Chapter 6

517 7 4
                                    

Makalipas ang mga buwan hindi na pinupuntahan ni Christine si Jaz samantalang si Slater naman ay lage nalang bumibisita sa bahay ni Tin malapit na rin sya sa mga bata ngayun -noong una ginawa nya ang makipaglapit sa mga ito dahil sa takot na baka malaman ng mga ito ang krimen na nagawa nila ni Jaz noon pero habang tumatagal bukal na sa kanyang loob ang pagtulong sa mga bata sa katanuyan pinag open niya ito ng trust fund account na makukuha nila kapag sila ay tumuntong na sa kolehiyo –at ang isang rason kung bakit hindi na sya lumayo sa mga ito ay dahil sa hindi nya maipaliwanag na naramdaman para kay Christine kapag hindi nya ito nakita o maka-usap para may kulang sa kanyang araw –umibig na kaya saya sa dalaga?

Tin –tawag ni Slater sa dalaga habang nagiihaw ito ng hotdog birthday kasi ngayun ni Paco pinaghanda nila ang bata kahit kunti lang -nagsimba sila kaninang umaga at ngayun nga ay inimbita siya ng bata na pumunta at iba pang bata na kanilang kapitbahay –anu plano nyo di ba bakasyon ng mga bata sa school ngayun may lakad ba kayo?

Sa weekend pupunta kaming Tagaytay gusto daw kasi dalawin ng mga bata ang puntod ng kanilang mga magulang sasama din si Lola sa amin bakit?

Pwedi ba ako sumama sa inyo? –paalam nito

Ikaw kung hindi ba makakasturbo sayo eh

Gaano kayo katagal dun?

Sandali lang babalik din kami agad may pasok kasi ako sa Monday kaya hindi pwedi magtagal tsaka wala naman kaming kamag-anak doon na titigilan so bisita lang sa parents ng mga bata –habang nakaupo na sila at pinapanood ang mga batang masayang naglalaro ang iba ay kumakain.

Okay sige susunduin ko kayo dito bukas ng umaga para naman makapamasyal din ang mga bata ako na bahala sa tutuluyan natin.

Slater salamat ha –hindi mo naman kailangan gawin ang lahat ng to pero salamat at tinulungan mo akong iparamdam sa mga bata na may nagmamahal sa kanila –seryosong turan ni Christine

Salamat sayo Louela Christine Cruz dahil sayo naging mabuting tao ako –naging matulungin ako sa kapwa ko –pina-alam mo sa akin ang tama sa mali binigyan mo ng dereksyon ang buhay ko –sana lang pagdating ng araw maamin ko ang ---

Ang alin? –

Basta darating din ang tamang oras na malalaman mo ang isang bagay basta sa ngayun salamat ng marami

Hala grabe ka –anung kinalaman ko sa mga yan inutusan ba kita hindi naman ah –mabuti kang tao –matulungin ka –nasa tama ang direksyong tinatahak mo kaya hwag ako ang pasalamatan mo kundi ang mga magulang mo dahil sila ang nag mold sayo na maging ganyang klaseng tao ka

Pero iba kasi ang hatak mo eh –pakiramdam ko ikaw talaga guardian angel ko dahil sa totoo lang hindi naman ako nag-aaksaya ng oras sa mga ganitong bagay sa taong hindi ko naman kakilala pero simula noong makilala kita, kayo nila lola at ng mga bata parang ang dali nalang ng buhay na hindi porket minsan kang nasaktan susuko ka na -sa inyo ako kumukuha ng lakas eh –kaya nga sobrang iningatan ko tong singsing na to sabay labas ng singsing mula sa kanyang wallet ito lucky charm ko eh.

Sobra ka naman baka naman maniwala na talaga ako sa mga pinagsasabi mo –pero di ba sabi mo malaking bahagi kami dyan sa mga nangyayari sa iyo ngayun baka pwedi mo na ibalik sa akin yang singsing ko.

Anu ka binigay mo na sa akin to tapos babawiin –meron bang ganun –sabay balik ng singsing sa kanyang wallet

Hoy excuse me Mr. Jan Slater Rosales hindi ko kaya binigay sayo yan nagkamali nga lang eh –sige na please akin nayan –paawa pa ang face nito

Tin hangang kilan mo ba kayang hintayin si Slater Christopher? –tanung nalang nito para hindi na mamilit na kunin yung singsing

Hangat hindi pa sya bumabalik maghihintay ako sa kanya

Pero paano nga kung iba na pala sya –panu kung hindi na pala siya yung kababata mo na nangako sayo ng kasal

Ewan ko hangat hindi ko sya nakaka-usap hangat hindi ko nalalaman ang kung anu na nangyari sa amin –panghahawakan ko pa din ang lahat ng pangako nya.

Sana ikaw nalang ang minahal ko –sana ako nalang si Slater Christopher –bulong nito

May sinasabi ka?

Ha wala sabi ko swerte yung SC nayun dahil kahit matagal ka nyang iniwan nadyan ka pa rin naghihintay

Hmmm –ikaw ba matanung din kita gaano mo kayang hintayin si Miss Jaz? –anu ang kayang mong gawin so you can win her back?

Sa totoong lang Tin hindi na ako umasa na matutuloy pa ang kasal namin para ngang nawala na ang pagmamahal ko sa kanya –pakiramdam ko umibig na ako sa iba.

Ha? –pwedi ba yun ang tagal mo syang hinintay ang tagal mong nagtiis tapos –parang ang bilis naman yatang nagkagusto ka sa iba? –baka na divert lang naman sa iba ang attension mo dahil wala si Miss Jaz sa tabi mo at namimiss mo sya siguro panakip butas lang yung naramdaman mo sa ibang girl

Panu kung sabihin ko sayo na ikaw yung babae na bumihag sa puso ko ngayun? –tinitigan nya si Tin sa mata

Ay ang cheesy mo –pwedi ba Slater ayoko ng ganyang biro ayoko magkasala kay SC ko –pabirong pahayag naman nito dahil sa totoong lang kanina pa nya gustong gumulong sa kilig –kaya lang pareho silang may nakaraan na hindi pa tuluyang sarado hangat maari ayaw nya ng komplikasyon at lalong ayaw nya ng gulo pagnagkataon.

Di nga Tin pwedi ba kitang ligawan? –tanung uli nito

Slater umayos ka ha –sinabi na ngang ayoko ng ganyan eh

Tin look –patuloy ni Slater –umalis si Jaz mas inuna nya pa ang trabaho nya kaysa ayusin ang relasyon namin –alam ko naman na minahal nya ako pero hindi nya kayang ipagpalit ang kasikatan nya sa akin –which is masakit sa part ko kasi ako handang magparaya para sa kaligayan nya –tapos ikaw pinangakuan ka na babalikan pero hangang ngayun di pa rin siya nagpakita hindi mo pa alam kung saan sya ngayun at kung kilan sya magpapakitang muli.

Slater alam mo malungkot ka lang kaya naghanap ka ng mapagbalingan ng naramdaman mo –pero sana hwag naman ako ang gamiton mo –alam ko kasalanan ko kung bakit nangyari sayo to pero nangako naman ako na gagawin ko ang lahat para magka-ayos kayo diba kayo naman din ang may gusto na itigil ko na ginagawa ko –kung gusto mo akong paghigantihan utosan mo nalang ako gawin mo nalang akong alalay mo kahit anu hwag lang puso ko please –pakinkoy nyang sabi pero halata sa mga mata ang lungkot na napansin naman ni Slater.

Tin anu kaba alam mong hinding hindi ko magagawa ang manakit ng damdamin ng isang babae lalo na ikaw –seryoso ako Tin bakit hindi natin subukan malay mo tayo pala para sa isa’t-isa kaya nangyayari ang lahat ng ito. Pero sige hindi kita mamadaliin gusto ko rin ipakita sayo na seryoso ako. Liligawan kita kahit na ayaw mo.

Bahala ka –pero sa loob loob nya grabe na ang kilig na nararamdaman at never pa nyang naramdaman ito –parang gusto na talagang magtumbling ng puso nya.

Wedding Ring (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon