its a secret

17 0 0
                                    

Matapos ang dalawang buwan, naka-graduate na rin kami sa wakas, picture dito pose doon, yakap sa mga close friends and classmates pati na rin pagpapaalam. kasi alam namin na pagkatapos ng araw na ito, tuluyan na rin naming maiiwan ang pagiging high school students namin.

"friend!! wag mo akong kakalimutan ha?? "

"syempre naman bakla no.. paraha kaya tayo ng university na papasukan!"

"sige na kayo na!! palibhasa hindi ako pumasa sa university na yan kaya ako lang yung hiwalay sa inyo!!"

"hoy wag ka nga, tatlo kaya kayo nila Jonas at Prick na pumasa dyan, mamaya Jannah agawin mo bigla kay Chezka yang si papa Jonas niya aah "

"duh--- hindi ako ganong kaibigan no"

si Kenth talaga kung anu-anong kalokohan ang naiisip eeh, pero oo nga no? magkakasama pala silang tatlo sa iisang university.. ako lang ba o sadyang may kakaiba lang sa reaksyon niya ng sabihin yun sa kaniya ni Kenth ?

"congrats sa atin friends!! kita kits na lang tayo bukas!"

"hoy yung pinapadala ko sayo aah!"

hay, eto na naman sila pareho, naghihiraman ng mga pocket books, nahilig sa pagbabasa ng kung anu-ano..nakakapagod pala ang grumaduate, hahaha.. mabuti na lang at nakahabol si mama kahapon sa paguwi niya kaya naman siya ang kasama ko sa araw na 'to.

"okay na ba ang college applications mo Chezka??"

"ah, opo okay na, pupunta na lang po ako sa interview ko para kumpletuhin lahat ng mga requirements ko."

"ganun ba?, pagdatng natin sa bahay natin ihanda mo na yung mga gamit mo "

"po??? para saan?"

"dadalhin muna kita kay mama sa probinsya, sa ngayon doon ka muna habang hindi pa pasukan."

"ho?? eh ang layo naman po nun mama? tsaka ako lang po mag-isa? :"

"oo Chezka, tutal wala ka pa namang pasok at isa pa ikaw lang ang hindi busy sa aming lahat, kaya ikaw muna ang ipapadala ko kay mama sa probinsya"

"po??"

hindi na ako nakareact pa sa sinabi ni mama, hindi pwede to, ang dami kong balak gawin sa bakasyon ko eh. May gala pa kami nila Kenth at Jannah. may mga overnight pa akong dapat na mapuntahan. Pano ako mag-eenjoy nito kung babantayan ko lang si Lola Paz buong bakasyon ko??

"happy graduation apo ko!"

ngumiti lang ako kay lolo, inabutan niya rin ako ng regalo.

"wala po ako sa mood, pero salamat po sa regalo"

titgnan ko kung eepekto ba kay mama o kay lolo yung kilos ko.Panigurado akong babawiin niya rin yung sinabi niyang sa probinsya ako titira ng halos dalawang buwan habang hindi pa naguumpisa ang klase ko.

"naman eeh!!! ayoko sa probinsya! ayoko!! paano ako mag-eenjoy nito ??"

napalingon ako sa gilid ng kama ko, may kulay puting box akong nakita. Parang regalo dahil nakabalot pa ito sa ribbon.

 "sino naman magbibigay nito? "

pagkakuha ko ng box nakita ko yung nakasulat na 'to Chezka Gonzales. Happy graduation, hope to see you soon' 

"ha?? sino yun ?"

biglang pumasok si mama sa kwarto ko, syempre hindi pa rin ako papayag.

"anak, you have to do that for me, "

"eh bakit ako?? pwede namang kayo na lang mismo ang pumunta doon kay lola aah ?"

"hindi nga ako pwede, alam mo naman ang mga trabaho na naiwan ko. Look, ngayon nga pinilit kong gawing free ang sched ko then sasabihin mo sa akin ngayon yan?"

"mama naman eeh, bakit kasi kailangang buong summer ko andun ako? di ba pwedeng a week or two?"

"you'll see it sooner or later"

and my mama left with no more explanations, pumasok si ate at kuya sa kwarto.

"hoy!!, tama na yan Chezka, reklamador to. sige na mag-ayos ka na at ihahatid ka pa namin mamaya"

"eh ayoko nga kasi, pinipilit nyo naman ako eh"

"Chezka ano ba!?  mag-ayos ka na"

tulad ni mama iniwan lang din nila ako, so ano to ?? planado na lahat bago ko pa nalaman?? iniwanan lang nila ako ng isang maleta at ng isang plato ng pagkain. Hindi ko sila maintindihan,

"nakakainis naman sila eeh, bakit pa kasi ako yung papupuntahin doon"

hindi naman sa ayaw kong makita ang lola Paz ko, kaya lang kasi lagi naman niya akong pinapagalitan noon pag nandoon ako. Sabi niya huwag akong malikot, pag hindi naman ako naglilikot nagtataka siya tapos pagsasabihan niya ako. Isa pa ayoko ng bumalik doon, 

Nakita ko ulit yung box na white, hindi ko pa sya tapos basahin eh, 

"kanino nga ulit ito nanggaling?.... From, Himitsu!.. ano daw? is that a name??"

Binuksan ko yung box, medyo weird pa nga yung pagkakabalot parang halos ayaw pa ipabukas sa akin yung nasa loob,.

"ano ba to!!?? bakit nakabalot sa tape to?? may balak ba siyang ipabukas yung regalo niya sakin ??"

at sa wakas ng matanggal ko na lahat ng tape na nakabalot sa regalo. 

"eh?? ang cool naman nito."

isang guitar shaped na lamp shade na may musical notes na naka-drawing sa taas nito. paano nalaman ng himitsu na to yung paborito kong musical instrument?

"Chezka lets go"

so in the end, wala na talaga akong nagawa kundi ang sumama na sa kanila para ihatid ako sa most boring kong summer vacation sa lahat. Bakit pa kasi kailangan kong bumalik sa lugar na kung saan maalala ko lang ang lahat ng hindi ko dapat na maalala. Hindi ko alam kung nananadya sila mama o sadyang may dahilan lang talaga para bumalik ako sa lugar na iyon at kasama ko pa si lola Paz na never atAng naging paborito ako. 

"nga pala Chezka, sino yung nagregalo sayo kahapon na nakalagay sa box na puti ? ipinadeliver lang yun kahapon habang nasa graduation tayo eh "

"hindi ko nga po alam eh, basta nakalagay lang dun sa card Himitsu daw pangalan niya"

"hahaha,, himitsu?? eh japanese word yun para sa salitang Secret aa?? anong laman nung box??"

"secret?? anong problema niya?? .....ha??........ isang cool na guitar shaped lamp shade."

"wow ang ayos nung taong yun aah, akalain mong alam niya yung paborito mong instrument??"

"instrument na hindi naman alam gamitin"

kahit kailan talga mapambwiset sakin si Kuya Carlos, hindi na lang niya gayahin si ate Eimore lakas lang maka-segway ng usapan namin. Hindi naman na ako nagrereklamo eeh,, alam ko naman kasing wala na akong magagawa pa doon. at nakakainis lang, ni hindi man lang nila ako pinayagan sa request ko na sa susunod na linggo na lang para naman ma-experience ko yung overnight kina Jannah.

Contract !Where stories live. Discover now