Class Election

34 1 0
                                        

Well sino nga ba? tatawagin na sana  ni Kath ang classmate niya ng biglang dumating ang mean girls na pinangungunahan ni Lady kasama ang mga alipores niya na sina Marie,Sherry at Ally na walang alam gawin kundi umayon sa lahat ng sinabi ni Lady.

"Excuse me? Power Puff Girls! hahahahaha! "Malabruhang sabi ni Lady. "Mangangampanya sana ako sa inyo for class muse remember today is our class election?." Sabay pinatabi si Kath.

"Yes, vote Lady as our class muse" sabi  ng tatlong alipores

Nakatingin lang ang PPG at gulat na gulat sa kakapalan ng mukha ni Lady. Kung sa bagay may K naman siya as in karapatan, kasi kung tutuusin maganda naman siya.

"Ok, you have our vote" sabi ni Nicole

"Very Well, clap-clap! madali naman pala kayong kausap" Sabay hawak sa buhok ni Nicole at snob kina Sam at Andy.

"Let's go girls! Kakausapin ko pa ang iba nating classmates" Sabay lakad ni Lady kasunod ang mga alipores niya

"Anu ba naman yun, ang kapal naman talaga ng Lady na yan! Bakit ka naman pumayag Nicole?" Sabi ni Andy na inis na inis.

"Oo nga naman friend, e kung tutuusin mas maganda ka pa sa kanya, maarte lang talaga siya kaya  nagmumukha siyang maganda. Pero minus the powder and the blush on? Ewan ko  na lang." Sabi naman ni Sam

"Girls, let her nalang ok? Maganda naman siya e, she deserves the position." Sabi ni Nicole.

Nagtinginan si Sam at Andy at mukhang may binabalak na ,maganda kay Nicole.

Nagring na ang school bell dahil tapos na ang lunch break. Hindi nasabi ni Kath ang gusto niyang sabihin.

Pagdating sa classroom. as usual umupo sina Nicole sa may likuran ng classroom magkakatabi. Maingay pa rin ang Mean Girls, syempre pinaka-mainagy si Lady na kasalukuyan pa rinnangangampanya sa mga classmates niya.

"Class settle yoursleves, we are about to begin our election."

Umupo na ang lahat at nagumpisa na ang class election.

Nanalong class President si Andy kaya siya ang nagtake-over sa election.

Hindi alam ni Nicole na may binabalak sina Sam at Andy na inominate siya for class muse. At nanalo naman bilang Secretary si Sam. Nagbubulungan sina Andy at Sam dahil biglang nagkaaberya dahil na-vote na si Nicole bilang class Vice President.

"O no friend, what shall we do? Pano na yung plan naten na i boto tong si Nicole para sa muse?" bulong ni Sam kay Andy.

"Akong bahala friend, para saan pa at naging class president ako di ba? trust me, " Sabi ni Andy

Dumating na ang nomination for Class Muse.

"I nominate Miss Lady Manacmol for Muse" Sabi ni Marie, sabay smile ni Lady na parang siguradong sigurado na sa panalo niya.

"I close the nomination" Sagot ni Ally

Akmang magsasalita pa lamang si Sherry para mag second the motion ay biglang.

"I object!" Sabi ni Andy. "I nominate Miss Nicole Quizon for Class Muse" Sabay tingin ng lahat kay Nicole na kasalukuyan ng namumula sa hiya.

"Teka lang! I object! Di ba Class Vice President na siya? Di pwede yun, dalawa ang position niya!" Galit na sagot ni Lady.

Nanahimik ang buong klase dahil sa nangyari.

"The muse and the escort are not part of the class officers, they are there to represent your class in case na may pageants.You can vote anybody who is deserving of the position whether or not he/she is already elected as class officer." Sabi ni Ma'am Tiangco

"I close the nomination for the class muse" Sabi ni Sam

"I second the motion" Sabi ni Andy

Nahati ang klase sa botohan ng class muse, marami ay natatakot na awayin sila ni Lady kaya napilitan silang iboto na siya. Pareho ang naging boto ng dalawa.

"Anong gagawin naten neto? dalawa yung muse naten? diba kakaiba yun?" bulungan ng classmates nila

"So anung balak niyo sa kaguluhan na ito?" Sarcastic na tanong ni Lady kay Andy

"Well, wala akong nakikitang mali sa dalawang class muse, i think we have the advantage di ba? kapag nagpatawag ng representative for the class we have two so mas malaki ang chance na manalo tayo" Sabi naman ni Andy

"I agree, I think there is nothing to be worried about Miss Manacmol, pareho kayong pupunta ni Miss Quizon if ever magpapatawag ng class muse." Sagot ni Ma'am Tiangco

"Nakakainis! " Nagbwibwisit at padabog na sabi ni Lady.

Patuloy naman na nananahimik lang si Nicole, di niya kasi alam kung ano ang gagawin niya.

"Ano ba naman tong class election na toh, bakit ang gulo gulo" Bulong ni Nicole sa sarili niya

"Ako? Si Nicole Quizon? Muse? Hay naku problema toh!" huhuhuhu

Bakit nga ba hindi?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon