Pagbukas ng Mystery box ay kinuha niya ang bagay na pinakaiingatan niya ng ilang taon na. Nangako siya sa sarili niya na ibibigay niya lamang yun sa lalaking mamahalin niya. Isa lamang yung simpleng card na may nakasulat na "You caught my heart completely"
Noong gabi na yun ay nagdasal si Nicole sa Lord.
"Lord, alam ko po na bata pa po ako, pero gusto ko po sanang makita yung tao na yun na mamahalin ko kahit sa panaginip lang, please po Lord please?" Makulit na dasal ni Nicole.
Di namalayan ni Nicole na nakatulog na siya. Nakita niya ang kanyang sarili na nasa isang lugar na napakaganda. Isang mahwagang gubat kung saan may isang napakalaking puno sa may gitna na may ugat na pwedeng gawing upuan. Sa paligid ng puno ay may mga makukulay na bulaklak at napakaraming mga paru-paro na lumilipad.
Dumapo sa ilong ni Nicole ang isang paru-paro na kulay asul at lumipad papunta sa may malaking puno. Halos di makita ni Nicole and daan dahil nababalot ng maputing usok ang daan.
Habang papalapit si Nicole sa puno ay nakakarinig siya ng napakagandang musika na nanggagaling sa gitara. Ang ganda ganda ng tunog kaya lalong binilisan ni Nicole ang paglakad. Papalapit ng papalapit si Nicole sa puno at may naaninag siyang isang pormang lalaki na may dalang gitara at nakaupo sa may ugat ng puno.
Takang taka si Nicole, at lalo siyang nagwari kung sino ang lalaking ito. Unti unting nilapitan ni Nicole ang lalaki, at ng maaninag ni Nicole ang mukha niya
tinanong niya ito: "Sino ka?"
At bigla siyang nagising.
Tumatak sa utak ni Nicole ang mukha niya kaya dali dali niya itong dinrawing at tinitigan ng matagal. Ayaw niyang makalimutan niya ang mukha ng lalaki.
Kinabukasan, maagang pumasok sa school si Nicole, tulala siya dahil iniisip niya ang nakita niya sa panaginip. Takang taka ang mga kaibigan niya
"Friend Nicole ayos ka lang ba?" Tanong ni Andy. "May nangyari ba sa bahay niyo? inaway ka na naman ba ni Hagorn? "(Code name nila sa Lolo ni Nicole na napakaistrikto)
"Wala naman friend may iniisip lang talaga ako." sagot ni Nicole.
"Ay friend, halata nga may iniisip ka!" sabat ni Sam, "Tignan mo yang notebook mo kung anu-ano na ang sinulat mo"
Hindi namalayan ni Nicole na dinadrawing na naman niya ang lalaki sa panaginip niya.
"Sino yan huh friend? parang familiar siya sa akin." Sabi ni Andy
"Wala friends, mamaya ko nalang isshare sa inyo, pag vacant na natin ok?" Sagot ni Nicole
At naglunch na nga ang tatlong myembro ng Power Puff girls (PPG) sa may Rose Canteen
"Friend, care to share?" Sabi ni Sam
"Uhm, hay... kasi ganito yan friends... kinwento ni Nicole ang buong panaginip niya sa dalawa. Pagkatapos niyang maikwento.
"O M! Nicole, This is it! pasigaw na sabi ni Sam. Napatingin lahat ng mga tao sa canteen sa kanila dahil sa iskandalosang reaksyon ni Sam.
"Shhh... Wag ka ngang masyadong maingay Sam" Sabi ni Andy. "Siya ba yung dinadrawing mo kanina at dahilan bakit di ka masyadong umiimik?"
"Oo freinds yun na nga, meaning siya yung taong mamahalin ko." natulala na naman si Nicole
Ng biglang sumingit na naman ang epal na stalker ni Nicole na si Bogs.
"O Nicole, my Nicole! are you ok? bakit napakatamlay mo? Di ka ba nakatulog dahil sa kakaisip ko sayo? Pasencya kana kung di ko mapigilan ang sarili ko na isipin ka! blah... blah... blah...
"Ang OA neto, tara na nga friends!" Sabi ni Andy
Umalis ang tatlo habang kasalukuyan pang nagsspeech si Bogs, na pinagtitinginan na ng mga tao sa canteen dahil nagmomonolouge.
Tulala parin si Nicole ng biglang may tumawag sa kanya mula sa malayo.
"Nicole!" pasigaw na sabi ng babae mula sa Cadena de amor Building.
Napatingin si Nicole at nakita niya na eto ang dati niyang classmate at friend na si Kath.
"Kamusta na? Ang tagal na kitang di nakikita huh? Namimiss ko nakayo! " sabi ni Kath sa tatlo
"Namimiss ka na din namin, parang may kulang sa classroom dahil wala ka Kath," Sabi ni Sam
"Oo nga e, namimiss ka na Din namin friend, lalo na ako, wala na akong ka penpal sa classroom kasi naman nalipat kana ng section." Sabi ni Nicole kay Kath
"Uhm, sige ganito nalang, sulatan pa rin tayo kahit di na tayo classmates ok?" Sabi ni Kath
"Sure! Masaya yun!" Sabi ni Nicole
"Ay teka may gustong makipagkilala sayo sa mga classmates ko" Sabi ni Kath
"Huh? Sino?" takang taka si Nicole
Sino naman ang magkakainteres na magkipagkilala sa kanya of all people sa PHS di ba? Sino nga ba?
BINABASA MO ANG
Bakit nga ba hindi?
Teen Fictionbased on a real life story. Para sa lahat ng taong in-love, nainlove at gusto pang main-love.