, tapos matangkad din siya parehas kasi sila ni dom na member ng basketball team ng school namin. Kaya nga minsan pag may practice sila sa gym sumasama talaga ako kay dom eh. Kaso minsan ayaw nya na ako pasamahin kasi si jake lang naman daw ang pinapanood ko dun, masyado talagang tampororot yung lalaking yun.
Ako naman si CASSANDRA DE LA VEGA simpleng babae sa sobrang simple ni hindi ko nga magawang magsuklay at magpolbo manlang eh. "Nerd" daw ako. "Weird" din daw. Ewan ko sa mga tao dito sa school eh sila ang mas weird sakin eh porket magaganda sila at gwapo! Haaay pag ako nag-ayos sa totoo lang siguro talbog 'tong mga model kong classmates ang yayabang eh kala mo kung sinong magaganda eh sa totoo lang muka naman mga clown sa kakapal ng mga make up. Gumaganda lang naman sila dahil sa make up no! Hmp. Ang sabihin nila inggit na inggit lang talaga sila sa taglay kong kagandahan, kasi naman ang pinapantasya nilang si dominic chua ay sobra kung makadikit sakin. Kung di lang ako mukang ewan siguro nga iisipin ng iba magjowa kame eh. Kasi hindi talaga kami mapaghiwalay dalawa.. Ewan ko ba dito kay dom laging nakabuntot sakin kulang nalang itali ako sa kanya eh, nakakahalata na ako dito ha. Nako.. Ay ang assumera ko naman malabo naman yung iniisip ko. Saka ewan ko ba sobrang gwapo naman nito ni dom pero bakit parang di ako tinatablan ng kagwapuhan niya? Bakit wa epek sakin ang sex appeal niya? Bakit tingin ko lang sa kanya bestfriend lang talaga? Pero okay na din siguro yung ganto kasi pag nagkaron ako ng feelings dito Magiging awkward yun eh, baka layuan ko pa siya. Kahit na feeling ko ang loser loser ko,si dom never umalis sa tabi ko, sa tuwing may nang-aaway nga sakin saka nang-iinis lagi siyang nandyan para ipagtanggol ako eh tawag ko nga sa kanya minsan super man eh. Kung di ko lang talaga bestfriend to matagal ko na tong pinagnasaan at pinag-aralang mahalin. Kaso wala talaga eh. Bestfriend lang talaga ang tingin ko sa kanya.. Dahil ang pantasya ko talaga ay si jake lang.. Si jake ko lang!!!
Isa akong NBSB no boyfriend since birth ang drama ko. Wala atang gustong manligaw sakin eh di ko alam kung napapangitan sila sakin o sadyang malas lang talaga ako pag dating sa pag-ibig.
Kung magkakaron man ako ng boyfriend gusto ko si jake yun. Sana si Jake Villanueva yun.. Kaso parang malabo pa ata sa grado ng mata ko yung iniisip ko eh, si jake?! Si jake villanueva?! Teka parang ang hirap atang abutin non? Langit yun lupa ako eh, saka sa tingin ko never naman magkakagusto yun sakin eh. Pero sabagay hindi naman ako panget eh. Kagaya nga ng sabi ni dom hindi daw ako panget, sadyang hindi lang daw talaga ako marunong mag-ayos. sabi niya nga kung gusto ko daw ipapa-make over daw niya ako eh. Kaso tumanggi naman ako parang ang awkward lang ng feeling. Baka manibago ako.. Kaya yun mas okay na sakin ang ganito.
BINABASA MO ANG
WHEN MY ULTIMATE CRUSH BECOMES MY BOYFRIEND
Novela JuvenilMay dalawang lalaki sa buhay ni cassandra isang mahal na mahal niya at isang mahal na mahal siya. Sino ba ang pipiliin niya sa dalawa , yung taong kayang gawin ang lahat para sa kanya at laging handang saluhin siya sa oras na bumagsak siya o ang lal...