Pasokan na naman. After almost two months of break up, ngayon ko lang siya makikita.
"Oh ano? Kaya?" Tanong ni Lana, ang kaibigan ko. Tumango naman ako.
"Kaya." Confident kong sabi.
Buti nalang this sem classmate kami ni Lana. Para pag nagkita kami ni Fourth di naman masyadong awkward. Close din kasi silang dalawa eh.
"Si Paty? Ano sched niya daw?" Tanong ko habang papasok na kami sa school. Naka dorm kaming dalawa kaya di hassle malate. Nasa loob lang din naman kasi dorm namin sa school eh.
"Katext kami ngayon." Pinakita niya phone niya na may bagong text ni Paty. "Pinapasabi niya na sabihin ko daw sayo na classmate sila ni Fourth."
Hindi ko alam ano sasabihin ko. I was actually praying na maging classmate si Fourth this sem. Baka yun yung way para mabalik siya sakin. But, ayaw talaga ni tadhana. Pilit akong tumawa sa sinabi ni Lana like it doesn't matter.
"Yung dati nating squad na apat, nagkabuwag na." Sabi ko.
"Break pa more." Sagot naman nitong katabi ko.
"Pinagsisihan ko na."
Pagkapasok naming dalawa sa room, nakahinga ako ng maluwag. At least majority is familiar na sakin. Di na kami mahirapan pang mag adjust sa new classmates.
Hindi pa nga ako nakakaupo ay tinanong na ako ng isang mutual friend namin ni Fourth.
"Musta kayo ni Fourth?" Nagsmirk smirk pa si Joshua. I awkwardly smiled.
"Wala ng kami." Sagot ko. Nandilat mata niya at umupo sa seat na tabi ko.
"Ha? Bakit?!"
Damn that question.
Ayaw kong tinatanong ako niyan dahil paulit-ulit akong sinasaksak sa puso. Katangahan eh.
"Basta it was my fault. I don't want to explain yet. I don't know where to start." Sagot ko. He weighed my emotion before nodding.
"Stay strong ka lang. Magkakabalikan din kayo. Kayo pa!" Pinat niya ako then bumalik na sa upuan niya.
Before the day ends, hindi lang si Josh ang nagtanong sakin. Seven more asked. All are friends namin ni Fourth at lahat sila ay nanhihinayang.
"Trending ata break up niya ah." Lana chuckled while placing her bag sa bed niya.
"Ang awkward nga eh." Sagot ko.
I did not expect it to be like this. Before kasi, when I come from break up, yung barkada ko lang talaga nagtatanong. Ngayon marami-rami na. And I'm sure madadagdagan pa ang mga magtatanong on the following days.
"Would you like me to answer for you?" I appreciate Lana. Though naging friends lang kami ngayong college, it feels like matagal ko na siyang kilala.
"Thanks, Lan! Pero I think kaya ko naman." Sagot ko.
Kinabukasan, marami nga ang nagtanong sa break up namin. My explanation was here and there. Minsan nga grupo ang nagtatanong eh.
"Girl I have chika!" Without knocking, pumasok ng basta-basta si Paty.
"About?" Tanong ni Lana but I have the feeling kung about ano yun.
"About sa break up nila ni Fourth."
