Chapter 4

40 3 0
                                    

(Khritian Pillos' POV)

Siya yung unang babaeng nagustuhan ko. Simula thirdyear highschool gusto ko na siya. Lagi ko siyang nakikita kasama si Kenny, na kaibigan ng mga kaibigan ko. Sobrang nagustuhan ko siya kasi, kakaiba yung ganda niya. Yung gandang nakakatawag talaga ng pansin. Yung gandang hindi nakakasawa. Yung gandang magpapalingon talaga sa lahat.

Sobrang cute niya, kaya nga lagi kong binabantayan yung FB niya. Pero wala akong lakas ng loob para i-add siya. Kasi nahihiya ako. Muka kasi siyang mataray. Palaging seryoso yung muka. Tapos hindi man lang apektado sa charm ko. Well, hindi naman sa sinasabi kong may charm ako. Pero may itsura naman ako diba? Pero bakit ganon? Hindi man lang siya nagkakagusto sakin. Hindi nmn sya tibo. Sa katunayan nga niyan, balita ko... nalilink siya sa isa sa mga tropa ko. Si Vien.

Kaya nga simula nung naging kaibigan ko si Kenny, dahil naging parehas kaming member ng Braders, naging chance ko na yun, para mas mapalapit sakniya, pero wla eh. Hindi ko talaga, kaya. Hanggang sa isang araw, nagulat ako kasi inadd niya ko sa FB.

Syempre ngiting tagumpay ako nun. Tapos ayun, sampung taon kong tinitigan yung chat box namin, kasi wala akong maisip na pwedeng sabihin. Hanggang sa...

♣Anilex Ciniolu

Anilex Ciniolu: HEY!

Nag-PM siya. Sobrang na-tense ako hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

Khritian Pillos: O ?

Yun nalang yung nasabi ko.

Anilex Ciniolu: Ah may assignment no.8 na kayo kay Sir Riveroy?

Ay, may kailangan lang pala kaya nagchat.

Khritian Pillos: Wla e . 7 p lng kme. Ikw? Mern ka ?

Anilex Ciniolu: Wala din po eh. Sorry.

Hindi ko na talaga alam kung ano yung sasabihin sakaniya nun, kaya hindi ko na nagawang magreply. Yung yung unang time na naka-usap ko siya. Sobrang ligaya ko nun. Diko akalaing maka-kachat ko siya.

Swerte ko pa kasi magka-floor kami. Lagi ko nga siya inaabangan pag dumadaan sila sa room namin. Pero syempre, tinitingnan ko lang sya pag naka-daan na sila. Lagi ko rin siya tnitingnan kapag dumadaan naman kami sa room nila. Wala lang, ang cute niya kasi titigan eh.

Sobrang desperado nakong maging kaibigan man lang siya. Kaya isang araw, naki-usap ako kay Kenny. Sabi ko sakaniya ipakilala ako kay Anilex. Syempre alam niya na yun. Alam niya na, na gusto ko yung kaibigan niya. Pero nangako siya sakin na hindi nya sasabhin kay Anilex kaya hindi ako nangamba.

Isang araw, nung may practice sila, pinatawag ko siya kay Kenny.

*Flashback*

"Pare. Pakilala mo nako kay Anilex" sabi ko kay Kenny.

"Sige, Wait lang."

"De, joke lang. Baka mahalata niya ko."

"Eh lahat naman kayo papakilala ko eh."

"Ge na nga."

""Aniiiiiii!" biglang sigaw niya kay Anilex.

Pero hindi niya pinapansin si Kenny. Hindi siya lumilingon. Tsss. Ang sunget. Pero okay lang, yun nga nagustuhan ko sakaniya eh. Mataray.

"Snobber pala yan pare eh" nasabi ko nalang.

"Uy. Ani. Pag di ka lumingon...." sabi ni Kenny, kaya ayun bigla na siyang lumingon. At ang ganda niya. Ang ganda niya talaga. Lalo pag naka-taas yung kilay niya. 

It All Started With A ChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon