Chapter 12

476 4 12
                                    

Araw ng lingo nang hindi na naman pumunta sila Christine sa bahay nila Slater kaya nagtataka na ang mga magulang ng lalaki kung bakit hindi na pumupunta ang mga ito. Kaya nagpasya si Slater na sunduin sila

Masayang naglalaro ang mga bata sa labas ng bahay pagdating nya -si Christine naman at Lola Luz nasa may likod bahay may ginawang kung ano.

Hi kids –bati niya sa mga bata

Sabay naman na lumapit ang mga ito –Kuya Slater –nasa likod po si Ate sabi ni Paco sa kanya –kaya dumiritso nalang sya sa likod

Pagkalapit nya sa dalaga hinalikan nya ito sa pisngi –nagpasintabi naman ang matanda at maghanda nalang daw siya nang para sa pananghalian nila

Tin –hinahanap kasi kayo ni Daddy at Mommy eh –bakit daw parang hindi na kayo nagpupunta sa bahay?

Ah kasi medyo busy lang may mga kailangan lang kasing gawin –nang hindi nakatingin kay Slater

Tin may problema ba tayo? –tanung ng binata dito

Slater hindi ko alam eh –hindi ko pa alam –makahulugan niya sabi

Tin sabihin mo sa akin –pano ko malalaman kung ililihim mo lang

Di ba sabi mo dati may mga bagay na kailangan itago para mapagtakpan ang nakakarami lalo na at mahal mo

Tin alam mo hindi kita maintindihan eh –anu ba yan ha sabihin mo naman sa akin hwag mo naman ako patayin sa nerbyos dyan sa mga sinasabi mo

Slater alam mo bang nandito na si Miss Jaz? –tanung ng dalaga sa kanya

Si Jaz? –kunyari gulat nyang balik tanung sa dalaga

Oo

Sinaktan ka ba nya –may sinabi ba sya sayo ha? –sabihin mo

Wala -hindi naman kami nagkausap eh –nakita ko lang sya –nakita namin ng mga bata sa recital nila

Biglang nanlaki ang singkit na mata ng lalaki

Slater bakit parang nabigla ka –may hindi ka ba sinasabi sa amin? –nang-aarok na tanong ni Christine –totoo ba ang hinala ko na ikaw ang kasama ni Miss Jaz ng araw ng aksidente?

Umupo si Slater sa may upuang kahoy sa ilalim ng puno ng makupa –hindi naglipat saglit tinabihan naman din ito ni Christine

Slater maiintindihan ko naman eh –wala ako sa posisyon na magalit –kaya lang naaawa ako sa mga bata pano pagnalaman nila na minsan naging konektado kayo ni Miss Jaz

Humarap si Slater kay Tin at kinuha ang kamay nito –tulungan mo ako please –alam ng diyos na hindi ko ginusto ang nangyari at pinagsisisihan ko ang hindi ko pag-amin sa kasalang yun –pero ngayun Tin handa na akong harapin kung anu man ang nararapat na kaparusahan na naghihintay sa akin –at niyakap nya ang dalaga

Magtanung na nalang muna tayo sa kung sino man ang may mas alam tungkol sa mga ganitong bagay –may kaibigan ka bang abogado o kaya yung may alam tungkol sa mga ganitong kaso?

Oo yung bestfriend ko abogado pwedi natin syang kausapin –pwedi mo ba ako samahan?

Sige sandali lang magpalit lang ako –at pumasok na ito sa loob ng bahay

Habang si Slater naman ay tinawag ang mga bata –Paco-Pamu –agad naman na lumapit ang dalawa

Bakit po kuya –tanung ni Pamu na nakatayo sa harapan ng binata habang si Paco naman ay naupo sa tabi nito

Sabi ni Ate nyo nakita nyo na daw yung babaing sakay nung sasakyan na nakabangga sa magulang nyo?

Opo kuya –kwento ni Paco doon po sa recital namin siya po yung guest eh

Kids pagkatapos nung iniwan kayo nung nakabanga anung nangyari may mga tumulong ba sa inyo noon –anung nangyari patay ba kaagad ang magulang nyo?- anu –usisa ni Slater

Kuya bakit nyo po gustong malaman –balik tanung din ni Paco

Dahil gusto ko kayong tulungan na managot ang may kasalanan gayong nakilala nyo na ang bumanga sa magulang nyo

Salamat kuya –nikayap siya ni Pamu –pero wala po kaming pera eh –sabi po kasi kapag mahirap lang daw hindi naman naasekaso

Kaya nga tulungan kayo ni kuya eh –para makuha nyo na ang hustisya para sa mga magulang nyo –paliwanang ni Slater sa mga bata

Anu pong mangyayari kuya –sabad naman ni Paco

Malamang makukulong yung taong yun pati na yung kasama nya yung driver –pahayag pa ni Slater

Pero hindi po kasi namin kilala yung driver eh –hindi po kasi namin nakita –sagot naman ni Pamu na syang lumapit sa sasakyan noon

Kids –kahit na anung mangyari tatandaan nyo ha –mahal na mahal kayo ni kuya Slater nyo –handa akong gawin para mapabuti ang buhay nyo –at niyakap nya ang dalawang bata –tsaka naman ang pagdating ni Christinetinawag niya ang tatlo para kumain –saka na daw sila lalakad papunta doon sa kaibigan ni lalaki

Matapos kumain nagpahinga lang sila ng kunti dahil ayun kay Slater wala pa sa bahay nya ang kanyang kaibigan –kaya nag-usap muna silang dalawa sa labas ng bahay para hindi marinig ng mga kasama lalo na nang dalawang bata

Slater seryoso ka ba sa gagawin nating ito –papano ka –papano pamilya mo –papano tatanggapin ng magulang mo to –Slater napamahal na rin sila sa akin kaya hindi ko rin kayang ako ang maging dahilan na masaktan sila

Tin ito na siguro ang tamang panahon para harapin ko ang kasalan ko –hindi na talaga kaya nang konsensya ko –sa tuwing nakikita ko ang mga bata mas lalo akong kinakain ng konsensya ko

Niyakap siya ng dalaga –kung sana hindi nalang ikaw ang kasama ni Jaz nung araw na yun –sana hindi nalang tayo nagkakilala –sana hindi nalang siya nakita ng mga bata –sana hindi nangyari ang aksidente –sana –nangputulin ni Slater ang mga dapat pa nyang sabihin

Sshhh –tama na wala na tayong magagawa sa mga bagay na tapos na –hindi na natin maibabalik yun –haharapin ko nalang ang kung ano mang naghihintay sa akin –basta ipangako mo lang na hindi ka mawawala sa akin –na kahit na anung mangyari nandyan ka lang sa tabi ko –lahat kakayanin ko kung alam kung kasama ko kayo ng pamilya ko sa laban na kakaharapin ko –mga salitang sinasabi ni Slater habang yakap din ang dalaga

Tin mahal na mahal kita –sana lagi mong tatandaan yan –kahit na anung mangyari mahal na mahal kita –sana hindi mo ako kakalimutan at sana hindi mo ako ipagpalit kay SC dahil sa nalaman mong to –emosyonal na pahayag pa ni Slater

Ano ka ba –Slater ikaw ang nagturo sa akin kung paano magtiwala at kung paano mag mahal –kaya paano kita kakalimutan kung ikaw ang unang taong nagparamdam sa akin na importante ako –sasamahan kita sa laban mong ito –pero ang inaalala ko ang mga bata –paano pag nalaman nila ang totoo –hindi ko hawak ang emosyon at isip ng mga bata –pahayag ni Christine

Ako na bahala magpaliwanag sa mga bata –wala pa namang nangyayari eh –sa ngayun ang iisipin muna natin ay kung anu ang sasabihin ng abogado tungkol sa kasong ito.

Wedding Ring (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon