Chapter 6. Deal with a Stranger

29 7 0
                                    

Michiko's POV

"You're here." - sabi ko sa kapapasok lang na si Wayne, yep, si Wayne Harrison Nourman. I don't know why, but he's here.

"Ah, napadaan lang ako. Kamusta yung pakiramdam mo?" - sabi nya,

"I'm always feeling fine but now that you're here, I feel so much better." - nakangiting sabi ko,

"Sorry kasi pinagtabuyan kita nung isang gabi, I was just a bit flustered." - sabi pa nya,

"That's nothing. Akala ko hindi ka din marunong mag-sorry kagaya nung nasa panaginip ko." - sabi ko at natawa ako,

"We're two different persons." - sabi nya,

"Nagdala ako ng fruits." - sabi nya tapos inilapag nya yung fruit basket sa table na katabi nung kama,

"Thank you. I guess you two are completely different persons." - sabi ko,

"There's just one thing I'm curious about, about your dreams.." - sabi nya na ikinagulat ko,

Bakit kaya bigla nyang natanong? Curious kaya sya? Interesado? Haha, kahit naman sabihin ko sa kanya ang lahat, lalo lang nyang iisipin na nawala na nga ako sa katinuan ko

"Ano yun?" - tanong ko,

"What was the last scene?" - tanong nya na lalong ikinagulat ko, parang gusto kong matawa, kasi yung tanong nya, ang weird, sya pa yung nagsabi sakin na "they don't mean anything,"

"Last scene...hmmm..nakatira ako sa apartment kasama ang 7 na lalaki." - sabi ko tapos ipinakita ko pa sa mga daliri ko yung 7, "They're rude. Sinasabuyan ako ng tubig para lang magising ako, tapos pinaglilinis ako ng poop ng aso, but one of them is actually nice. He wasn't the guy who looked like you. He gave me a phone cause I didn't have one. Yun lang yung nangyari sa last scene. I feel weird calling it scene, parang teleserye lang. Haha." - sabi ko,

"Do they have names?" - tanong nya ulit,

"Names?" - sabi ko, bigla akong napaisip,

Ngayon ko lang na-realise na yung pangalan ko lang ang alam ko. Which was Mimo.

"I don't know their names. I just knew mine." - sabi ko kaya napatango sya,

"Sige, get well soon. Aalis na ako." - sabi nya,

"Teka lang!" - pagpigil ko sa kanya kaya napatigil naman sya,

"Huh?" - tanong nya,

"May tanong din ako sayo," - sabi ko,

"Ano yun?" - tanong nya,

"Nung last time, why did you call me Mimo?" - tanong ko sa kanya at ilang segundo syang natigilan,

"Haha..okay lang kahit wag mo nang sagutin. Napagdesisyunan ko na din na kalimutan na lang ang lahat at wag nang isipin pa. Gusto ko na ding makalabas dito at hindi mangyayari yun hangga't nag-iisip ako. Tama ka, they're just dreams, and they don't mean anything." - sabi ko nang nakangiti,

"I will tell you why, but we have to make a deal." - sabi nya na ipinagtaka ko,

A deal?

...

Endless Love (The Moon and the Stars BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon