Chapter 3

38 5 0
                                    

*****

Kinaumagahan.

"Anyare sa mata mo?" tanung nung makulit kong kaibigan.

"Wala 'to teh."

"Share mo na yan bakluh!?" kulit talaga ni Kenny, hays. 

"Ayaw. Wala lang 'to."

 "If I know, dinamdam mo lang yung nabalitaan mo kagabi."

Pangiti-ngiti niya pang sinabi.

"Bakit ba, parang wala lang sayo pag nalulungkot ako. Tss. Birthday ko na bukas. Pero yun pa yung nabalitaan ko. Yun ba yung surprise mo? I hate you Kenny."

"Bwahahaha. Baliw. Iba yung surprise ko 'no."

"Grabe. Di ka ba naaawa sakin? Broken hearted na nga ako, tapos itutuloy mo parin yung binabalak mo! You're so mean."

"Pake mo ba! Ikaw ba yung magsusurprise, apaka pakelamera mo!"

Buong araw, nagpakasaya ako. Kahit na masakit parin sakin mga nangyare. Ganun talaga eh. Dapat magpatuloy parin ang buhay. Si Kenny, akala ko talaga wala na talaga siyang pake e. Pero pinasaya niya kong araw nato. As in. Ang saya-saya ko, nakalimutan ko kahit papano yung lalake nayun. Tss.

Pero si Kenny, hindi maalis na hindi niya ko asarin kay Pillos kapag makikita namin mula sa kalayuan. O kaya naman makikita naming dadaan sa room. Well, ganun parin nagagwapuhan padin ako sakaniya. Pero duhhhh. Taken na kaya siya. I wonder kung sino yung girl.

"Kenny, sino girlfriend niya?"

Out of the blue, red, green, Zaidoooooo!

Basta, out of the blue naitanong ko nalang sa kanya habang kumakain kami dito sa bahay nila. at movie marathon ng Barbie. Isip bata ba kami? Ganiyan talaga kaming dalawa eh.

Mahilg bumalik sa nakaraan. Tapos na namin yung The 12 Dancing Princess at Princess and the Pauper. Ngayun naman, Rapunzel Pero super saya, hanggang sa bigla ko nalang siya naalala 

"Ede tingnan mo yung naka 'in a relationship sakaniya' sa fb niya" sabi naman niya.

"Ayaw ko. Mas masasaktan lang ako... Maganda?" 

"Tingnan mo nga kasi!" Hahaha. Nababadtrip na tuloy siya. Ayaw kasi niyang kinukulit habang nanunuod eh.

Pero ano nga kayang klase ng babae ang magugustuhan niya. Hm... Ano kayang itsura niya? Gusto ko sana itry tingnan, kaso ayoko. Buong time, as usual enjoy. Basta kami yung magkasama ganon talaga. 

Nung pauwi nako, "Birthday mo na bukas teh. Excited ka sa surprise ko?"

"Di ako papasok. Kinakabahan ako sayo eh."

"Kahit di ka pumasok teh. Matatanggap mo yung regalo ko."

"Ano ba yun?! Bagay?"

"Oo, Hindi, Pwede."

Here she go again with those answers.

"Ikaw, mismo magbibigay sakin" tanung ko sa kanya.

"Oo, hindi, pwede."

Dapat itanong dito yung hindi nasasagot ng oo, hindi, pwede, eh.

"Umuwi ka na nga!" sabi niya pa sakin.

Wala na ko magawa, kaya bineso-beso ko siya tapos sumakay na ko ng jeep.

It All Started With A ChatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon