"Having You"

88 45 14
                                    

"Ano ba, Mica. Itigil mo na 'yang paglalasing. Lalo mo lang dina-down ang sarili mo. Imbes na tulungan mo ang sarili mo, ay lalo mo pang sinisira ang buhay mo."

"Ano bang pakealam mo, ha? Wala nang magandang mangyayare sa buhay ko. Patapon na ang buhay ko, Kel." Madamdaming pakikipag-usap niya habang hawak-hawak sa magkabilang kamay ang dalawang bote ng beer samantalang nasa sala ng kanilang bahay.

"Nabibigla ka lang sa mga nangyari. Darating din ang araw na matatanggap mong wala na ang Nanay mo."

"Humanda sila sa'kin Kel. Alam kong hindi lang isa ang gumawa nito sa Nanay ko. Malaki ang maitutulong ng susi na 'yon. Kung sino man ang nasa likod ng krimen na'to, hinding hindi ko siya mapapatawad. Papatayin ko sila!!!" Nanggagalaiting wika ni Mica na halos mahulog na sa kinauupuan dahil sa sobrang kalasingan.

"Kel, inom pa tayo." Mahina na lang ang kanyang tinig dahil sa sobrang panghihina.

"Pero.. hindi mo na kayang uminom." Kinuha ni Kel ang mga bote ng alak at saka itinago sa refrigerator.

"Ano ba, Kel? Akin na 'yan.. Akin na 'yang mga...." Hindi na natapos sa sasabihin si Mica nang tuluyan na siyang makatulog sa sobrang kalasingan.

"M..Mica... Uhm lagot na! Paano ako makakauwi nito? Hindi ko 'to pwedeng iwanan ng ganito." Wala nang nagawa si Kel sa dalagang mahimbing na natutulog kundi ang magkibit-balikat na lamang.

"Mica... Sorry. 'Di ko sinasadyang mapatay ang Nanay mo. Hindi ko nais na nagdurusa ka ng ganyan. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa'yo na sangkot ako sa pagnanakaw sa inyo. Alam kong 'di mo ko mapapatawad. Pero sorry pa rin." Sa isip isip ni Kel habang nakatitig sa maamong mukha ng dalaga.

"Napakaganda mo pala. Paano nangyaring walang nanliligaw sa'yo kung nasa'yo na ang lahat ng katangian ng isang ideal girlfriend?" Hindi naiwasan ni Kel na igala ang paningin sa buong katawan ni Mica na noo'y nakasuot ng blouse at pajama. Hindi niya batid kung bakit tila hinihila siya papalapit ng malambot at mapulang labi nito. Binalot ng lamig ang buong paligid habang nag-iinit naman ang katawan ng binata sa pagpipigil sa sarili.

"M..Mica... Dadalhin na kita sa kwarto mo. Masyadong malamig dito."

"Ha? Ano? Bakit? Nasaan ako? Humanda sila sa'kin. Papatayin ko sila." Garalgal ang boses ng dalaga.

"Naku! Tara na at magkakasakit ka dito. Doon ka na matulog sa kwarto mo." Pagdaka'y pinasan ni Kel si Mica patungong 2nd floor kung saan naroon ang kwarto niya.

Stop Searching MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon