Philline’s P.O.V.
Pagkatapos ng maatikabong eksena kanina sa kusina ay agad na akong naligo. Feeling ko kasi parang nasa loob ako ng oven. At hindi ko rin maimagine yung ukha ko kanina. Talo ko pa yung apple na kinagat ni snow white sa pagkapula ng pagmumukha ko.
Hindi ko rin kasi lubos maisip na ang dating pinanunuod ko sa T.V. na kung minsan pa nga ay masyado nang corny, ay magkakatotoo pala. At sa akin pa talaga nangyari. Ang swerte ko lang haha! Pero I believe na everything happens for a reason. And I will make sure that whatever is that reason, I will know it. Dahil hindi ako pwedeng maging tanga! Sa sarili kong storya hahaha!
After kong maligo at magbihis, dumive na ako sa kama at umudlip sandali. Matagal pa naman siguro bago bumalik si Luhan. Hay, Dahan dahan nang sumasara ang aking mga mata and in no time nakatulog narin ako.
Evil’s P.O.V
Lumuwag narin sa wakas ang selyo ng Daemonis, at hudyat na ito ng simula ng aking plano. Agad kong pinapunta ang ilan sa mga alagad ko sa mundo ng mga mortal. Ngunit pili lang muna ang napadala ko pagkat ang malalakas lang ang taglay na kapangyarihan ang makatatagos sa harang.
At kabilang sa kanila ay ang Hollow na si Ilven. Isa siya sa aking mga heneral at namumukod tangi rin siya dahil kaya niyang ikonekta ang isip niya sa isip ko. Kaya mainam siyang gawing mata at tenga sa mundo ng mga tao. At lahat sila ng aking mga heneral na ipinadala ko ay pinabaunan ko ng espesyal na bato na makapagtuturo sa kanila kung nasaan ang aking kakambal.
Habang ako’y nagpapahinga mula sa pakikipagpulong ko sa mga Umbranos ay nakatanggap ako ng isang mensahe mula kay Ilven.
“Dark Lord, narating na po namin ang mundo ng mga tao.” Pagbabalita niya sa akin.
“Mabuti naman, ngayon gawin nyo na ang pinag uutos ko at hanapin niyo na ang kapatid ko! Wag ninyong sayangin ang pagkakataon na makapaghiganti tayo sa mga nang-api sa atin! ” Utos ko sa kanila.
“Masusunod po.” Walang anuman ay pinutol na niya ang koneksyon at agad nang sinunod ang aking Utos. Napuno naman ako ng galak dahil sa wakas tatapusin ko na ang aking kapatid.
Ilven’s P.O.V.
Matapos kong ipamalita sa pinuno na matagumpay kaming nakatawid papunta rito sa mundo g mga mortal ay agad na naming sinimulan ang aming misyon. Inilabas namin agad ang aming mga bato at agad na naghiwa-hiwalay upang mas mabilis naming matunton ang kinaroroonan ng kakambal ng aming pinuno.
Sinimulan ko na ang pagbagtas sa mga daanan sa pagbabakasakaling madaana ko sila. Ngunit habang ako’y naglalakad ay napansin kong tila pinagtatawanan ako ng mga tao. Noong una ay hindi ko ininda ito dahil mas tinututukan ko ang aking misyon. Rinig na rinig ko naman ang kanilang mga halakhakan na nagpaninit ng ulo ko. At sakto namang may lumapit sa aking lalake, isa siya sa kanina pa ako tinatawanan.
“Hoy! Anong trip mo at ganyan ang suot mo? Seriously? San ka ba nanggaling?” Paguusisa niya habang patuloy paring tumatawa. Agad ko namang napansin na hindi pala sanay ang mga tao sa kasuotan namin. Agad ko naman siyang ginamitan ng mahika at pinasunod sa akin sa isang maliit na iskinitang walang katao-tao.
Noong wala nasigurado ko na walang makakakita ay ginawa ko na kung anong dapat gawin.
“Hindi ka pwedeng magsalita at gumalaw.” Pag-uutos ko sakanya. Mahahalata sa kaniyang mga mata ang takot na kaniyang nararamdaman. Dulot narin ng pagbabalik ko sa aking tunay na anyo.
“Hubarin mo ang iyong kasuotan.” Utos kong agad naman niyang sinunod. At nang matapos siyang maghubad ay nagpasiya na akong tapusin narin ang kaniyang buhay.
“Tamang tama nagugutom ako, ngayon ipapadama ko sayo ang sakit ng pagkamatay.” Sinakal ko siya gamit ang kanan kong kamay at hingop ko ang kaniyang buhay. Agad na natuyo ang kaniyang balat. Nawala ang lahat ng dugo sa kaniyang katawan. Hanggang sa siya ay maging buto’t balat na lamang. Nang matapos ako sa pagpaparusa sa kaniya, binalibag ko na lamang siya sa may pader. Bilang isang Hollow may abilidad akong kopyahin siya at dahil narin sa paghigop ko ng kaniyang buhay ay nalipat rin sa akin ang lahat lahat ng mga katangian niya.
Agad na akong nagbihis at nag patuloy sa aking misyon. At sa aking paglalakad napadaan ako sa isang bahay na masasabi kong luma na ngunit ang nakatawag ng aking pansin ay ang amoy ng mahika na nasa loob ng bahay. Ipagwawalang bahala ko nalang sana iyon dahil may mangilan ngilan sa uri ng mga tao ang pinagpalang magtaglay ng mahika ngunit natigil ako dahil napansin ko ang batong ibinigay sa aking ng pinuno. Umiilaw ito.
Agad akong pumasok, tumagos ako sa bawat haharang sa aking daraanan at sa bawat sandaling lumalapit ako sa bahay na iyon ay lumalakas ang mahikang aking nararamdaman pati narin ang pagliwanag ng bato. Minabuti ko naring lagyan ng selyo ang bahay upang hindi makatakas ang nasa loob at kung may tutulong man ay hindi sila makakapasok.
“”
Nagtawag narin ako ng mga Shade upang bantayan ang mga papasok sa bahay.
“”
Hinalughog ko ang kabahayan at napadpad ako sa isang silid kung saan may isang babaeng natutulog. Itinapat ko sa kanya ang bato ngunit hindi ito nag iba ng kulay, dahilan upang ikagalit ko dahil nagsayang lamang ako ng oras. Pero napagtanto ko na kung umilaw ang bato ibig sabihin nanggaling dito ang hinahanap ko at minabuti ko naring mag-imbestiga.
“Hahaha nakaka-awa ka binibini dahil mararanasan mo ang bangungot na siya ring maghahatid sa iyo sa kabilang mundo.”
“”
BINABASA MO ANG
My Cat is a Sorcerer... [EXO Luhan Fanfic]
FanfictionPighati... Pagmamahal... Majika... Realidad... Sangkap sa kuwentong puno ng kababalaghan at Pagagmamahalan... Cause this is not your typical love story... [DO NOT PLAGIARIZE]