CH.16: HER LAUGHTERS

24 0 0
                                    

tama po ang nasa isip nyo, tumakbo pa kami ng OH SO BRAVE na si MICHAEL. akala ko pa naman ang tapang nya talaga. isasama nya lang pala ko sa pagtakbo, nung medyo nakalayo na kami don sa lalaking yun, medyo pabagal na ng pabagal yung pagtakbo namin at hanggang sa naglalakad nalang kami, medyo hiningal ako sa pagtakbo, di ko alam kung magpapasalamat ba ko sa kanya, hindi kasi yun yung inaasahan kong way ng pagliligtas nya sakin, alam nyo yun, niyaya nya ng suntukan yung lalaki and then bigla kaming tatakbo, di ko alam kung maiinis ba ko o ano, hanggang sa di ko namalayan na tumatawa na pala ako..

why?

anong why?  

pinagtatawanan mo ba ko?

huh?  

bwahahahahaha

di ko namalayan na nagtatawanan na pala kami ni Michael, di ko mapigilan ang sarili ko na hindi tumawa, ehh pano naman kasi, hahaha, alam nyo na, haha, bigla kasing tumakbo ang matapang, tumawa lang kami ng tumawa hanggang sa sumakit na yung tyan ko kakatawa.

 Mikaelle? hala, ok ka lang? bakit ka ba tawa ng tawa? anong meron? hala, napopossess ka ba?

sorry ha!   eh kasi naman akala ko bubugbugin mo na yung lalaki kanina, ang yabang mo kasing magsalita tapos nagulat ako kasi biglang hinawakan ni Michael yung pisngi ko, yung pisngi ko kung san ako sinampal nung lalaki, masakit pa rin hanggang ngayon pero parang hindi ko nararamdaman yung sakit, alam nyo yung ganong feeling?

ah sh!t, bakit namumula ang pisngi mo? masakit ba? anong ginawa nya sayo? na-late ba ko ng dating? Mikaelle? masakit ba? sorry! umiling lang ako kay Michael, ang totoo kasi parang di ako nasasaktan kahit masakit, magulo ba ko? nginitian ko lang sya, nagulat pa nga ko ng bigla nyang hinalikan yung pisngi ko.

hala, bakit lalong namula yung pisngi mo? masakit ba?

i guess, i'm b-b-blushing tapos ngumiti ulit ako, niyakap ako ni Michael.

masaya ko kasi narinig kitang tumatawa ng wala sa oras, alam mo yun, parang wala namang nangyari na nakakatawa tapos maririnig nalang kitang natawa, ang ineexpect ko kasi iiyak ka dahil sa nangyari sayo, pero nagulat ako kasi tumawa ka pa. Mikaelle, sa tagal kitang binabantayan ngayon lang kitang narinig tumawa ng ganyan, masaya talaga ko, masaya ko kasi ako ang unang tao na nakarinig ng tawa mo.

Michael?

hmmm?

salamat sa lahat, salamat sa pagtulong mo sakin, ang totoo nan takot na takot na talaga ko kanina na di ko na alam yung gagawin ko kasi wala man lang kahit isang tao ang nakakapansin sa nangyayari, buti nalang dumating ka, salamat kasi dumating ka. sorry rin sa nangyari kanina, kung hindi siguro ko umalis, hindi naman mangyayari toh ehh. salamat.

ok lang yun, naiintindihan kita tapos hinalikan ako ni Michael sa noo, pakiramdam ko safe na ko. kasi kasama ko sya. masaya rin ako kasi ngayon ko lang naranasan na tumawa, masaya ko kasi nakilala ko si Michael, nararamdaman ko yung pagbabago ng sarili ko. nasasanay ako na nakakasama ko sya..

akala ko talaga, babanatan mo na yung lalaki kanina, yun pala tatakbuhan mo lang, ang lakas pa ng loob mo na magsalita na kala mo ang tapang tapang mo

naawa kasi ako don sa lalaki, baka pag binanatan ko yun di na makalakad, may awa pa naman ako noh. pero pag may ginawa syang hindi maganda sayo, i swear, sasamain talaga sya sakin.

sus, ayan na naman yang yabang mo  

hindi ako nagyayabang noh, totoo yun Mikaelle, hindi por que tumakbo ako ngayon eh tatakbo rin ako pag may ginawa syang hindi maganda sayo, Mikaelle, mahal kita, alam mo naman yun di ba? kaya di ko talaga sya mapapatawad pag sinaktan ka nya, babalatan ko sya ng buhay at itatapon sa deep blue sea kung kinakailangan

haha, baliw!

totoo yun noh

hindi halata

pero totoo talaga yun

di nga?

oo kaya.

ok

i love you nagulat ako sa sinabi ni Michael, nginitian ko nalang sya, naspeechless ako, although di naman talaga ko palasalita na tao, kasi syempre, bigla nalang sya nag-i love you kaya nakakagulat pa rin.

ilang beses na kitang nakikitang ngumiti ngayong araw na toh, Mikaelle, your smiles and laughters made my day

tss, corny.

di ka ba kinikilig? pero di ba nagblush ka kanina sabi mo? ayii, naiinlove na si Mikaelle kay Michael. haha

por que nagblush inlove na agad?

pero tumawa ka pa? tapos lagi mo na rin ako nginingitian.

yun ba ang pamantayan ng pagiging inlove? ibig sabihin inlove na nga ko sayo?

oo, ganon nga yun, pag napangiti ka ng isang tao, ibig sabihin inlove ka sa kanya, lalo na pag ako ang nginitian mo.

talaga? ibig sabihin inlove nga talaga ko sayo

oo, halata namang inlove na inlove ka sakin ehh, nahihiya kalang umamin.

ganon ba yun? gusto mong tadyakan kita? pinaglololoko mo na naman ako. kala mo mauuto mo ko? hoy Michael, alam ko kung inlove ako o hindi, sakalin kaya kita jan. napakamot sa ulo si Michael

ang cute mo pala

sus, ngayon mo lang napansin? matagal na kaya

yabang! 

ayii, gusto mo ko noh? umamin ka tapos kiniliti ako ni Michael sa bewang

ano ba? haha, tigilan mo nga yan, haha, nakikiliti ako, ahaha, Michael, haha, lagot ka sakin pag, haha, tama na nga kiniliti ako ng kiniliti ni Michael hanggang sa napahiga na kami sa buhanginan

ano ba? tama na sabi eh. hahahah

gusto ko pang maring ang tawa mo eh. pati umamin ka na kasi, type mo rin ako di ba? ayii..wag kang mag-alala bagay naman tayo ehh lalo pa kong kiniliti ni Michael. hanggang sa napansin namin na nasa ibabaw ko na pala sya at awkward na, pero natatawa pa rin ako kahit hindi na ko kinikiliti ni Michael at awkward na ang posisyon namin, nakita ko pa ngang namumula ang pisngi ni Michael eh. tumayo si Michael at tinulungan nya rin akong tumayo non, medyo parang may kuryente pa nga nung inabot ko yung kamay nya eh. hinubad ni Michael yung suot nyang t-shirt at pinasuot nya sakin, nailang yata sya kasi naka-2piece lang ako.

after non, naglakad na ulit kami pabalik sa cottage ng magkaholding hands

UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon