"Hay! Pag-ibig... Na-traffic ka lang ba? Kung na-traffic ka lang, ako na lang ang susundo sa'yo."
"Hoy Mica... 'Yan ka na naman sa kadramahan mo. Alam mo 'nak, ang pag-ibig ay hindi minamadali. Ni hindi mo rin dapat hinihintay. Enjoy-in mo na lang ang pagiging single at kusa na lang darating 'yang boyfriend na 'yan."
"Nay naman! Sa edad kong 23? Hindi pa ba ako dapat mag alala sa lagay na'to? Ano na lang ang sasabihin nila Aya at ng iba ko pang mga kaklase? Halos lahat sila ay maliligaya na sa piling ng mga boyfriend at girlfriend nila. Samantalang ako, heto, umiinom pa rin ng gatas." Lumipat ang kanyang ina sa kaniyang harapan na kanina'y nasa likuran at abala sa pagsusuklay sa mahaba at malugay niyang buhok. Bahagyang pumungay ang mga mata nito.
"Anak, ang kaligayahan ay hindi lamang matatagpuan sa pagboboy..."
"Ayy... Nay! Hindi ko na namalayan ang oras. Male-late na ako sa School Alumni namin nung high school. I have to go. Bye Nay." Sadyang pinutol ni Mica ang kanilang usapan dahil alam niyang hahaba na naman ito at pagsasalitaan ng kaniyang Ina.
"Hay naku! Yun talaga si Nanay ... Gusto niya yata na tumanda akong dalaga eh." Sa isip-isip niya habang madaling lumalabas ng gate ng kanilang bahay."
Simula't sapul ay hindi pa nagkakaroon ng kasintahan si Mica. Malas kung ituring niya ang sarili dahil sa kabila ng angkin nitong ganda, magandang hubog ng pangangatawan at likas na kabaitan ay wala pa ring nanliligaw sa kaniya. Ang kaniyang Nanay Milen ang nag-aruga at nagpalaki sa kanya. Samantalang poot naman ang nararamdaman niya sa kaniyang Ama dahil sa murang edad ay saksi siya sa pambubugbog at pag iwan nito sa kanilang mag-ina. Ngayon ay wala na siyang balak na hanapin pa ito.
"Aray!!!" Sa ikatlong pagkakataong pagkatapilok ay hindi na napigilan ni Mica ang mapasigaw ng malakas habang nasa ikaapat na baitang ng hagdanan paakyat sa overpass.
"Malas na nga sa pag-ibig, malas pa rin sa buhay!" Bahagyang napalakas ang kaniyang tinig kaya't napalingon sa kaniya ang mga nagdaraan at nang kaniya itong napansin ay napahawak siya sa kaniyang bibig. Saglit siyang yumuko at nagpahinga nang marating ang patag na daan sa taas ng overpass. Sa kabilang kalye kasi ang lugar kung saan sila magkikita-kita ng dating mga kamag-aral. Ang fast food chain kung saan madalas silang kumain at tumambay noong nag aaral pa sila. Sa pagpapatuloy niya sa kaniyang paglalakad ay may naulinigan siyang tinig ng isang lalake.
BINABASA MO ANG
Stop Searching Me
Mystery / ThrillerPaano kung ang taong pinakamamahal mo ay ang hinahanap mo? Hinahanap para paghigantihan. Paano kung malaman mong siya..... siya ang....