ERIKA's POV
So, this is it! Kinakabahan ako sobra sa bago kong school na papasukan. Baka ibully nila ako :( Pero di ako natatakot. Nandyan naman ang kuya ko e. Takot na lag nila kay Kuya. XD
Oh, by the way, ako nga pala si ERIKA LOUISSE VILLEGAS SALONGA. [A/N: Louisse read as Lu-wis] Second year high school na ako at isang transferee student from Cavite to Baguio. Bakit ako nagtransfer? Kasi di namin afford yung school ko don nung first year tapos ayoko sa public schools don kasi nakakatakot.
Well. May Kuya ako. Same school at same level. OMOOO O.o Nope. Mali ka ng iniisip. Hindi kami Kambal. Kaya kami same level kasi nag-aral siya sa Cavite nung first year sya tapos grade six ako pero nagloko at di nya sineryoso pag-aaral don kaya pinatapon siya dito sa Baguio kaya first year ulit sya nung first year na ako. Gets ba? Hahahaha.
Hindi ako natatakot mabully kasi nanjan siya at kilala siya sa school dahil sa pagiging member ng Dance Troupe at dahil sa pagiging pogi niya. Hahaha. It runs with the blood ^____^v
Anyways, second day of school na ngayon. Hindi ako pumasok ng first day kasi nakakatamad! Hahahaha. Eto na! Woohoooo! :"""'>
---
Sa school..Mygaaaaaas! Kabado pa rin ako at eto ako, hinahanap ang pangalan ko sa list ng students sa lahat ng classroom ng second year. Hindi naman mahirap maghanap kasi apat lang ang section ng sophomores tapos di gaanong kalakihan ang school kaya magkakalapit lang ang rooms.
At sinuswerte nga naman ako! :") Unang room pa lang na tiningnan ko, PERFECT NA! :) Hahaha. Ang mas maganda pa, magkatabi kami ng room nila Kuya. Well.. Nakalimutan kong banggitin na may pinsan din ako dito. Si Chantal at Niel na parehas multi-talented pero parehas siraulo. XD Magkakaklase nga sila nila Kuya e. -____- Nahiwalay pa ako. Bisit :3
Papasok pa lang ako sa room, may lumabas na agad na babae na lalaki.. Ayy Ewan ko! Basta babae siya.. Kinausap niya si Kuya. "Oy Jas. Eto yung kapatid mo??!!" sabi nya. Grabe ah? Makasigaw si ate, wagas!! Hello? Baka nasa harap mo lang kausap mo?? o.O
"Oo." at yan lang sagot sa kanya ni Kuya. Hahahaha. "Bantayan nyo yan ah!" sabi naman ni Chantal. Wow ha? Wild ba ako?! Small but terrible talaga yan si Chantal.
Papasok na ako sa room tapos biglang nagsalita yung babae na lalaki na kausap nila Kuya at Chantal sa labas. "Hi! Ako nga pala si Bernalyne. Berna for short!".."Ah. Hello. Erika pala." pagpapakilala ko sa kanya. Cold ba? Sorryyyyyy! Maldita ako sa di ko kilala e. Pero friendly naman ako :""">
---
After so many hours... Joke! 2 hours lang :) BREAK TIME NA! Recess na. Syempre ang kasabay ko ay si Kuya, Chantal at Niel pero humiwal sa amin si Kuya nung... WAIT. San kami pupunta? Bakit namin nilagpasan yung canteen? OMOOO :( Nagstop kami mga 5 steps na lagpas sa canteen, sa may stairs. Tapos may mga kinakausap silang hindi ko kilala kaya nagtetext lang ako. Walampake eh! XD
"Hoy Erika! May papakilala kami sayo!" sigaw ni Chantal. Ako naman, napatigil sa pagtetext kunyari at napatingin sa mga kausap nila. Wala namang gwapo. Sa isip-isip ko pero nakinig pa rin ako. "Eto si Jerome, Clarisse at Kyle." sabi niya habang tinuturo niya yung mga yon. Well, nag-hi naman ako no. Tapos yun, nagpunta na kami sa canteen kasama yung iba tapos balik sa room.. Ganon.. Tapos lectures na agad at kahit nabobore ako, nakinig pa rin ako para kunyare pakitang gilas. Nakakahiya naan kung magpapaka-walang hiya na ako agad dito, e bago pa lang ako dito no.
At sa hinaba-habang oras, UWIAN NAAAAAAAAAAAAAAAAAA! :)))) Eto yung hinihintay ko e. Pero.. may pupuntahan pa kami nila Chantal at Niel kasama yung mga pinakilala nila sakin kanina tapos nadagdagan pa kaya ang ingay-ingay. Pero san kami pupunta? Wait! Bakit pumasok si Chantal sa jeep na nakapark lang? Ahh.. Baka paradahan to ng jeep, baka pupunuin muna ang isang jeep tapos aalis na... Ayon, nagsimula na sila sa kanya-kanyang kwento, nagpakilala na sakin yung iba tapos ang ingay nila. Nakakarindi!!! Ilang minuto na lumipas, wala pa ring pumapasok sa jeep na ibang tao kaya nagtataka na ako. Hanggang sa nakwento nila sakin na simula pa lang nung first year sila, sa jeep na sila tumatambay. Kaya napaface-palm na lang ako sa utak ko. Bakit? Kasi sa dinami-dami ng pwedeng pagtambayan, bakit jeep pa? Parang ang cheap?? Nasanay kasi ako nung first year na sa Mini Stop at malls tumatambay. Pero open naman ang isip ko na hindi na ganon ngayon :)
Habang nakatambay kami, napansin ko ang na ang lagkit ng tingin sakin nung isang lalaki na pinakilala sakin kanina. Jerome ata yon? Basta siya. Pero hindi ko na pinansin. Walampake sa kanya... Ako naman, busy akong kilatisin 'tong si Kye. Kasi siya yung kinukwento ni Chantal sakin dati na nanliligaw sa kanya. Maliit pala siya XD Mga 5 inches akong mas matangkad sa kanya. Tapos iba siya sa mga kaibigan niya kasi medyo tahimik siya na parang nahihiya. Tapos... parang kilala ko siya. Siya yung... "Hoy! Uwi na tayo!" Ay Kabayong bundat! Bwisit naman to, nakakagulat -_- Edi yon, umuwi na kami kasi magfa-five na.
---
KYLE's POV
Grabe! Sobrang kinakabahan ako dahil sa hiya. Pero wait! Kilala niyo na ba ako? Ako nga pala si Kyle Custodio Sardonidos. Lagi silang nagkakamali sa surname ko. Minsan, Sardonis at minsan aasarin akong Sardinas. Well, di ko sila masisisi kung naiinsecure sila. Physically, maliit ako tapos di gaanong kagwapuhan pero cute sabi nila. Hindi masyadong matangos ilong ko, chinito at mahahaba ang pilik mata na sabi nila ay asset ko daw, ang lips ko naman -- kissable XD Hahahaha. Pero I haven't had my first kiss yet. Wala pa akong firsts including kiss, hold hands, hug, date, s*x but I had my first relationship but actually wala pang serious relationship kasi bata pa ako masyado para magseryoso.
Back to reality, dismissal na at nandito kami sa jeep kung saan madalas na tumambay ang barkada simula nung first year. Kung tinatanong nyo kung bakit ako kinakabahan dahil sa hiya, simple lang. Nandito kasi si Erika. hindi ko siya first time makausap at nakita dahil nakita at nakausap ko na siya through facebook pero parang hindi niya ako naaalala. Ganto kasi yon...
*FLASHBACK*
(First year High School)
Nung first year, di ko inaasahang magiging barkada kami nila Chantal, Niel at Jasper hanggang sa maging kagroup ko sila sa isang activity. Kundi nyo natatanong, Oo, classmates ko silang tatlo noon kaya magkakakilala kami ngayon. So ayun nga, naging groupmates ko sila Chantal at Niel pero si Jasper hindi.
Hanggang sa dumating yung time na naging close kami tapos madalas ang pagpunta namin sa bahay nila Chantal which is bahay din nila Jasper. Magkakasama kasi sila sa iisang bahay. One day, pumunta kami don at nandon yung lolo nila.
"Dito na mag-aaral yung kapatid ni Jasper na babae next school year. Kilala nyo ba yon?" sabi nung lolo nila. Nung narinig ko yon, naging interesado akong kilalanin yung kapatid ni Jasper para di na ako mahirapang kausapin siya pag nandito na siya.
Nagstart ako sa paga-add sa kanya sa facebook. Hindi naman naging mahirap ang paghahanap sa profile nya dahil sa mutual friends namin. Pagka-add na pagka-add ko sa kanya, agad nya itong inaccept so meaning online sya kaya chinat ko sya agad.
*FACEBOOK CHAT*
ME: Hi!
ERIKA: Sino ka? Hindi kita kilala!
*END OF CONVERSATION*May pagkabaliw din pala siya. Inaccept nya ako agad nang di nya ako kilala tapos pag chinat magmamaldita. -___- Ganon lang kaikli ang conversation namin dahil sa takot at hiya ko kaya di ko na sinagot. Bakit ako nahiya?? E siyempre, ano.. Kasi ano.. Kapatid siya ni Jasper kaya ako nahiya! Oo kasi kapatid nya si Jasper. *facepalm* Ang sungit nya, di naman maganda. She's impossible!
*END OF FLASHBACK*
Ang isa pang dahilan kung bakit ako nahihiya sa kanya ngayon kasi baka sabihin or isipin nya, "Ahh. Ikaw pala yung nagchat sakin non!" E nakakahiya naman kung ganyan sabihin niya sakin. At ngayon, habang nakatambay kami dito sa jeep, nakatingin ako kay Jerome na parang may gusto agad kay Erika dahil makikita mo yung way na tingnan niya si Erika. At nafifeel ko namang sakin nakatingin tong si Erika na mas lalo kong kinakaba dahil baka naaalala nya na ako. AHHHH! NO WAY! HINDI NYA DAPAT MAALALA YUNG PANAHONG CHINAT KO SIYA!!! "Tara na uwi na tayo!" Woohoo! Saved by my friend. Buti na lang nag-aya na silang mag-uwian! Hahaha XD
---
Author's Note:Yan! Tapos na ang first chapter at nalaman niyo na kung pano sila nagmeet, sino-sino yung mga taong naging dahilan ng kanilang pagmi-meet, at nalaman nyo na yung ibang dapat nyong malaman about sa characters! More Chapter pa para lubos nyo silang makilala and hoping na ituloy nyo pa.
Sa mga nagtataka kung bakit wala pa masyadong conversation, kasi po first chapter pa lang. Focus tayo sa main characters. Di pa sila close kaya wala pa gaanong conversation. Hahaha. Thank you for reading.
Don't forget to vote, comment and share this story to your friends. Kamsahamnida! :)

BINABASA MO ANG
Worth the Pain
Teen FictionTrue to Life Story. Si Erika at Si Kyle ay magkasintahang hindi inakalang maiinlove sa isa't isa. Sa una, napakaganda ng takbo ng relasyon nila ngunit patagal nang patagal, nagkakasakitan na rin sila ngunit gayun pa man, walang sumuko sa kanilang da...