Chapter 3: Promise

191 5 6
                                    

ABBY'S POV

(A/N: ang kauna-unahang POV. Mehehe)

"Red! Vin! Abby!"

Napalingon kaming tatlo nila Red at Alvin. Nagulat kasi kami biglang may tumawag sa di kalayuan. Pamilyar naman 'yung boses, parang si Miko..

"Truepa, kumusta kayo? Long time no see ha." sabi niya habang papalapit sa amin.

"Aah, sabi na nga ba eh. Ikaw 'yan Miks e." -- Red

"Okay lang naman pre, ikaw ba? Gumagwapo ha." -- Alvin

"Oh, Abby, ikaw? Ba't parang ang tahimik mo?" 

"H-ha? E-eh. O-okay naman ako." ano ba 'yan. ba't ba ako nauutal? leshe.

Oo nga pala. Bago ko makalimutan, magpapakilala muna ako sa inyo. =)

"Ako nga pala si Abegail Manzano, kilala sa tawag na Abby. 14 y/o. March 30 ang birthday ko. May Kuya akong si Kuya Pocholo, 2nd year college na siya sa UST, kung hindi ako nagkakamali eh Accountancy ang course at kung hindi ulit ako nagkakamali eh magkaklase sila ng Ate ni Red. So ayun, si Alvin kababata ko 'yan pati si Red. Magkakaibigan mga magulang namin. Pero sa kanilang dalawa, mas kilala ko si Red, 3 years old pa lang kami nag-uunguyan na kami niyan. Samantalang si Alvin naman, 5 years old nung nag-ungguyan kami kaya mas close ko talaga si Red. Si Miko pala, kababata rin namin. Actually, childhood lovers kami niya. Wag niyo na itanong kung pano nangyari at bakit. Pero syempre joke lang 'yun."

Kaya ko naging childhood lover 'yang si Miko, eh kasi may crush ako sa kanya nun tapos nalaman niya. Ayun, may crush din pala ang hayup. Hahaha. De, chos lang. Ayun nga, pero nung Grade 3 na kami, umalis sila. Dun na siya na-aral sa probinsya nila kaya ayun. Nung nandun siya sa probinsya nila, wala ng communication.

*FLASHBACK*

"Aalis na ko." malungkot na sabi ni Miko

"Huh?" nagulat ako kaya napa-huh na lang ako.

"Aalis na ko, lilipat na kami. Dun na kami titira sa probinsya at dun na rin ako mag-aaral." sagot niya habang tumutulo 'yung luha sa mga mata niya.

"Panget ng joke mo Miks ah, di mabenta." yan na lang nasabi ko, hindi kasi ako makapaniwala.

"Hindi ako nagjojoke, Abby.. Totoo 'yun."

"Hindi! Hindi! Hindi totoo 'yan, sabihin mong hindi totoo 'yan. Sabihin mong nagbibiro ka lang." sabi ko habang sinusuntok siya sa dibdib niya habang umiiyak.

"Hindi nga ako nagbibiro.. Sorry." tapos bigla niya akong niyakap. "Bakit ka ba umiiyak? Ha? Wag ka na malungkot, wag ka na umiyak. Tahan na."

"Errrrr! Alam mo ba kung bakit ako umiiyak?! Alam mo ba kung bakit ako nagkakaganito?!" sigaw ko sa kanya habang sinusuntok pa rin siya sa dibdib. "Aalis ka na kasi! Iiwan mo na ko. Iiwan na ako ng lalaking pinakamamahal ko." 

"Tama ba ang narinig ko? Mahal mo ako? Mahal din ako ng babaeng mahal ako?" nagulat ako sa sinabi niya. Mahal niya rin ako? Mahal niya ko? Waaaa. "Tahan na." sabi niya habang pinupunasan 'yung luha sa pisngi ko.

"Iiwan mo kami e, aalis ka. Tapos kakalimutan kami.... ako." sabi ko naman habang nakatingin sa malayo.

"Hindi naman ako aalis eh, hindi ko kayo iiwan. At mas lalong hindi ko kayo kakalimutan.. lalo ka na." tapos bigla niyang hinawakan 'yung kamay ko. "Babalik ako dito, babalikan kita. At sa pagbalik kong 'yon.. Sinisigurado ko sa'yo.. Babawi ako sa'yo."

"Promise?"

"Promise."

*END OF FLASHBACK*

Hindi kami nagtetext, nagtatawagan pero nung time na nagkaroon ako ng Facebook. Ayun, syempre agad-agad kong sinearch pangalan niya. At thank God, may Facebook siya. Nung unang beses ko siyang minessage, hindi niya ako nakilala. E pano ba naman, ang liliit pa namin nung mga panahon na 'yun. Saktong naabutan ko siyang online.

"Hi Miko! :"> How are you? Hope you're okay. :) Take care."

"Huh? Who are you?"

"Uhm, this is Abegail Manzano, your childhood friend."

"Abby?!"

"Yup."

"I'm fine. Sorry hindi kita nakilala agad. Laki ng pinagbago mo ha."

"Okay lang, almost 7 years na rin kasi. :">"

"Oo nga eh. Kumusta sila Red diyan?"

"Okay naman sila."

"Ah, sige Abby, got to go. May date pa kami ng girlfriend ko e. Alam mo naman 'tong kaibigan mo, gwapo. ;)"

"Ok."

Pakshet, ang sakit nun ha. Tagus-tagusan. To the bone. To the nth. Akala ko pa naman may gusto siya sa'kin. Pakshet talaga. Di siya nagparamdam ng pitong taon tapos malalaman ko na lang may girlfriend na siya? Shemai lang ha. Nakakapanggigil. 

*END OF ABBY'S POV*

---

Red here. Hi readers!  :D

"Guys, dito kayo sa 3-A?" tanong ni Miko

"Oo, pre. Ikaw ba?" tiningnan niya 'yung pangalan niya sa list kung nandun siya, "Paktay, wala ako dito. Hindi niyo ko classmate baka dun ako sa 3-B."

"Sayang naman Miks, pero okay na rin 'yun atleast magkatabi lang tayo ng room." sabay sabi ni Alvin habang may tinatanaw sa malayo

"Sige pre, una na ko. Dun na ko sa kabila. Bye Abby." nag-nod lang kaming tatlo

"Pre, sino bang tinitingnan mo diyan kanina pa, ha?" tanong ko habang sinusundan 'yung tingin niya

"Pre, sino 'yung babaeng kasama ni James?"

"Huh? Asan?" tanong ko naman

"Si Thea 'yun, Alvin." sagot naman ni Abby

"Hindi, 'yung isa.. Yung nasa kaliwa."

"Oo nga noh, sino 'yun?"

"Baka girlfriend ni James."

Nung nakita naming papalapit sila sa amin, hindi mawala sa mukha namin 'yung pagkakunot ng noo naming tatlo. Hindi kasi namin kilala 'yung kasama ni James at Thea.

"Kuys!" sigaw ni James habang papalapit sa aming tatlo na nakakunot pa rin ang noo

"Hi Abby!" salubong naman nitong ni Thea kay Abby

"Oh, hi Thea babe. I miss you gal." bati naman nitong ni Abby

"Kuys, sino 'yang magandang dilag na kasama mo?" paguusisa naman ni Alvin

"Ah, oo nga pala Guys." sagot ni James habang naguubo ubuhan effect pa

Natahimik kaming lima nung lumapit na 'yung babae sa amin..

"Hi Guys! Remember me?" biglang nagsalita 'yung babaeng maganda

"Guys, si Karen nga pala." pagpapakilala ni James

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 18, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bestfriend Is My Girlfriend.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon