"Searching For An Answer"

67 45 0
                                    

"Nay... Nanay...."

"Madam? Narito na po ang inyong anak."

"Nay... Narito na po ako... Kasama ko si Kel. Yung lalakeng nagsauli ng bag ko."

"Teka Mica! Brownout ba dito sa inyo? Bakit walang ilaw?"

"Ha? Hindi ko alam Kel. Teka nasaan ka na ba Kel? Ang dilim. Wala akong makita."

"Teka. Bubuksan ko ang flashlight ng cellphone ko."

(pagbukas ng flashligfht)

"Kel. Bakit ng kalat dito?" Pagtatanong niya na tila nag-aalala na sa nasasaksihan. Nakakalat ang mga gamit. Nakabukas ang mga drawer kung saan nakalagay ang mga mamahaling gamit at iba pang mahahalagang bahay.

"Nay! Nanay! Nasaan ka?" Nagsisimula nang mapaiyak si Mica.

"Huminahon ka Mica. Baka nandiyan pa ang magnanakaw. Pumunta ka rito sa likuran ko." Akmang pupunta na si Mica sa kinaroroonan ni Kel nang mapansin niya ang pulang likidong nakapinta sa sahig na tila nagtuturong pumunta sila sa kwarto ng kaniyang Ina. Hindi nag-atubiling tumungo roon si Mica.

"Mica..." Sigaw ni Kel habang hinahabol ang dalaga.

"Nanaaaaaaay!!! Inaaaaaaay!!!" Bumuhos ang emosyon kasabay ng luha sa kanyang mga mata at dugo na nagmumula sa kanyang ina.

*****************

"Huminahon ka Mica. Kailangan mong maging matatag. Hindi ka na kumakain ng maayos. Pinapabayaan mo ang sarili mo." Pag-aalala ni Kel.

"Ano pang dahilan para maging masaya? Paano ko haharapin ang bukas na wala ang kaisa isa kong kakampi sa buhay? Si Nanay na lang ang meron ako Kel. Ano bang kasalanan ko para bigyan ng ganitong mga pagsubok." Halos hindi maubusan ng luha si Mica sa kanyang pagtangis sa huling araw ng lamay ng kaniyang Ina.

"May dahilan pa para mabuhay, Mica. Sa buhay natin, may nawawala, at may dumarating. Hindi permanente ang buhay. Kung nasaan man ngayon ang Nanay mo, alam kong ayaw niyang nagkakaganyan ka."

"Kel." Lumingon siya at tinitigan ang mga mata ng binata.

"Mi..Mica..."

"Tulungan mo ako."

"Sa..saan?"

"Sa paghahanap ng hustisya. Hindi ako mamamatay sa mundong ito ng hindi ko nakakamit ang hustisya sa pagkamatay ni Nanay."

"P..pero baka mapahamak ka sa gagawin mo, Mica. Ipasabatas na lang natin ang kaso ng Nanay mo." Napahawak siya sa braso ni Kel.

"Kel. Bago pa dumating ang mga pulis sa crime scene ay may nakita akong isang susi. Tingin ko gamit 'yun ng magnanakaw na pumasok sa bahay."

"Ha? Pero paano mo malalaman ang salarin sa pamamagitan lang ng susing naiwan niya?"

"Kaya nga tutulungan mo ako Kel. Mangako kang tutulungan mo ako." Seryoso ang mga tingin ng dalaga.

"S..sige..." Nauutal na sagot ni Kel. Wari'y nangangamba sa pagsang-ayon nito sa kaniya.

*****************

"Uy Kel.. Heto na yung parte mo. Ayos 'yung bahay na itinuro mo sa'min ni Erick ah. Tiba tiba tayo." Nakangiting bungad ni Marlon habang papalapit kay Kel bitbit ang bag na pinaglagyan ng mga alahas at makakapal na pera.

"Tarantado ka!"
(Blag... Plak... Plagak) Sa isang iglap ay hindi na halos makilala ang mukha ni Marlon sa tinamong mga suntok mula kay Kel.

"Bakit niyo pinatay si Nanay Milen? Ang usapan natin ay nanakawan niyo lang ang bahay na 'yon. Anong klaseng puso meron kayo? Oo magnanakaw ako. Pero hindi ko kailanman maaatim na pumatay ng tao, lalo't higit sa isang Ina." Nanggigigil na salita ni Kel habang nakakuyom pa rin ang mga kamao.

"Anong problema mo pare? 'Di ba't ikaw ang nagturo sa amin kung paano magnakaw? At ikaw ang nagbigay sa'min ng utos para pasukin ang bahay na'yon. Eh lumaban 'yung matanda eh. Kaya't tinuluyan na namin. Saka anong Nanay Milen? Kilala mo siya? Edi sana pinapunta mo kami sa hindi mo kakilala. At isa pa pare, anong hindi ka mamamatay-tao? Hindi mo ba naisip na baka pambili ng gamot ang perang ninanakaw mo sa bawat taong binibiktima mo? Na baka pambili nila ng pagkain para mabuhay. Ngayon, sabihin mo nga sa'kin... kung hindi ka isang mamamatay-tao. Pwe."

"Waaaah!" Nagdilim ang paningin ni Kel sa mga sinabi ni Marlon. Sa loob ng sampung segundo ay napatay niya ito sa pamamagitan lamang ng pagbugbog. Sinubukang lumaban ni Marlon ngunit sadyang malakas si Kel kaya't hindi niya na ito napigilan. Nang matanto na hindi na humihinga si Marlon sa pagkakalagapak sa lupa ay kinuha niya ang bag na dala nito at saka iniwan ang bangkay sa isang madilim na lugar kung saan sila ay palaging nagkikita-kita.

Stop Searching MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon