The Letters

47 2 0
                                        

Mabilis na lumipas ang panahon, halos nakalimutan na ng lahat ang mga pangyayari sa class election nila. Nagpatuloy nalang sa buhay estudyante ang lahat. Isang araw habang naglulunch ang PPG lumapit sa kanila si Kath at may iniabot kay Nicole.

"Nicole eto na yung letter ko," Nakangiting sabi ni Kath kay Nicole

"Ay! Salamat Kath! touch naman ako sayo, pasensya kana kung di ako agad nakasulat sayo kasi naman ang daming pinapagawa sa amin nila Andy at Sam." Sagot ni Nicole

"Ayos lang yun anu ka ba, I understand friend." Sabi ni Kath

"Salamat sa pag-intindi huh? I promise sasagutin ko lahat ng letters mo, :)" panagko ni Nicole kay Kath

Pagdating ni Nicole sa bahay nila ay kaagad niyang binasa ang sulat sa kanya ni Kath na nakasulat sa pink at scented na papel.

"Dear Nicole,

                 Kamusta kana? Namimiss ko na talaga kayo ng mga dati nating classmates, nahihirapan ako dito sa bago kong section. di ako makapag concentrate sa pag-aaral kasi parang di ako sanay sa phase ng pagtuturo. parang masyadong mabagal? Nagsisisi ako kasi pinabayaan ko yung pag-aaral ko last year. Sana inayos ko talaga. Imagine naman diba? From section 1 to section 10? ang layo ng difference talaga. Di naman sa di sila matalino, medyo slow lang talaga sila.

Sulatan pa rin tayo huh friend? I badly need encouragement, para naman magkagana ako sa pag-aaral. I believe next year maggiging classmates na tayo ulit! :) I love you friend, and I miss you so much.

                                                                                                                                                           love, Kath"

P.S.

"Yung nga palang gustong magpakilala sayo, don't worry friend mabait yun, trust me ok? Gusto ka lang daw niyang maging friend"

Takang taka si Nicole, nakalimutan na kasi niya na may gusto nga palang makipagkilala sa kanya sa mga classmates ni Kath. Nagsulat din siya ng Letter kay Kath sa super cute na stationery

"Dear Kath

                   Miss kana din namin, lalo na kami ng PPG. The classroom is never the same without you. Ako rin medyo hirap ngayon kasi bitter pa rin si Lady sa pagtitie namin sa class muse kaya todo ang pang-iinis niya sa akin. Anyway, kaya mo yan friend, I know next year classmates na tayo ulit! Go! Pray ka lang lagi kay God ok? :) Oo nga pala sino ba tong gustong makipagkaibigan sa akin? Bakit daw pala? Nawiwirduhan kasi ako e, hahahaha! :) Teka Girl ba siya o Boy?

                                                                                                                                                  Love, Nicole"

Kinabukasan ay friday, lunchtime noon at nagpalitan ng sulat sina Nicole at Kath. Nagusap sila ng sandali at umalis din agad si Kath dahil tinatawag na siya ng classmates niya.

"Ang cute naman nagsusulatan pa rin kayo" Sabi ni Sam

"Kamusta naman pala daw si Kath? Ok lang ba siya sa new section niya?" Tanong ni Andy

"Ayun, medyo hirap nga daw siyang magadjust pero i know magiging ok na rin siya nyan." Sagot ni Nicole

 Monday na naman, nagkita na ulit si Kath at Nicole at nagpalitan na ulit sila ng mga letters nila para sa isa't isa.

Natapos na naman ang araw, Umuwi na si Nicole sa bahay nila sabay kulong ulit sa kwarto niya. binuksan niya ang sulat ni Kath dahil nacucurious siya sa tao ng gustong makipagkaibigan sa kanya.

"Dear Nicole,

                        Thank you sa encouragement mo, alam ko makakaya ko yun! Basta kaya ko to! aja! Kumakain kami ngayon nila mommy sa may KFC kasi naman daw nangangayayat na ako sa schedule ko sa school. Uhm, yung gustong magpakilala sayo kung boy or girl? Boy siya e friend, nahihiya daw siyang lumapit sayo kasi baka supladahan mo siya. Friend ok lang ba na ibigay ko sa kanya yung cellpone number mo para maging textmates kayo? Kung OK lang sayo. Friend nalang muna itawag natin sa kanya, mas magnada siguro na sa kanya mo nalang malaman kung sino siya. Basta tulad ng sabi ko sayo mabait yun. Sana wag akong mapahiya sa isasagot mo, sabi ko kasi close tayo e, :) Sana mag penback ka agad. :

                                                                                                                                                              Love, Kath

Napaisip si Nicole sa sinabi ni Kath, lalaki pala ang gustong magpakilala sa kanya at gusto niyang makuha ang cellphone number neto.

"Sino naman yun? Ano yun textmate? Di naman ako nikikipagtextmate e! Panu ba to? ayokong mapahiya si friend Kath sa classmates niya. Naku pano ba toh? huhuhu" Sabi ni Nicole sa sarili

"Dear Kath

                    Wag mo naman sanang papabayaan na di ka kumakain, dapat lagi kang healthy para makabalik ka na agad sa section natin di ba? Uhm boy pala siya, kasi friend alam mo naman na di ako nakikipagtextmate diba? Lalo na yan boy siya, hay panu ba toh? Sige ganito ibigay mo yung number ko pero sabihin mo di ako nagtetextback ok?"

                                                                                                                                                           Love, Nicole

Kabang kaba si Nicole sa sinagot niya kay Kath, alam niya na anytime ay may magtetext sa kanya para makipagkaibigan. Di niya alam kung ano ang dapat gawin, anung dapat sabihin, ano nga ba dapat? 

"IIIIHHHHH! ano ba naman tong pinasok ko na toh, di naman ako makapagpapalit ng number, one year pa ang contract neto sa network, hay naku!" Stressed na sabi ni Nicole sa sarili habang nakaharap sa salamin,

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakit nga ba hindi?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon