Part 5 *Not by blood...*

176 12 10
                                    

[Annabeth’s POV]

Naglalakad na ako pauwi ngayon, galing ako sa bahay nila Trish. Dapat talaga dun ako matutulog kaso ewan ko ba parang bigla akong nakaramdam na kailangan kong umuwi. Baka naman may nakalimutan akong gawin? o may naiwan siguro ako? ewan ko ba... basta pakiramdam ko kailangan kong umuwi nang bahay.

Nagtataka nga si Trish at ung nanay nya nang bigla akong nagpilit na kailangan kong umuwi. Tinatanung nila ako kung may nangyari daw ba o anu sa bahay sabi ko nalang may nakalimutan akong gawin kaya ayun pinayagan nila akong umuwi, inihatid ako nang tatay ni Trish hanggang dun sa labasan namin at mula dun eh nag lakad na ako kasi wala nang tricycle na masasakyan dahil past 10pm na

Ngayon andito na ako sa tapat nang bahay namin, parang sumasama ata ang pakiramdam ko...mmmm

Pagbukas ko nang gate eh nakita ko si mama... SI MAMA? anu kayang ginagawa nya dito? diba dapat eh nasa conference pa sya ngayon, bukas pa dapat ang uwi nya ahh...

Ma?” tawag ko dito pagkasara ko nung gate

Ohh Anna, bakit ngayon ka lang? saan ka galing na bata ka at inaabot ka nang ganitong oras?” pagalit nyang tanung saakin

Ma, dun po dapat ako matutulog kila trish ngayon eh kaso bigla akong nakaramdam na kailangan kong umuwi, siguro kasi dadating kayo?” sabi ko sakanya na medyo patanung pa, hindi ko din kasi alam kung bakit ako nakaramdam nang ganun eh

Eh kayo po? kala ko ba bukas pa uwi nyo?” tanung ko sakanya

Ahh ehh... hindi ko din ba alam.. . Parang biglang sumama ang pakiramdam ko kaya nagpilit na akong umuwi” sabi ni mama

ahh.. eh bakit hindi pa po kayo pumasok?” tanung ko ulit

eh naiwan ko pala ung susi ko sa kwarto, kaya wala akong susi, kanina pa ako nakatok pero mukang walang tao eh

Ehh.. andyan na po si Joan, kanina pa sya umuwi kasabay ni Zei... baka po tulog na kaya hindi kayo marinig

Eh ang papa mo? wala pa kaya?

Sabi po nya kanina sakin eh baka madaling araw o bukas na sya makauwi gawa nang trabaho nya

ahh ganun ba? eh ikaw may susi kabang dala? paki buksan na nga at nang makapasok na tayo

opo” sabi ko tapos kinuha ko na ung susi sa bag ko at inilagay sa key slot kaso nung nailagay ko na nalaman ko na hindi naka lock ung pinto “Ma, hindi po naka lock ung pinto ahh

Huh? eh hindi ko kasi tinry na buksan kasi buong akala ko eh nakalock yan.. Bakit naman kaya iiwan i Joan na nakabukas yang pinto? tara nga’t pumasok na tayo...

Never pang nakalimutan ni Joan na hindi i-lock ung front door ahh... at bakit walang bukas na ilaw dito? kahit sa taas wala ahh..

Joan?” tawag ko, walang sumasagot parang napakatahimik naman nang bahay... parang walang tao

Umakyat ako sa taas at kinatok ung kwarto nya kaso walang nasagot, baka tulog na nga... tsk! tulog mantika talaga ung isang un ohh... Binuksan ko ung pinto, hindi din nakalock! kaya pumasok na ako sa loob, binuksan ko ung ilaw at wala sya dun pero ang pinagtataka ko eh gulo gulo ung kama nya tapos ung bag nya nasa baba, ung lampshade nya nasa baba din nang kama at putol pa ung tatagnan pero naka on ito... anung nangyayari dito?

Dali dali akong bumama when I saw flashing red and blue lights outside our house... anu un? POLICE? bakit andito sila?

Pagbaba ko nakita ko na kinakausap ni mama ung mga police, tatlo sila

JubilantTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon