June 3, 2012
Isang mapaya at maaraw na umaga na naman. Hays, bukas pasukan na! Sa wakas, 3rd year na ako at isang taon na lang, graduate na ako. At makakatulong na rin ako sa mga magulang ko. Oo nga pala, bago ang lahat.. magpapakilala nga pala muna ako sa inyo..
"Hi! I'm Redentor Ramirez, but you can call me Red. 14 y/o at sa November 27 pa ako mag-15. Sa pasukan, 3rd yr high school na ako. Syempre, sa Private School ako nag-aaral. May isa akong ate, si Ate Realina. pero ate Rea ang tawag ko sa kanya 2nd year College na siya ngayon, Accountancy ang kinukuha niyang course sa UST. Syempre, kung may Ate ako, may nanay at tatay rin ako. Si Mommy Rose at Daddy Roger. Ayaw namin sa "R" ano? Lahat kami letter "R" nagsisimula name namin. Yun kasi gusto ni Daddy."
Oo nga pala, bago ko makalimutan, may bestfriend pala akong si Abby at si Alvin. Mga kababata ko sila at magkakaibigan ang mga magulang namin.
Si Abby, honor student since elementary siya. Si Alvin din, honor student. Syempre, papatalo ba naman ako sa kanilang dalawa? Syempre, honor student din ako. *wink*
♪ When you smile, everything's in place
I've waited so long, can make no mistake
All I am reaching out to you
I can't be scared. got to make a move
Come away with me
Keep me close and don't let go ♪
*KRING-KRING-KRING*
Calling.. Calling.. Calling..
Abby Manzano
"Oh, napatawag ka? masungit kong tinanong
"Wala lang, ready ka na bukas?"
"Nakauwi ka na pala? Oo naman." pagbibiro ko
"Oo, nung isang araw lang."
"Ah.. Akala ko wala ka nang balak bumalik dito eh."
"Sus, namiss mo ako noh?" ramdam kong tumatawa siya
"Asa ka naman."
"Sus, alam ko naman na si Karen pa rin eh, noh?"
"Ewan ko sa'yo."
"Eto naman, di mabiro kahit kailan." bigla siyang tumawa ng malakas
"Alam ko naman na may kailanga ka, kilala kita. " hindi naman kasi 'to tatawag nang walang kailangan sa'kin e. bestfriend ko 'to e.
"...Sabay tayo bukas ha? Daanan mo ko dito sa bahay."
"Sabi ko na nga ba."
"Sige na, antayin kita ng 7am, okay?"
"K." ganda ng sagot ko noh? parang may PMS lang.
I ended the call.
Bwiset, sabi na nga ba may kailangan 'yung babaeng 'yun e.
Asar, imbis na dire-diretso na ko papuntang school bukas, e susunduin ko pa siya? Ano siya? Prinsesa? May taga-sundo? Siguro may ikkwento 'yun kaya ganun, kailan ba nawalan ng kwento 'yun? E halos araw-araw pag magkasama kami, marami siyang kwento kahit hindi ko naman pinagtatanong o kaya hindi ko naman kilala 'yung tao, ikkwento niya. Nako, abnoy talaga 'yun.
"Redentor Ramirez! Bumaba ka na diyan! Kumain ka na dito sa baba."
Bwiset naman oh, pwede namang Red na lang ang itawag sa'kin e, ang baho baho ng Redentor na pangalan eh, aminin niyo? Wag na kayo mahiya. Alam ko panget, mabaho..
"Okay, Realina Ramirez!" ginantihan ko 'yung ate kong 'yun. Ayaw niya kasing tinatawag siyang Realina e.
Pagkababa ko..
*POOOOOOOOOOOOOOK!*
"Aray ko! Ang sakit nun ah." Geez. Ang sakit talaga. =______=
"Ang aga-aga, binubwiset mo ko!" sabi ng ate kong baliw
"Ang aga-aga, binubwiset mo ko!" pang aasar ko
"Tse! Kumain ka na diyan, may pasok pa ko!"
"Sige, thank you Ate Rea." sabi ko with puppy eyes. tapos sabay kiss sa cheeks niya.
Okay.. Boring na naman.. Ako na naman mag-isa sa bahay. Mabuti pa ngang matawagan si Alvin at makapaglaro ng basketball sa may park.
*KRING-KRING-KRING*
*KRING-KRING-KRING*
*KRING-KRING-KRING*
*KRING-KRING-KRING*
*KRING-KRING-KRING*
*KRING-KRING-KRING*
Ayy, potek. Ayaw sagutin? Ring lang ng ring? Text ko na nga lang.. pag ako nainis dito baka masapak ko. Pero syempre.. Joke lang 'yun. Bestfriend ko 'to eh. Tsaka goodboy ata 'to. :)))
TO: Alvin Vargas
Pre, ba't di mo sinasagot tawag ko? Tae ka. Laro tayo sa park.
Punta ka dito sa bahay mamayang 3pm. Txtbk. Asap.
---
Ano kayang pinagkakaabalahan nitong lalaking 'to? Dati rati isang tawag o text ko lang sa kanya sagot agad. Pupunta agad 'yun dito. Ayoko namang tawagan si Abby, baka busy rin 'yun.
---
5pm na. Maghapon lang akong natulog. Ang boring kasi. Nagulat ako biglang nag-ring 'yung cellphone ko. Nakita ko may tumatawag pala..
♪ When you smile, everything's in place
I've waited so long, can make no mistake
All I am reaching out to you
I can't be scared. got to make a move
Come away with me
Keep me close and don't let go ♪
Calling... Calling.. Calling..
Alvin Vargas
"Pre, sensya na. Nasa mall kasi ako kanina. Hindi ko dala phone ko."
"Ge lang, pre. Sensya na sa abala." sabi ko habang naghihikab
"Sabay-sabay tayo nila Abby bukas Red aa. Daanan kita tapos daanan natin si Abby."
"Haayyyyy.. O-okay anong o----" hindi ko na natapos biglang baba ba naman e
*TOOOOTOOTT*
Aba'y bastusin. May sinasabi pa ako e. Geezz. Makapagsaing na nga baka magalit pa ate sabihin wala akong ginawa maghapin kundi matulog.
6:00 pm
Dumating na si Ate. As usual, dalawa na naman kaming mag-uunguyan dito sa bahay. =_____=
Tapos na kaming kumain pareho. Aayusin ko na lang 'yung mga gamit ko para bukas. Hayyy. Magkakaklase kaya kami nila Abby? Sana oo. *crossfinger*