4

61 1 3
                                    

KYLE'S POV

Nalilito. .

Nagsisisi. .

Nahihiya. .

At kinakabahan....

Yan yung mga nararamdaman ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit, paano at kailan. . Dahil sa isang trip, naging ganito ako. Hindi ko inisip ang mga bagay na mangyayari noong nagdesisyon ako na liligawan siya. . Nagpadalus-dalos at hindi ginamit ang utak. .

Kaya ko kaya siyang mahalin kung sakaling seryosohin niya ang trip ko?

---

Nandito pa rin ako sa classroom. Hawak-hawak ang sim card na ibibigay ko kay Erika para makatext ko siya. Pero nahihiya akong humarap sa kanya. . Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Siguro dahil alam kong nagkamali ako na pagtripan siya. .

Kasama ko sina Clarisse, Jerome at iba pang mga kaklase ko. .

"Hoy Kyle! Nakikinig ka ba?? Sabi ko bakit ka may hawak na sim card at tulala ka dyan??!"

Nagising ako at parang nabuhayan nang marinig kong magtanong amg isa sa mga kaklase ko. .

"Ahh.. Ehhh... Ano kasi. . Jerome, bigay mo nga tong sim card kay Erika. Pakisabi palitan niya na agad yung sim niya at itetext ko.na siya dyan sa number na yan. . Salamat."

Pagkasabi ko non, agad na akong lumabas ng classroom at nagpunta sa canteen since break time naman namin. .

Hindi pa rin mawala sa isip ko at patuloy pa rin akong nagdedesisyon. . Paulit-ulit akong sinasabihan ng konsensya ko na seryosohin ko na lang. . Tama rin siguro dahil hindi ko nakikitang si Erika ay isang babae na mapaglaro o manloloko. . Pero hindi ko maaaring sundin na lamang ng ganun-ganon ang sinasabi ng isip ko. . Pano ang puso ko?

Oh! Sht! Napaka-gay naman neto!!!! GaySh*t, right??? Bakit ko kailangang magkaganto dahil sayo, Erika!?? Nakakabaliw ka :(

---

ERIKA'S POV

Nakakainis!!!! Mag-uuwian na pero ni anino nung gunggong na yon, hindi ko pa nakikita!! Nasan ang effort niyang manligaw? Nasa simcard? Piste!! Pasimcard-simcard pa siya! Bakit hindi pa siya ang nagbigay na lang sakin? Ang masama pa, kay Jerome niya pinabigay! Hobby niya ba talagang bwisitin ako?? Alam niya namang ayaw kong nakikita yung taong yun e. -_____-

Dismissal na. . Iniisip ko kung pupuntahan niya ba ako dito sa room para sunduin, buhatin ang bag at ihatid sa bahay. . O ako ata ang pupunta sa room nila? Asa!!! Ang kapal ng mukha nya no. Bwinisit niya ako kanina tapos ako pa gagawa ng paraan para makita siya? NO WAY! Manigas siya no.

Uuwi na lang ako mag-isa! Wala naman na akong gagawin sa school. .

---

Pagpasok ko ng kwarto, kinuha ko agad yung simcard sa bag ko para isalpak sa phone ko. . Hindi naman sa atat ako no? Baka kasi may sasabihin siyang importante. .

Hindi rin naman siguro ako uto-uto dahil sinunod ko yung gusto niya. . Wala namang masama don diba? Kahit papaano, may na-build na kaming friendship na though hindi pa ganon katagal, ayokong masira na lang yon dahil sa pagiging mean ko sa kanya. . Isa siya sa mga new buddies ko sa school kaya ayokong mawala kung ano yung una naming naging pundasyon para maging magkaibigan. .

Pagka-on ng cellphone ko where I inserted the simcard, nakareceive agad ako ng text. Sure ako na galing to dun sa gunggong na yon.

From: +629910582****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 13, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Worth the PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon