Chapter 5

429 19 6
                                    

"Ano ba Jia gumising ka na! Late na tayo sa training."

Dahan dahan kong idinilat ang aking mata at tumambad sakin ang naka busangot na muka ni Bea.

"Bumangon ka na dyan dali" Sabi nya at saka hinatak ako patayo.

"5mins pa Bei please?" Naka pikit kong sabi.

"Pang pitong 5mins mo na itong hiling, kalahating oras na kitang pinag bigyan kaya tumayo ka na dyan." Sagot nya

"Last na 5mins ko na to Bei sobrang antok pa kasi talaga ako." Pag dadahilan ko.

"Ok sige matulog ka pa dyan sa pag kakaalam ko dadalaw tayo kay Maddie pero ku....."

Ng marinig ko ang pangalan ni Maddie automatic na nag dilat agad ang mata ko.

"The fuck Bea bakit ngayon mo lang ipinaalala sakin?"

Nag mamadali kong kinuha ang damit at twalya ko at patakbo akong pumasok ng banyo.

"Aba ako pa sinisi mo eh kanina pa kita ginigising dyan."

Sigaw ni Bea sa labas ng banyo.

"Nakakainis naman bakit kinalimutan ko agad!" Singhal ko sa sarili ko.

--

Lumipas lang ang ilang minuto ay natapos na ako sa mga dapat kong gawin.

Pag labas ko ng banyo dali dali kong kinuha ang mga gamit ko pati narin ang gitara ko. Binitbit ko nalang din ang sapatos ko para makaalis na kami agad.

"Mas matagal pa yung pag gising ko sayo ah? ang bilis mo yatang gumayak ngayon? #allforMaddie ba?" Pang aasar ni Bea

"Manahimik ka Bea kung ayaw mong ihampas ko sayo itong gitara ko." Banta ko at saka nag simula ng lumakad palabas ng kwarto.

"Akina nga yang gitara mo ako na mag dadala, ang aga mo naman atang mang haharana." Sabi ni Bea sabay kuha ng gitarang naka sabit sa balikat ko.

"Ang sabihin mo takot ka lang hampasin kita nito, saka anong manghaharana ka dyan may music class ako ngayon"

Nag enroll ako sa isang music class dahil bukod sa volleyball, para sakin ay music is life din. I mean when someone wants to connect with me, it should be by music. Dahil music lang ang may kakayahan mag pahayag ng tunay na nararamdaman ko.

Nakarating na kami ni Bea sa sasakyan nya. Inilagay nya ang mga gamit namin sa backseat, sumakay sya sa driver seat at ako naman sa passenger seat. Nag start na si Bea mag drive habang ako ay nag saksak ng earphone at pinatugtog ang mga kanta sa paborito kong playlist.

Hindi nag tagal ay nakarating na rin kami sa BEG. Pag ka park ni Bea ng sasakyan nya ay agad na kaming bumaba.

"Goodmorning ate Jia at ate Bea" Bati samin ni Deanna.

"Morning" Naka ngiti kong sagot sa kanya.

"Morning Deanna" Sagot ni Bea sabay gulo sa buhok ni Deanna.

"Oh Bea bakit ngayon lang kayo ng bestfriend mo?" Tanong ni ate Ly.

"Pano ba naman tulog mantika yung kulangot na yun." Sagot ni Bea habang dahan dahan inilalagay sa bench ang mga gamit namin.

"Hindi yata sya excited makita si ano" Pag bibiro ni ate Ly

"Nako ate Ly nakalimutan nga nya eh, kung hindi ko pa ipina alala sa kanya baka tulog pa yan hanggang ngayon."

Natawa naman si ate Ly kay Bea, loko talaga ng dalawang to, trip akong asarin buti nalang at wala si ate Den, kung nandito yun gagatong pa yun sa pang aasar sakin.

Another Life With Her (JiaDdie Fanfic)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon