It All Started With A Chat

102 2 1
                                    

*Typing*

Hello?

Uhm. Hindi, parang pacute yun eh.

*Backspace*

*Typing*

OY!

Ay, masyado siga.

*Backspace*

*Typing*

Kamusta?

Parang feeling-close naman ako neto! Amp!!

*Backspace*

 

Ano ba'ng sasabihin ko dito? HUHUHU!

 

♣Khritian Pillos

Anilex Ciniolu: HEY!

------->

Yang yung sumunod ko'ng nakita sa screen...

 

"Kanina kapa bura't sulat diyan eh." Si Kenny yung nagsalita.

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"

Nagets niyo yung nangyari? Bigla lang naman kasi nagtype si Kenny sa chatbox namin ni Khritian. Hey pa ang nakalagay.

Si Kenny nga pala yung kaibigan ko'ng walangya. Chos, pero mahal ko yan. Siya yung katangi-tanging tao na napaglalabasan ko nung tunay ko'ng anyo. Manananggal po kasi talaga ko. Charot! I mean nung tunay na ako.

Siya lang yung nakakaintindi sakin. May sarili po kasi kaming langguage. Yung kaming dalawa lang nakakaalam. Joke. Medyo parehas kasi kami ng ibang hilig. Magkaiba nga lang ng ugali at kilos. Super iba. Brutal kasi yun eh. Ako hindi, mahiyain ako. Sa sobrang mahiyain ko nga, mas una ko pa siyang napakilala sainyo, kaysa sa sarili ko.

Ako si Anilex Ciniolu. 15 years old nako, turning 16 this November 14, 2012. Gifts ko wa? So yun nga, nag-aaral ako sa paaralan. Mahirap kasi mag-aral sa desyerto. Ikaw, san ka nag-aaral? Graduating nako. Kaya nga tinotodo-todo ko na yung pag-awra sa mga fafa. Chos. Pero totoo. Kasi nga nung 3rd year kami, super mahiyain ako. Pero siguro dahil nahawa narin ako sa kakapalan ng mukha ni Kenny, kaya yun. Naging makapal nadin muka ko. Medyo lang. Pero yun nga. May crush ako ngayun.

Siya si Khritian Pillos. Last year, nakikita ko na siya. Member kasi siya nung grupo na BRADERS. Grupo ng mga gwapo at mayayaman dito sa school. At swerte ko lang, kasi si Kenny, member nung BRADERS. Pero lilinawin ko lang po, babae si Kenny. Kaya nga lang kilos lalake. Ugaling lalake, kaya wag nakayo magtaka na member siya ng Braders. Siya nga lang nag-iisang babaeng member eh. At dahil dun, madalas akong nakakatayo malapit sa kaniya. Yun ay, tuwing mag-aapir sila.

Balik kay Khritian, di ko siya masyado pinapansin nuon. Wala pa siya masyado impact sakin.. Kasi nga, yung kaibigan niya pa yung crush ko dati. Pero dahil taken na yung kaibigan niya, biglang siya na yung naging crush ko. Bigla kasi siyang naging mas gwapo ngayun eh. Mas kapansin pansin. Mas sikat na sya ngayun. Kaso hindi ko na siya abot. Di katulad last year, mas marami ng nakakakilala sakaniya ngayun. Mas lumawak ang battlefield, dahil mas rumami ang kaagaw eh.

At ngayun yung araw, na gusto ko siya maka-close. Kaya nga inadd ko siya sa facebook eh. Mabilis naman niya ko ni-accept. Kaso ni hindi naman namamansin. Hindi nagpi-PM. Well, who am i? Sino nga ba ko para i-PM nun. Sino nga ba ko?

Kanina ko pa pinipiga yung keyboard. Kinakagat ko na nga eh, para lang mag-come up sa isang PM. Pero wala talaga. Huhuhu. Nahihiya talaga ako.

Pero thanks kay Kenny, kasi nakapag PM ako kay Khritian. Naku naman oh.

"Ahh! Kenny!!!!!!!!!!!!!!! Bakit mo yun ginawa!?"

"Sa panahon ngayun, wala ng hiya-hiya. Magugutom ka pag ganiyan."

♣Khritian Pillos

Anilex Ciniolu: HEY!

Khritian Pillos is typing...



"Oh my ghad. Typing na siya oh!!! Ito na Kenny! Ano sasbihin ko!?"

Pero paglingon ko, wala na si Kenny. Umalis na. Teka, bat bigla bigla nalang sumulpot yun. San galing yun? Bat andito yun sa Escopa?

 ♣Khritian Pillos

Anilex Ciniolu: HEY!

Khritian Pillos: O ?

Hala. Sunget naman neto. Kala mo kay gwap- De siya na gwapo!

Anilex Ciniolu: Ah may assignment no.8 na kayo kay Sir Riveroy?

Tss. Pano magkakaron ng 8? Eh 7 palang. Wala maisip palusot eh.

Khritian Pillos: Wla e . 7 p lng kme. Ikw? Mern ka ?

Slow pala to eh. Bat ako magtatanung, kung meron ako? o_O 

Anilex Ciniolu: Wala din po eh. Sorry.

1 minute...

Di na siya nagreply.

2 minutes...

3 minutes...

4 years...

ECHOS. Ede luwa-luwa na mata ko kung ganun katagal ako naghintay. Pero yun di na nga siya nagreply. Awts. BH nako. Pero looking at the positive side, dapat pala kiligin ako. Nakachat ko siya eh

Ay mali. Nakachat ko siya. OO. Nakachat ko siya. Kelangan ko 'tong i-share

What's on your mind...

*Typing...*

NAKACHAT KO SIYA:">

*Post*

 

Akciran Memey: Sino? :)

Ohmyghad. Nagcomment si Akciran. Siya ay isa ko pang friend. Crush niya din si Khritian,  ohmy. Dont want to lie... so...

*Log out*

MY GREAT ESCAPE.

Sapat na sakin yung nakachat ko siya, sa wakas. I can feel it, ito na ang simula. It will all start with this. Right here. Ang aming lovestory? Posible nga kayang... Will it be possible to start with a chat?

It All Started With A ChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon