Chapter 14

454 7 4
                                    

Makalipas ang ilang oras na pagsunod ng grupo nila Christine sa kinaroroonan ni SC -narating din nila ang lugar na agad naman silang sinalubong ni SC para ituro ang pinagtataguan ni Jaz kay Pamu -alerto naman ang mga kapulisan na paikutan ang lugar -at sa hindi inaasahan may nakakitang tauhan ni Jaz sa mga polis na sumusugod sa lugar kung saan sila nagtatago -at agad itong nakapag paputok dahilan para magkaroon ng commotion -dagli rin naman gumanti ng putok ang ang polis na pinuntarya ng tauhan ni Jaz

Agad namang kumilos si Slater at SC para ilayo si Tin at ang ama nito sa lugar -sinakay sila ni Slater sa sasakyan at si SC ay tinumbok ang kanyang motorsiklo

Tin -Dad -dito kang kayo ha -bilin ni Slater sa mga kasama -kung anu't ano man ang mangyayari dad ikaw na ang mag drive -bilin nito sa ama -at nang balingan naman ni nya ang kasintahan -Tin hwag kang lalabas ha samahan mo si Dad -at sinara na ang pinto ng sasakyan at pinuntahan ang kinaroroonan ni SC

Slater -sigaw ni Tin -Slater bumalik ka dito -pero hindi na sya nilingon ng lalaki -Slater -Christopher anu ba saan kayo pupunta -tawag pa ng dalaga sa dalawang lalaking nakasakay na ngayun sa motorsiklo -nakahanda sa anu mang mangyayari -akmang lalabas ng kotse si Tin ng pigilan sya ng ama ni Slater

Tin -tama si Slater dito lang tayo baka kung mapano pa tayo -saad ng huli

Pero Tito -anung binabalak nilang gawin? -tanung ng dalaga sa kausap

Hindi ko rin alam iha -pero ang tanging alam ko nandito tayo para iligtas ang kapatid mo -turan nito patungkol kay Pamu -nang napansin nyang umandar ang motor na sinakyan ng dalawang lalaki

 Matamang nakamasid si Christopher at Slater sa kinaroroonan nila Jaz hangang sa nakita nila ang paglabas ni Jaz sa maliit na kubo hila-hila ang batang si Pamu at patulak na pinasok ang bata sa loob ng sasakyan na agad pinatakbo ng mabilis

Dahil nakahanda ang dalawa kaya agad napatakbo ni Christopher ang motorsiklo nito kasama si Slater -ang ibang polis ay agad na sumakay sa mobile car para sundan ang nakatakas na Jaz -at ang iba naman ay patuloy na nakipagbarilan sa mga tauhang naiwan sa lugar

Slater -Christopher -mag-iingat kayo -sigaw ni Tin na kahit alam nyang hindi na sya naririnig ng dalawa

Matapos ang mahabang putukan at ng mailabas na ng mga kapulisan lahat ng sugatan at patay na tauhan ni Jaz -lumabas ng sasakyan ang ama ni Slater at si Tin para lapitan ang mga polis

Chief -bungad ng ama ni Slater -may balita na po ba mula sa ibang mga kasama nyong polis na sumunod dun sa nakatakas? -tanung pa nito

Patuloy pa rin nilang sinusundan Sir -anak nyo po yata ang isa dun sa civilian na sumunod yung nakasakay sa motorsiklo -pahayag ng polis

Oo Sir -anak ko yung isa -bakit chief anung nangyari? -hestrical na tanung naman ng ama ni Slater

Wala naman sir -relax lang po kayo naka monitor pa rin kami sa location nila -mabuti pa siguro Sir bumalik nalang kayong Manila kami nalang po ang bahala dito -kung anu mang development makuha namin babalitaan namin kayo kaagad and sigurado naman po ako na babalitaan rin kayo kaagad ng anak nyo -dagdag pa ng polis

Hindi chief -sagot naman ni Tin -kapatid ko kung kinidnap hindi pweding babalik nalang ako na hindi ko alam kung ano na ang lagay ng kapatid ko

Ok pero i suggest na sa mobile patrol nalang kayo sumakay delikado kung kayong dalawa lang ang susugod -pahayag ng polis -or pasamahan ko nalang kayo ng mga tauhan ko sa sasakyan nyo

Ganun nalang chief -pagsang-ayon ng ama ni Slater sa huling tinuran ng polis - at agad na bumalik ang dalawa kasana na ang dalawa pang polis kung saan ang isa ang syang nagmaneho ng sasakyan ng mga ito

Wedding Ring (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon