CH.4: HER SMILE

38 0 0
                                    

sorry

sorry yun yung huling salita na narinig ko sa kanya..bago kami lumabas ng bar..hinigit nya lang ulit ako palabas don ehh..

naglalakad na ko ngayon pauwi sa bahay, nakasunod pa rin sya sakin, pero di sya nagsasalita..si Michael, bakit kelangan nya iparanas sakin na para bang gusto nya ko, pero para ring hindi kasi imposible, nakakatawa man pero hindi ako marunong tumawa..nagulat nalang ako ng bigla syang yumakap sakin mula sa likod ko kaya napatigil ako sa paglalakad..

problema moh? bitawan mo nga ko

basa ka pala, ahh sorry nakalimutan ko, giniginaw ka ba?

kasalanan mo kung bakit ako nabasa, kung di mo ko hinila, tss, now, alisin mo yang kamay mo sakin

bakit ba ang sungit mo?

wala kang paki

nahalikan na nga kita nagsusungit ka pa, meron ka ba ngayon? nainis ako sa sinabi nya, kaya sinampal ko sya, pati ba monthly period ko pakikialaman nya, wala ko ngayon, nakakaasar sya..para syang walang sense kausap.

masakit yun ha.. nakita ko syang humawak sa pisngi nya, hinihimas himas nya.

pero aminin mo nainlove ka sa halik ko no? ayii, si Mikaelle inlove kay Michael

tiningnan ko sya ng masama, tapos tinaas nya yung dalawa nyang kamay

joke lang, wag kang tumingin sakin ng ganyan, lalo kong naaattached sayo, parang gusto na kitang mahalin habang buhay pag tumitingin ka ng ganyan?

umalis ka na nga sa harap ko, hindi ka na nakakatuwa, at pwede layu layuan mo ko. umalis sya sa harap ko tapos lumipat sa likod ko

wala na ko sa harap mo, masaya  ka na?

tss nakakaasar na talaga sya, naglakad nalang ulit ako pauwi, pero sya nasunod pa rin sakin, naisip kong pumunta ulit sa bahay ni mama, gusto ko sya makita. lumiko ako at nakita kong nakasunod pa rin sya sakin, di ko nalang pinansin, sinusundan nya ba ko? wala pa ba syang balak umuwi

hindi naman jan ang daan pauwi sa bahay namin ahh, bakit ka lumiko?

wala kang paki

pero hindi jan ang daan pauwi sa piling ko.

pwede bang tumahimik ka nalang? nakakairita ka. ang ingay mo

eh kasi baka maligaw ka, hindi jan ang daan papunta sa puso ko tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya, tiningnan ko sya ng masama tapos nakita ko syang nakangiti, nakangiti na parang abot sa langit yung mga labi nya, nakapikit pa yung dalawa nyang mata na parang nagpapacute, tinalikuran ko nalang sya tapos nagsimula nalang ulit maglakad

hindi jan ang daan...

ano na naman? pwede wag ka nalang magsalita?

pero hindi naman kasi jan ang...

nakakapikon ka alam mo yun? pati ba naman yung mga dadaanan ko pakikialaman mo? wala kang pakialam kung san ako dadaan, kung san ako pupunta narinig ko syang tumawa ng malakas, nababaliw na ata sya, kelan ba nya ko tatantanan? naiirita na talaga ko sa maingay na lalaking toh

ang cute mo mapikon? pati di ba hindi naman jan ang daan pauwi sa inyo? walang kama jan, pati malamok jan, ayaw mong umuwi sa lugar kung san may nagmamahal sayo, bakit ka magtyatyaga matulog don sa labas?

di ba sabi ko wala kang pakialam?

pero magkakasakit ka, basa yung damit mo tapos sa labas ka matutulog? ang tanga mo naman oh, ayaw mo ba talaga makinig sakin?

nakaka..

asar ako? akala mo lang yun.

hindi ka ba...

titigil sa pagsasalita? alam mo ikaw ang nakakaasar, paulit ulit sinasabi mo. wag mo naman ipamukha sakin na nakakaasar ako, nasasaktan ang puso't damdamin ko.  

this guy is very irritating, bakit ba alam nya ang mga pupuntahan ko, bakit  alam nya yun? bakit alam nya na sa labas ako matutulog, bakit nya alam ang bagay bagay tungkol sakin?

hoy! hindi ako stalker ahh, kung yun ang iniisip mo, nagkakamali ka.

nasa tapat na ko ng gate nila mama. umupo na ko sa tabi ng gate nila at sumandal don, pinikit ko yung mata ko, gusto ko na magpahinga

seryoso ka? jan ka matutulog? umuwi ka na nga, magpalit ka ng damit, bakit ba kasi naiwan ko yung jacket ko ehh, wala tuloy akong mapahiram sayo. ay nakakainis, wala man lang akong magawa, di naman kita mayakap baka masampal mo na naman ako

will you please...

shut up? okay okay..tatahimik na ko. tapos umupo sya sa harap ko.

mga 30mins. na rin kami sa ganong pwesto ng biglang humangin ng malakas, bigla kong nilamig, basa kasi ang damit ko, napansin nya yata yun kasi nagtayuan yung balahibo ko.

umuwi ka na, giniginaw ka na oh. bumalik ka nalang dito

ayoko

ang tigas talaga ng ulo mo

kung gusto mo ikaw ang umalis

okay tapos tumayo na sya, pumikit na ulit ako, after 5minutes naramdaman ko nalang na parang lumutang ako, kinarga nya ko. ano bang nasa isip nya

ano ba? ibaba.....

kung ayaw mong umuwi iuuwi kita sa inyo, baka magkasakit ka, bukas ang closing party, gusto ko andon ka. gusto ko kasama kita.

hindi na ko umimik, bukod sa pagod na ko, parang gusto ko rin yung ginawa nya. sinandal ko nalang yung ulo ko sa dibdib nya tapos pumikit, nararamdaman ko yung tibok ng puso nya, bakit ba parang ang bait nya sakin.

maya maya lang, ginising nya na ko, nakatulog pala ko habang karga nya ko, binaba nya na ko, nasa tapat na kami ng bahay,  nagulat ako, kasi bakit pati bahay ko alam nya, lagi ba syang nakasunod sakin? at hindi ko man lang yun napapansin? papasok na sana ko sa gate ng bigla syang nagsalita

good night, pwede ka bang pumunta sa closing party kasama ko?

ayaw nilang nandon ako

ako gusto ko

sige alam ko hindi sya titigil hanggat di ako napayag, pagod na ko at gusto ko ng magpahinga kaya pumayag na lang din ako.

pwede bang ilugay mo nalang lagi yung buhok mo? mas bagay kasi sayo, pati kung okay lang, wag kang magblack bukas? para ka kasing hindi sa party pupunta, parang sa lamay lang tapos ngumiti sya sakin.

sige, alis na ko, good night. alam kong pagod ka na, pati pagod na rin ako, ang bigat mo kasi tapos ngumiti ulit sya. tumalikod na ko sa kanya at binuksan yung gate, pero di pa ko nakakapasok hinigit nya yung braso ko tapos hinarap ako sa kanya, nagulat nalang ako kasi bigla nya kong hinalikan sa noo tapos bigla na syang tumakbo paalis, narinig ko pa syang sumigaw ng...

GOOD NIGHT ANIKA MIKAELLE PEREZ ACOSTA pumasok na ko sa loob ng bahay ng nagtataka dahil hindi naman acosta ang ang last name koh kung di perez pero bakit naging middle name ko ang perez, pero isa pang pinagtaka ko, pumasok ako sa bahay ng nakangiti.

UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon