June 4, 2012 - MONDAY
*TIKTILAOK*
*TIKTILAOK*
*TIKTILAOK*
*KRUUUUUUNG-KRUUUUUUUUUNG*
Waaaa. Bakit ang ingay? Peste naman ohh. Ayy, tae. Pasukan nga pala ngayon. Nakalimutan ko. Bengga. Ano oras na ba? Baka late na ko neto Dadaanan pa naman ako ni Alvin dito. Geez. Badtreeeep.
TIME CHECK: 5:17am
Woooo! Thank you Lord! Maaga pa pala. Akala ko late na ko ng gising.
"Red! Gising na, kumain ka na dito baka malate ka pa."
"Yes Ate Rea."
Pagkababa ko, nakita ko agad si Ate Rea, syempre sino pa bang makikita ko? E wala naman 'yung nanay at tatay ko nagttrabaho. Umupo na ko para kumain.
*KAIN KAIN KAIN*
Biglang may tumawag sa telepono..
*KRING-KRING-KRING*
"Ako na sasagot kumain ka na diyan." I nodded.
"Hello? Who's this?"
"Hi Ate Rea! Nandiyan po si Red?"
"Ah, ikaw pala Abby! Wait lang tawagin ko." lumapit ako tapos inabot ni Ate 'yung telepono.
"Oh? Napatawag ka naman?"
"Aah, wala naman. Nasabi na ba sa'yo ni Alvin?"
"Alin? 'Yung dadaanan ka namin diyan?"
"Oo. Alam mo na pala. Sige bye!"
"Oka---"
Okay, binabaan na naman ako. Geeez. Makaligo na nga. Magpapagwapo pa ko. Syempre, first day of school e. Osige ako na malanding lalaki. Peste kasi 'tong author na 'to e. Ginawa pang lalaki 'yung pinakabida. Kornyyyy.
6:50am. Ready na ko. Okay na lahat. Ayos na gamit ko. Gwapo na ko. *with poging pose*
"Tao po! Tao po! Red!" narinig ko biglang may nagsisisigaw na lalaki sa harap ng bahay namin.
Pagkabukas ko ng pinto at pagkakita ko sa gate, nakita ko si Alvin. Oy teka lang. Hindi po ako bakla ah. Baka isipin niyo bakla ako. Hindi po ako bakla. Lalaki ata 'to.
"Oh, Vin.. Nandiyan ka na pala."
"Hindi, wala pa. Minumulto lang kita."
"Ang kornyy. =_____= Teka, kunin ko lang bag ko." he nodded.
SA BAHAY NILA ABBY.
"Tao po! Abbbyyyy!" sigaw ni Alvin. Nasa harap kami ng gate nila ngayon.
"Nandiyan na!" sagot naman ni Abby na papalabas sa pinto nila.
--
"Good morning sa inyo! Namiss ko kayo sobra Guysss." tapos hinug kami ni Alvin.
"Jusko naman, 10 years ba tayong hindi nagkita?" sarcastic na tanong ni Alvin.
"Eto naman, kmusta na kayo pareho? Panay pagpapagwapo ha."
"Abay syempre." sabi ko naman. "Tara na nga, baka malate pa tayo."
"Ok." sabay nilang sinagot.
After 3642924 years, nakarating na rin kami ng school. Grabe, 10 minutes papunta rito tapos kapag kila Abby naman 5 minutes lang. Mas malapit kasi bahay nila. 5 minutes lang papuntang school sa kanila.
Nung papasok kami, syempre chineck muna ni Manong Guard 'yung mga gamit namin. Bawal gadgets, make ups, deadly weapons, etc. Kala mo sementeryo eh noh? Geeezz/
"Good morning Red!" bati nung Guard sa'kin habang chinecheck 'yung bag ko.
"Good morning din Manong."
"Wala ka bang gadgets na dala? Wala naman siguro ano? Alam mo naman na lahat ng bawal dito sa school na 'to e."
"Opo, may bomba lang po diyan." Weh. Ang kornyy ko.
All 1st year students, go here. All 2nd year students, go there. All 3rd year students, go here. All 4th year students, go there.
"Uy tara doon daw tayo."
"Saan tayo? Anong pangalan mo?"
"Saan ba ang pila?"
"Ano daw sabi?"
Okay, ang ingay sa side namin. Katabi kasi namin mga freshmen. Mga hindi kasi nakikinig, ayan tuloy. nganga. Yung nagsalita pala kanina, Principal 'yun. Pinapapila na kami. Tapos pinapunta sa mga building namin. Para kasi malaman kung ano section namin, kailangan pumunta kami dun sa building kung nasa 'yung room namin. Tapos nakapaskil dun 'yung mga names ng students. Bale, 4 lang ang sections per year.
So, ayun.. Pumunta na kami nila Abby at Alvin dun sa building para malaman na namin section namin at malaman kung magkakaklase pa rin kami.. Last year kasi, when we're in 2nd year, magkakaklase kami pati nung 1sr yr.
"Uyyy, section A ako!" sigaw ko sa kanila
"Talaga, Red? Ako kaya?" sabi ni Abby habang tinitingnan 'yung pangalan niya, "We're classmates, again!"
"Tha'ts good. Ikaw Vin? Anong section mo?"
"Ahh, ehh.." sabi niya habang hinahanap pangalan niya, "Pre, classmates na naman tayo!"
"Yey, buti naman kung ganun. Tayo tayo parin."
Nung papasok na kami sa room namin, biglang may tumawag sa amin.. Mga pamilyar 'yung boses.
"Red! Vin! Abby!"
Napalingon kaming tatlo bigla. Sabi na nga ba eh, kilala ko 'yung boses na 'yun. Hindi ako pwedeng magkamali. Boses ni Miko 'yun, 'yung kabarkada namin nila Abby.
BINABASA MO ANG
My Bestfriend Is My Girlfriend.
Teen FictionPagka-kaibigan na nauwi sa pag-iibigan.