Chapter 7. A Mystery..Another mystery. A lot of them.

30 7 4
                                    

Michiko's POV

"I'm all better now. Ilabas nyo na ako dito." - sabi ko kay dad at kay Ally, maaga silang pumunta dito,

"Huh? Seryoso ka?" - sabi ni Ally,

"Yup! Tama kayo, baka ilusyon ko lang ang lahat. Tara uwi na tayo. Sawang-sawa na ako sa pagkain nila dito." - sabi ko, natawa naman si Ally, alam nya kasi kung gaano ako katakaw

"Sigurado ka ba, darling?" - si dad na halata ang pag-aalala sa mga mata,

"Oo dad, sure na sure! I won't do anything silly, from now on. I promise!" - sabi ko, but oh well, promises really are meant to be broken.

**flashback

A deal?

"Ano naman yun?" - sabi ko,

"We'll solve this together." - sagot nya na ikinataas ng kilay ko

"I'm involved." - dugtong pa nya,

"Ano?!" - napalakas na yung sabi ko, I can't understand him

"Almost three weeks ago, I started to see the same dream. Dugtong-dugtong, malinaw, parang nangyari. Just like what you've said. Nung una, pinilit kong kalimutan. But I saw you, and I found out na na-eexperience mo din ang nae-experience ko. Hindi ito basta panaginip o ilusyon lang, binabawi ko na ang sinabi ko, they do mean something." - sabi nya at literal na nakanganga na ako,

"Are you..being serious right now?" - sabi ko sa kanya,

"Oo. Mimo...I mean..Michiko. The last scene that you saw, yun din ang huling nakita ko. How is that possible?" - sabi pa nya, my goodness I can't believe this,

Speechless na ako. Wala akong masabi.

"Another strange thing..yung pangalan mo lang din ang alam ko. And yeah there were 7 guys, pero hindi ko alam ang pangalan nila. Even my name wasn't mentioned." - sabi nya pa,

"Ibig sabihin..." - sabi ko,

"This is a mystery that needs to be found out."  - pagtutuloy nya sa sasabihin ko,

"Waaah!" - sabi ko habang nakahawak yung kamay ko sa bibig ko, "So we're gonna be detectives?" - sabi ko kaya natawa sya,

"Ito yung mobile phone number ko, hindi ako pwedeng magtagal dito. I'm in a complicated situation." - sabi nya, sabay abot sakin ng calling card nya,

"First of all, get out of here. Pero wag kang tatakas! Hindi ko alam kung paano but try to convince your dad na wala ka nang pakialam sa mga nakikita mo sa panaginip mo. We can't do anything if you're stuck in here." - sabi nya habang nakangiti,

"O-osige, gagawin ko ang best ko para makalabas dito." - sabi ko,

"Good. Sige, alis na ako." - sabi nya tapos umalis na sya,

end of flashback**

"Dad, maniwala ka na sakin. I'm so sick of this place already. Gusto ko nang makalabas dito para makapag-ready na din ako sa pagpasok sa school." - sabi ko,

"Sigurado ka bang okay ka na?" - tanong pa din ni dad,

"Oo nga bes, hindi namin alam kung anong gagawin pag may nangyaring masama ulit sayo." - sabi pa ni Ally, awww love na love talaga ako ng bestfriend ko, anyways i love myself too.

"Haysh, okay na ako. Hindi na ako gagawa ng kahit anong kalokohan. Napagtanto ko na, masarap mabuhay. Kaya ida-divert ko na lang yung attention ko sa ibang bagay." - sabi ko,

...

"First step, done. So what should I do next?"

Yan yung nakasulat sa text message na isinend ko kay Wayne.

Kumakanta pa ako kasabay nung song na nagpe-play dun sa radio sa car. Ang galing ko, na-convince ko kaagad si dad sa pamamagitan ng drama ko.

Pero bakit hindi nagre-reply tong Wayne na to? Ano kayang ibig sabihin nya sa complicated situation?

Habang nakaupo sa car naisipan kong i-open yung facebook ko, may facebook kaya si Wayne? Well, let me find out..

Isinearch ko yung pangalan ni Wayne dun sa search bar sa facebook.

Luckily may nakita akong facebook account na nakapangalan sa kanya, yung profile picture nya may kasama syang girl. Girlfriend nya siguro.

Mag-i-scroll na sana ako pababa pero bigla akong natigilan. O.o

Ini-open ko yung profile picture nya. Ni-zoom in ko pa. Si mom.

The girl looked exactly like my mom, Fiona.

What's this? Another mystery?

"Bes okay ka lang? Bakit para kang nakakita ng multo dyan?" - tanong ni Ally sabay dudungaw sana sa screen ng phone ko kaya agad kong pinindot yung home button,

"Ha? Wa-wala...may nakita lang akong picture ni Jimin na walang t-shirt. Grabe pala talaga yung abs nya no?" - sabi ko, waaah bakit ba yun ang nasabi kong palusot?

"Waaaah!! I told 'ya!! So ARMY ka na din?" - excited na sabi ni Ally,

"Uhm, I think so?" - sabi ko,

"Kyaaaah! Finally, you're on the right path." - sabi ni Ally na parang naiiyak-iyak pa kunyari, para talaga syang ewan.

This is not just an ordinary dream, illusion or coincidence, this is a mystery.

...

Endless Love (The Moon and the Stars BOOK 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon