Epilogue

48 7 2
                                    

(Anilex Ciniolu's POV)

"Happy Birthday, I love you Anilex Ciniolu."

Natapos yung kanta na basang basa yung muka ko.

T______T

Speechless ako. Ano'ng sasabihin ko?

Nakatingin lang siya sakin ngayon. Pati yung mga tao sa paligid namin.

Ayan na siya.

Lumapit si Khritian sakin.

"Halika..." hinawakan niya ko sa magkabilang shoulder, kasi nasa likod ko siya ngayon.

"Tek-"

At ngayun hinarap niya ko sa isang malaking salamin. O_o

Salamin na hawak nina Kenny at nung ibang dancetroupe members. Lahat sila nakangiti sakin.

 "Naalala mo nung sinabi ko sayong... one day ihaharap ko sayo yung magiging girlfriend ko."

*Flashback*

♣Khritian Pillos

Anilex Ciniolu: Sa gwapo mo'ng yan, wala ka pang nagiging girlfriend?

Khritian Pillos: Wg k mg-alala my maihaharap dn aq sau 1 day .

*End of flashback*

 

T________T

Pwede mamatay na sa kilig? :">

"Hindi pa kita girlfriend. Pero kasi 'yang babaeng nasa harap mo... Siya lang yung minamahal ko. Siya lang din ang pwede kung maging girlfriend. Yun eh kung okay lang..."

"Ayoko nga!" Tumingin ako sa kanilang lahat. Lahat sila nagulat sa sagot ko.

Nagsalita ulit ako...

"Bakit naman magiging okay sakin, na yang babae sa salamin ang maging girlfriend mo!? Dapat ako!"

Ngumiti siya sakin.

"Pero, baka gusto mo munang ipaliwanag yung panghaharana mo dun sa isang babae sa room niyo?"

"Diba nga, nagpractice ako para dito?" sagot niya. sabay hawak dun sa bulaklak na peke -_- 

"Baka hikain ka eh" napangiti naman ako dun sa sinabi niya. Hikain kasi ako eh.

Hay. Pwede na mamatay sa kilig?

Pero napasimangot ako.

"Eh yung sa fb? Bakit ka naka-in-a-relationship? Ipaliwanag mo kaya muna yun?" Sabay taas ng kilay. 

"I-view mo kaya muna kung sino yun, ng makita mo hinahanap mo!"

Kaya tumakbo ako ng sobrang bilis, para magpunta sa Computer shop.

"Uy, san ka pupunta?" tanong niya sakin.

Naramdaman ko nalang na nakasunod na silang lahat sakin. Ano ba'ng meron? Sino ba kasi yung naka-in-a-relationship sa kanya? Hindi naman ako. Malamang...

Atlast.

*Click!*

O___O

*___*

^___^

T___T

Yan yung sunod sunod kong expression dahil nga sa nakita ko.

 "Ayan kasi, unfriend agad" sabi ni Kenny.

"Hindi muna tinitingnan kung sino yun" -Akciran. (Teka, pati siya kasali dito?)

"Ikaw lang naman kasi talaga eh..."

Ang nakita ko lang naman kasi nung ni-view ko yung fb eh, isang damukal na mukha ko. Iba yung pangalan nung babae, pero ako yung nasa picture. Ako yung cover photo. Ako lahat.

"So, ano na?" tanong nilang lahat.

"Eh ano pa nga ba... Corner na eh?"

Niyakap niya ko mula sa likod

"Will you be my girlfriend?"

"Yes, Khritian. Yes."

*****

"Lexx! Ano ba yan, sino na naman ba'ng ka-chat mo at pangiti-ngiti ka diyan? Muka kang timang!" sabi ni mama, na naghuhugas ng pinggan.

"Mama, may boyfriend na yan si ate" pagsusumbong naman ng kapatid ko.

"Naku, naku. Iharap mo yan samin ngayon din" narinig ko pang sabi ni papa.

Hays. Kainis naman kasi yung kapatid ko, sumbungero. -_-

♣Khritian Pillos

Khritian Pillos: Uy, maya na ult tayo mg chat ah ?

Anilex Ciniolu: Bakit?

Khritian Pillos: May ppunthan kami ng tropa eh ?

Anilex Ciniolu: Saan?

Khritian Pillos: Sa inyo .

Anilex Ciniolu: HA?! Bakit?

Khritian Pillos: Mamamanhikan...

Khritian Pillos is now offline

T H E E N D 

It All Started With A ChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon