Luhan’s P.O.V
“verto animalia~”
Pagkatapos kong magpaalam kay philline eh dali dali na akong nag morph sa pagiging pusa at pumunta sa taong katatagpuin ko ngayon...
Mas prefer ko kasing naka-cat form ako dahil mas mabilis akong makakarating sa aking paroroonan. Mahirap kasing maiipit sa traffic, sensitive pa naman yun...
Habang ako’y tumatakbo, napatigil ako dahil sa naramdaman kong presensya ng mga Ignis sa paligid. Na siya namang kinabahala ko dahil ang mga Ignis ay kilala sa kahusayan nila sa pag gamit ng apoy. Bagay na naglagay sa kanila sa talaan ng pinaka makapangyarihang salamangkero sa Kingdom of the Five Crystals...
Ngunit tinuring na silang kaaway ng mga royal blood dahil sa pag-anib nila sa mga Umbranos o shadow wizards. Ang mga Umbranos ang mga salamangkerong pinaka bihasa sa paggamit ng itim na karunungan. Bukod pa riyan sila rin ay nag sasagawa ng mga pag-aalay sa mga diyos upang sila’y mabiyayaan pa ng kapangyarihan...
Ito ang naging isa sa mga pagkakahalintulad ng mga Ignis at Umbranos at ang nag palala pa riyan ay ang klase ng pagaalay na kanilang ginagawa...
Lahat naman ng mga gumagamit ng mahika ay nag aalay. Ito ang paraan namin ng pagpapasalamat sa mga biyaya ng diyos ngunit ang naging kasalan nila ay ag pagaalay ng buhay ng mga inosenteng tao sa kanilang panginoon sa pamamagitan ng paglaslas sa kanilang iaalay at pagbitin sa kanya ng patiwarik upang ang dugo ay kanilang makuha...
Noong una’y walang nagawa ang mga Royal Blood dahil ginawang sekreto ito sakanila ng mga Ignis at Umbranos ngunit hindi rin nagtagal ay nalaman ito ng mga Royal Blood...
Noong una ay kinausap lang muna sila nang mahal na Haring Phillip at Reyna Victoria...
Pero di nila ito sinangayunan at nag deklara sila nang digmaan laban sa mga Royal Blood...
Naging madugo ang digmaan dahil sa pagkontrol ng mga Ignis sa mga bulkan na siyang kumitil sa buhay ng mga mama-mayan ng ... Nagpalala pa rito ay ang pagbubukas ng mga Umbranos sa pintuan ng impyerno dahilan para lumabas ang mga nilalang na nababanggit lamang sa mga kwentong bayan...
Tunay ngang kalunos lunos ang pangyayaring iyon dahil wala silang pinalampas...
Bata man o matanda ay kinitil nila...
Unti-unti naring nanghihina ang pwersa ng kaharian...
Walang nading nagawa ang mga tao kundi ang tanggapin ang kanilang magiging kamatayan...
At noong tila wala nang sasalba sa kanila...
Doon lumabas...
Ang "vel vitrum, quinque animalia". O, mas kilala sa tawag na Five Crystal Beasts.
Sa tulong nila ay nagapi ang pwersa ng kasamaan...
Sila ring ang naging dahilan ng pagkaka-kulong ng mga Ignis at Umbranos sa isang dimensyon na puno ng mga halimaw na kumukuha ng mana mula sa mga salamangkero. Bagay na nagpalala sa kanilang sitwasyon...
At noong natapos na ang digmaan...
Tinulungan ng pitong hayop ang mga taong makabangon...
Pinataba uli nila ang lupa...
Pina sikat muli ang araw...
Pina-agos ng mga batis...
Ginawang sagana muli ang karagatan...
At higit sa lahat biniyayaan nila ang mahal na Hari ng isang regalong makapag sasalba sa kanila sa panahon ng pagbabalik ng pwersa ng kadiliman...
At iyon ay isang ginintuang orb...
Pumunta ang mga hayop sa ibat ibang panig ng mundo at naging bato. Tinunton naman ito ng Mahal na Hari at pinatayuan sila ng dambana bilang pasasalamat sa kanilang kabutihan...
...............................................................................................................................................................
Kaya naging nakakabahala sa akin na maramdaman ang presensya ng mga Ignis dahil nakakulong sila sa kadiliman...
Nagpasya na akong umusad at nakarating naman ako kaagad sa aking destinasyon...
“verto humani~”
Nag balik na ako sa pagiging tao at agad kong pinuntahan ang aking matalik na kaibigan...
“O, Luhan nag balik kana pala sa pagiging tao...”
Bati sa akin ni Sehun...
“Oo, natanggal narin ang sumpa sa wakas...”
“Pero may problema tayo...” Sa tono ni Sehun ng pananalita eh siguradong di ito basta bastang problema...
“Ano ba yun...”
“Lumuwag na ang selyo ng Daemonis”
Nagulat ako sa sinabi ni Sehun...
Kaya pala seryoso siya...
Kaya pala kinausap uli nila ako...
Hindi na ako pwedeng makampante...
Pagkat ang kanilang pagbabalik ay ang pagbabalik rin ng aking kakambal...
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
comment kayo ha... wag niyo lang sana akog awayin. T_T
wolf_Kidnapper
BINABASA MO ANG
My Cat is a Sorcerer... [EXO Luhan Fanfic]
FanfictionPighati... Pagmamahal... Majika... Realidad... Sangkap sa kuwentong puno ng kababalaghan at Pagagmamahalan... Cause this is not your typical love story... [DO NOT PLAGIARIZE]