Chapter 8. When should I move?

35 8 0
                                    

Michiko's POV

Dalawang araw na ang nakalipas simula nung makalabas ako sa hospital. Wala pa rin akong natatanggap na reply kay Wayne, kahit pa tinatadtad ko na sya ng messages. Kaya walang ginawa si Ally kundi dalawin ako dito sa bahay at kulitin ako na manuod ng mga shows ng BTS. Wala atang magawa sa buhay yung taong yun.

*toot toot toot toot*

Nagri-ring yung phone ni Wayne pero hindi naman nya sinasagot, this is pissing me off already.

Napabangon ako sa kama ko nung makita kong sinagot ni Wayne yung tawag ko, dali-dali akong nagsalita

"Wayne.." - sabi ko,

"Aries? Did you read my message? Oo hindi ako makakapasok ngayon. Make sure everything's going alright ok? Bye." *toot toot*

The f is that? Ano daw? Aries? Who the hell is Aries?! Naiinis na talaga ako! Arggh! Pinaglalaruan nya ba ako?

Fine! Kung hindi nya sasabihin sakin ang sunod kong gagawin, I'll do it my way then.

...

"Oh, san ka pupunta?" - tanong ni dad na nagbabasa ng newspaper habang nakaupo sa dining area,

"Ahm, magsho-shopping lang po kami ni Ally." - sabi ko,

"Okay. Ingat." - sabi ni dad kaya umalis na din ako,

Tumawag kaagad ako ng taxi, tapos ibinigay ko sa driver yung address ng pupuntahan ko. Pupunta ako sa bar ni Wayne. Sya ang may-ari nung bar na yun.

Wala sya dun ngayon, so this is a perfect timing. Nung last time na pumunta ako dun, nakita kong nakapaskil sa may pintuan nung bar yung poster, sabi dun, NOW HIRING: WAITER

Kapag nagtrabaho ako dun, ibig sabihin palagi ko syang makikita. Ibig sabihin makakausap ko sya tungkol dun sa "mysterious case" kuno na iso-solve namin. Wahahaha..

...

Harold's POV

*ding dong ding dong*

Sino kaya yun?

Lumabas ako para pagbuksan ang kung sinumang doorbell nang doorbell.

"Allyson?" - sabi ko nung makita ko ang bestfriend ni Mimo na si Ally,

"Hello Tito Harold!! Gising na po ba si Michiko?" - tanong nya, ang aga pa eh mataas na kaagad ang energy nya,

"Oo nakaalis na nga eh." - sabi ko,

"Po? San pumunta?" - tanong nya,

"Ewan ko, san ba ang tagpuan nyo?" - tanong ko,

"Tagpuan?" - nagtatakang tanong nya,

"Edi ba magsho-shopping kayo?" - sabi ko,

"Po? Wala po syang binanggit sakin. Teka.." - sabi ni Allyson at nagkatinginan kami,

"MICHIKO MOREIN!!" - sabay naming sabi,

"San kaya nagpunta yun?" - sabi ko,

"Aish..nagdala pa naman ako ng Korean rice cakes." - sabi nya,

"May sakit ka ba?" - tanong ko sa kanya,

"Po? Wala po. Ah...haha ito po ba? Fashion po ito! Ganda diba?" - sabi nya habang tinuturo yung mask na nakatakip sa bibig nya,

"Ewan ko sayo, para kang may sakit na tuberculosis dyan." - sabi ko kaya napakamot sya sa ulo nya, kakaiba talaga ang sapak ng batang to.

...

Michiko's POV

"Hiring pa din po ba kayo ng waitress?" - sabi ko sa guard, hindi ito yung guard na naka-duty nung gabi na unang pumunta ako dito kaya ayos lang,

Parang cafe lang tong bar na to kapag umaga, maliwanag tapos walang mga nakakaduling na ilaw gaya nung nagpunta ako dito nung gabi,

"Ah, teka tatawagin ko lang yung hiring manager," - sabi nya sakin, "Sir Aries!" - tawag nung guard,

"Bakit?" - tanong nung lalaki na nasa loob,

"May aplikante po." - sabi nung guard,

"Sige, papasukin mo." - sabi nung lalaki na blonde yung buhok tapos matangkad medyo chinito, pumasok na ako,

"Good morning Sir, pwede po ba akong mag-apply?" - tanong ko dun sa lalaki habang nakangiti,

"Come here," - sabi nya tapos sinundan ko sya papasok dun sa parang office na maliit,

"Ito po yung resume ko," - sabi ko sabay iniabot ko yung envelope na may lamang resume at id ko, prepared talaga ako,

"Michiko Morein Nam," - banggit nya ng pangalan ko, nakatingin lang ako sa kanya habang nakangiti

"17 years old?" - napawi yung ngiti ko sa sunod nyang sinabi,

"Alam nyo po Sir, mas okay na tumanggap ng mga mas batang employee. Dahil 17 pa lang ako, mas mababa yung rate ng seswelduhin ko, which means mas malaki ang kikitain ng business nyo. I work efficiently too, masipag at dedicated. I will work very hard, with genuine passion and enthusiasm--" - napatigil ako sa pagsasalita nung nagsimula syang tumawa, nakakapikon tong isang to ah pasalamat sya at gwapo sya, kung hindi nako mapepektusan ko sya talaga,

"Okay fine, it looks like you're desperately looking for a job. Here, i-fill up mo tong form na to para alam ko yung mga oras na available ka. Ilagay mo din yung email mo para i-send ko sayo yung schedule mo, pwede ka nang mag-start next week." - sabi nya sakin,

Yes! Ibig sabihin tanggap na ako? Pero teka bakit next week pa yung start ko?!

"Teka, pano kung gawin mo na kaya kaagad yung schedule ko ngayon, tapos start na ako bukas?" - sabi ko tapos natawa na naman sya, bakit ba tawa nang tawa tong taong to may sira ba to?

"Ibang klase ka. Okay fine, basta bilisan mo ang pag-fill-up sa form na to." - sabi nya,

"Yes! Thank you! Ililibre kita sa unang sahod ko." - sabi ko,

"Haha, weirdo." - sabi nya lang kaya nag-roll eyes ako sa kanya, kung sana nag-thank you na lang sya,

...

Endless Love (The Moon and the Stars BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon