*Capitolo Quarantadue

1.7K 61 4
                                    

...
***
ORION

We are on our way to the private airport nang biglang tumunog ang phone ko. I checked the caller id - it's Jax, kaya agad ko itong sinagot.

"Yeah?" Simpleng bungad ko.

"Bad news." Tahimik na sagot nito sa kabilang linya.

Agad naman nag-igting ang mga panga ko dahil mukhang alam ko na ang ibabalita nito.

"Gregory's dead." Patuloy nito ng di ako sumagot.

I already anticipated it, but still at the back of my mind I'm still hoping that they'll be able to get him alive.

We've been playing too long and the Lalarium attack was a wake up call for us. After that incident we decided to free ourselves and be back to the vicious creatures that we are, kumilos na kagad kami para ihanda na ang dapat ihanda, tapusin na ang dapat ng tapusin.

Task have been assigned para mapadali ang lahat, at sa aming lima nga, si Jax at si Chase ang napagdesisyunan na humawak at mag-imbestiga sa mga Concilier. We can't really let go this one.

Fortunately, last week they were able to track one, Gregory Ciosko in Switzerland. But as if someone tipped him off at agad na nakatakas ito. Good thing Jax and Chase were able to find him again, but this time in Monaco. That's the last info they've sent us 'til now.

"Any lead regarding Ciosko's killer then?" Pagkaraa'y tanong ko sa kabilang linya.

Samantalang mula sa pagmamaneho naramdaman ko ang mabilis na pagtingin ni Karl sa gawi ko.

"What the?! Ciosko's dead?!" Bulalas ni Karl at may kung anu ano pa itong sinabi pero hindi ko na muna ito pinansin at mas pinagtuunan ang sasabihin ng nasa kabilang linya.

"Unfortunately, no. The usual, they're good in covering their tracks." Pahayag ni Jax pero I'm hearing a big 'but' in his tone.

"Spill it." Untag ko dito.

"But we found something." Bakas ang kaseryosohan sa boses nito dahilan para mapakunot-noo ako at bago pa ulit ako makapagsalita ay naunahan na ako.

"But I think it's better for us to talk about it with Paine." Dagdag na sabi nito.

Hindi ko na ito kinuwestiyon pa, pero base sa kaseryosohan nito. It looks like they found some critical information.

"Yeah, sure." Ako tapos nagpaalam na dito.

"Ano? May maganda bang ibinalita pa bukod sa bad news na patay na si Ciosko?" Pag-uusisa ni Karl.

"Yeah, they found something." sagot ko.

"Hmm, was it a big big deal info?" Karl

"Think so. They don't want to disclose it without Paine." Ako

"Damn! At least."

Napatango na lang ako. At ilang saglit pa nga ay nakarating na rin kami. We immediately got off from the car tsaka pumasok na sa naghihintay na private plane.

"I heard nakausap ni Lathan si Paine the other day." Karl said after we settled ourselves.

"Hmm, tinanong lang daw kung nalinis na lahat yung sa Bachelor pero walang sinabi kung nasan ito ngayon."

Nawala na naman kasing parang bula ito.

"Ano na naman kaya pinagkakaabalahan nun. Well, it's nothing new." Pagkuwa'y walang ganang sabi nito tsaka humiga na ng tuluyan sa sofang kinauupuan nito.

Samantalang ako nama'y binuksan na ang laptop na nasa harapan ko. I immediately went to the files and datas pertaining to the different Houses under North Kingdom.

MASKED (Rewritten)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon